Ysabelle Cuevas (Ysa) Maaga pa pero parang gising na ang buong Floresta. Rinig ko ang talon, rinig ko ang mga dahon na gumagalaw sa hangin, at rinig ko rin ang sarili kong hininga na parang mas maingay kapag alam mong may gagawin kang bago. Pagkababa ko sa sala, saktong nandoon si Steven, tahimik tulad ng dati, at may nakahandang tray na parang laging may system ang buhay niya. “Good morning,” sabi ko, mas natural na ngayon kaysa dati. Tumango siya. “Eat.” Hindi na niya kailangan idagdag na “your brain needs fuel,” kasi alam ko na. Umupo ako at kumain, tapos sa gitna ng pagnguya ko, dumating si Victor. Hindi siya nagmamadali. Pero parang kahit hindi siya nagmamadali, may urgency pa rin sa aura niya—yung tipong kahit tahimik, alam mong may kontrol. “Ready?” tanong niya. “Para saa

