Ysabelle Cuevas (Ysa) May tunog pala ang pagiging ligtas. Hindi siya malakas—hindi tulad ng kulog o sirena. Mas parang… tahimik na “click” sa loob ng dibdib, yung klase ng tunog na maririnig mo lang kapag hindi ka na nakapulupot sa takot. Pagmulat ko, hindi ko agad hinanap ang phone. Hinahanap ko muna yung hangin. Yung lamig na hindi nanununtok. Yung talon sa labas na parang paulit-ulit na humihinga para sa’kin. Tsaka ko lang inabot ang phone. Wala. Walang unknown number. Walang “cute” na threat. Walang “keep your hands off what’s mine.” Ang weird. Kasi dapat matuwa ako. Pero ang unang naramdaman ko… kaba. Parang kapag tumahimik masyado ang paligid, doon mo naririnig yung sarili mong isip. At sa isip ko, isang pangalan ang paulit-ulit na bumabalik. Lucien. Mister. Kahit i

