Ysabelle Cuevas (Ysa) Sumunod ako sa kanya kahit nanginginig pa ang mga daliri ko sa paghawak sa envelope. Hindi ko binubuksan ulit. Ayokong makita ulit yung pangalan na hindi ko naman alam kung bakit tumama. Vivian. Parang may kumamot sa likod ng alaala ko—hindi siya memory, pero pakiramdam. Yung parang naamoy mong usok kahit wala namang apoy, tapos biglang kabado ka na. Tahimik si Victor habang naglalakad kami. Hindi siya nagmamadali, pero hindi rin siya humihinto. Yung klase ng lakad na alam mong may pupuntahan talaga, hindi yung “sabayan mo lang ako.” Si Steven, nanatili sa may dulo ng hallway, parang guard na hindi natutulog. Hindi ko alam kung normal iyon sa kanila, pero ngayon, malaking comfort yung may taong nakabantay. Pagdating namin sa isang pinto na hindi ko pa napapansin

