Ysabelle Cuevas (Ysa) Hindi ko alam kung bakit kapag may salitang “congratulations,” parang hindi laging masaya. Parang minsan, kutsilyo siya na binalot lang sa ribbon. Nakatayo pa rin ako sa hallway, hawak ang phone, habang si Victor binabasa yung message na para bang binabasa niya rin yung buong pagkatao ko—yung takot, yung hiya, yung reflex kong sisihin ang sarili ko kahit hindi ko naman alam kung ano ang kasalanan ko. Hindi siya nagtanong ng “sino.” Hindi siya nagtanong ng “bakit.” Hindi rin siya nagtanong ng “anong ginawa mo.” Ang sinabi lang niya, mababa at pantay: “Steven.” Parang may lumabas agad na anino sa dulo ng hallway. Hindi dramatic—pero mabilis. “Sir,” sagot ni Steven, parang handa na. “Collect her phone,” sabi ni Victor, tapos tumingin siya sa’kin. “For tonight.

