Ysabelle Cuevas (Ysa) May mga umagang gumigising ka na parang may mali kahit wala ka namang napanaginipan. Siguro dahil sanay akong ang “tahimik” ay hindi blessing, kundi warning—yung katahimikang bago sumabog ang kung ano. Kaya kahit maganda ang araw sa labas, kahit kumakanta ang mga ibon sa Floresta, kahit amoy-kahoy at bagong linis ang villa ni Kianna… may parte pa rin sa’kin na naka-angat ang balikat. Hindi ako nagpa-panic. Hindi na katulad dati. Pero alerto ako. At iyon ang unang bagay na napansin kong nagbago sa sarili ko. Noong unang linggo ko rito, kapag may kakaibang tunog—kaluskos sa hallway, pag-click ng doorknob, kahit yung simpleng pagtunog ng phone—parang bumabalik sa katawan ko yung pakiramdam na “may masamang mangyayari.” Ngayon, humihinga muna ako bago mag-react. Hi

