Ysabelle Cuevas (Ysa) Hindi ko agad pinindot yung send. Hinayaan ko munang nakabukas yung draft, parang multo na nakatitig sa’kin. Baka kasi kapag sinend ko, magiging totoo na yung distance. Baka kapag sinend ko, wala na akong dahilan para umasa. Pero kung hindi ko sinend… babalik na naman ako sa dati kong sistema: hintay, habol, tanggap, sorry. Huminga ako. Isa. Dalawa. Tatlo. Tapos isinara ko yung screen. Hindi ko dinelete. Hindi rin sinend. In-between. Parang ako. — Kinabukasan, maaga ulit akong nagising. Mas maaga pa sa dapat. Kasi yung utak ko, parang nagka-alarm sa pangalan ni Lucien. Parang sa bawat pagmulat ko, automatic siyang hinahanap ng isip ko, kahit hindi ko naman gusto. Kaya bumangon ako. Hindi para magbukas ng phone. Kundi para maghanap ng gagawin. Pa

