Marikit Nakaupo ako sa isang napakahabang lamesa kasama si King Arthur, si Papa at si Prince Charlie. Nagamit ko na rin sa unang pagkakataon ang elegante kong banyo kanina. At tama ang mga nasa isip ko, talagang kaysarap maligo sa banyo ko. Ang sarap magbabad maghapon doon. Ngayon naman ay naririto ako sa magarang dining area ng palasyo. At gaya ng inaasahan ay napalilibutan kami ng mamahaling mga gamit na mapapamangha ka sa sobrang ganda. Ang mga kubyertos, plato, baso at mga tasa ay kulay ginto. Masisilaw ka sa kinang ng mga ito. Ang mga maid ay nakahilera sa aming likuran at nag-aabang ng aming mga utos. Pinagsisilbihan nila kami at lagi silang alerto sa kung anong iutos ng hari sa kanila. Napakasarap ng mga niluto nila ngayong gabi. Kakaiba sa paningin at panlasa ko. Pero nag

