CHAPTER 79

2492 Words

Ysabelle Cuevas (Ysa) Gabi na, pero hindi ako inaantok. Nakahiga ako sa kama, nakatingin sa kisame, tapos paulit-ulit kong naririnig sa ulo ko yung dalawang salitang ayokong pakawalan. Vivian. Missing sister. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot. Yung possibility na hindi ako ako. O yung possibility na may taong naghahanap sa’kin na hindi ko kilala, pero may karapatan daw dahil dugo. Humiga ako nang patagilid at hinila ang comforter hanggang dibdib, parang kaya nitong pigilan yung gulo sa utak ko. Hindi niya kaya. Kinuha ko yung phone ko, pero hindi ko binuksan yung messages. Kasi kapag binuksan ko, babalik yung takot. At kapag bumalik yung takot, babalik din yung reflex kong mag-sorry kahit wala naman akong kasalanan. Kaya ibinaba ko ulit. Huminga ako nang malalim. Isa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD