PROLOGUE

280 Words
“DAMN IT!” sigaw ng isang lalaki, nakasuot ng laboratory gown, ramdam ang galit sa bawat salita. “Damn. Damn. Damn. f**k!” Paulit-ulit niyang binanggit ang mga salitang iyon bago pasalampak na umupo sa sofa, halos hawak-hawak ang ulo sa pagkadismaya. Habang nakaupo roon, napadako ang tingin niya sa isang lumang litrato—ang larawan ng kasintahang ngayon ay nakacomato, dulot ng aksidenteng nangyari sa kanila mahigit isang taon na ang nakalilipas. Napuno ng bigat ang dibdib niya, ngunit ipinilit niyang huwag ipakita ang damdamin sa sarili. Mabilis niyang kinuha ang isang sigarilyo, sinindihan ito, at hinithit nang malalim. Habang lumalabas ang usok, pinasadahan niya ang tingin sa paligid—sa mga kagamitang ginagamit niya para sa kanyang imbensyon, sa mga wires, beaker, at makinaryang naglalaman ng kanyang pinakahuling eksperimento. Ang lalaking ito ay hindi lamang sikat at popular na scientist dahil sa angkin niyang kagwapuhan, kundi dahil sa natatanging husay niya sa pag-iimbento. Ngunit sa kabila ng lahat ng tagumpay, may isang bagay pa rin na hindi niya makamtan. Hindi pa rin niya maperpekto ang imbensyong makakatulong upang buhayin ang kanyang kasintahan—ang babaeng pinaniniwalaang half-brain-dead ayon sa mga doktor. Alam niya sa sarili niyang may kulang—may nawawalang piraso na kailangang matagpuan. Ang nawawalang pormula sa kanyang imbensyon. Ramdam niya ang matinding pagkainis at pagod. Tumayo siya at naglakad patungo sa silid-banyo upang maligo, bawat hakbang ay puno ng tensyon at frustrasyon. Nang matapos, tinitigan niya ang sarili sa salamin. Ang basang buhok, ang matinding titig sa kanyang sariling mata, at ang bahagyang ngiti na unti-unting bumabalik sa kanyang mukha. “I’m not Lucas Ian Anderson for nothing,” nakangising sabi niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD