Chapter 5

2079 Words
Nang dumating ang professor namin sa General Psychology na si Ms. Bernadette Cruzate ay ibinalita nya  sa amin ang tungkol sa darating na pageant. Ang Mr. and Ms. College of Arts and Sciences. Bigla akong nasabik sa mga sinabi nya. Pageant? Korona? Pagandahan ba ang labanan? Parang gusto ko yatang sumali. Sa ganda kong ito, ay malamang na bagay na bagay ako para dyan. Perfect!.  “Only Psychology department doesn't have a candidate for the said event. Magpapatalo ba kayo mga Psycho?” ito ang narinig ko kay Ms. Cruzate.  Agad ding umalingawngaw ang ingay ng buong klase.  “No way! Hindi kami magpapatalo! Sino ba ang malakas ang loob dyan? Sumali na kayo!” sigaw ni Bob, yung isa sa mga classmates kong bully.  Samantalang yung bida bida naming kaklase na si April ay nagtaas ng kamay. Tinignan ko lang ang bruha nang tumayo sya sa harapan. Aba, may balak pa yatang magpresinta ng sarili nya. GGSS talaga sya.  “Ako po Miss Cruzate, I ‘d like to join the pageant and represent Psychology department!” sabi nya  Nagpalakpakan ang lahat nang sabihin nya iyon. Nakakainis! Naunahan nya ako. Bakit ba hindi ko agad sinabi kay Ms. Cruzate na na gusto kong sumali sa pageant. Naunahan tuloy ako ng bruhang si April. “Very good Ms. Katindig. So for the boys, any volunteer? Or magnominate kaya tayo?” sabi pa ni Ms. Cruzate.  Nawalan na ako ng gana. Masyadong mapapel talaga ang babaeng ito. Nasa kanyang lahat na ang atensyon ng mga kaklase ko. She is so papansin that's why I hate her!  “Is it okay Mam, if my partner will be Makisig Peniss?” sabi ng babaeng feeling maganda .  Mas lalo akong nainis sa mga sinabi nya. Yung puso ko parang dinaganan ng sampung elepante sa sobrang bigat. Talagang hinatak nya si Peniss para maging partner nya? Desperada!  “Bagay naman sila eh!” sabi ni Leah  “Oo nga eh, baka nga isang araw magulat na lang tayo na sila na pala.” Sabi naman ni Trisha  Kaibigan ko ba talaga ang mga ito? Ano ba ang nakikita nila kay April? Hindi naman yan kagandahan. At bagay sila ni Peniss? Sang banda? Nakakatawa lang talaga ang mga sinasabi nila.  “Okay, Mr. Peniss, you want to join the pageant? You are one of the most popular students, so I think you are the best for the said competition!” pambobola ni Ms. Cruzate para mapapayag lang si Macky.  Pero biglang tumayo si Bob, yung mapang-asar naming kaklase.  “Kung si Peniss ang pambato natin, eh di si Ms. Kantout na lang ang partner nya. Para hindi malilimutan ng lahat ang Kantout-Peniss tandem for Mr. and Ms. College of Arts and Sciences!” natatawang sabi ni Bob.  Napanganga ako! What? Nakakuha na naman sila ng tutuksuhin? Pinagtatawanan na naman nila ang mga apelyido namin! At talagang naipasok nila iyon sa kabila ng pagiging seryoso ni Ma'am sa pagahahanap ng mga kakandidato? Ang tataba talaga ng utak!  “Tama! Sikat ang Psyche Department nyan dahil sa mga nakakatawa nilang apelyido. Sila na lang mam!” sigaw pa ni Joey  Naririndi na ako sa lakas ng sigawan at  kantiyawan sa amin. Nasilayan ko ang mukha ni April na alam kong naiinis at naiirita dahil kami na ni Peniss ang gusto ng mga classmate namin para lumaban sa pageant. Well, maganda kasi ako!  Sa kabilang banda ng puso ko, medyo natuwa ako sa pang-aasar ng mga classmates namin. Dahil gusto ko talagang lumaban sa pageant. Ayos na ayos sa akin na ako ang magrerepresent ng Psyche Department at hindi ang feeling maganda na si April. Alam kong mauungusan ko ang kaklase kong si April sa pagkakataong ito.  Tinitigan ko sya at inarkuhan ng kilay.  “Okay, maganda rin naman talaga si Ms. Kan.. Si Ms. Marikit!” sabi ni Ms. Cruzate na hindi mabanggit ang apelyido ko. Mas lalo tuloy lumakas ang tawanan ng mga kaklase kong ang lalakas mang-asar. Napanguso tuloy ako  dahil dito.  “Pero okay lang ba Ms. Katindig, kung sila na lang ang magiging candidate natin? Sa tingin ko magiging sikat talaga ang department natin dahil sa mga apelyido nila. And I’m sure may laban din naman sila right?” sabi ni Mam  Bagsak balikat na naglakad pabalik sa silya nya si April. Alam na nya ang kinalagyan nya ngayon. Masama syang tumitig sa akin at padabog na umupo sa kanyang silya.  “So ano? kasumpa sumpa ba talaga ang apelyido ko?” pang-aasar ko sa kanya  Nakita ko ang mas mataas na pag-arko ng mga kilay nya sa akin. Alam kong asar na asar sya sa mga sinabi ko.  Pero nagulat ang lahat ng tumayo si Peniss sa kinauupuan nya. What? May sasabihin ba sya?  “Ma'am! Mas ayos po sana sa akin na si Ms. Katindig ang maging partner ko sa pageant. Kung hindi po sya ay hindi na lang din ako sasali. I’m sorry” sabi ni Peniss "Woooh!!" Sigawan ng mga kaklase ko.  Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko iyon. Ang kapal ng mukha nyang sabihin iyon, Ang  lakas ng loob nyang ipahiya ako? Ako pa ang tatangihan nya? Ang daming nagkakandarapa na makasama ako, pero sya? Sya lang ang laging lumalayo sa akin! Bakit nya ba ako laging ginaganito? Ano ba talaga ang ayaw nya sa akin? Hindi nya lang alam na nasasaktan ako sa mga ginagawa nya! Alam kong walang dahilan o wala akong karapatang masaktan, pero iyon ang nararamdaman ko at ang sakit sakit na! Syet! Ngayon ko lang ito naramdaman buong buhay ko.  Pagdako ko sa gawi ni April, ay sya naman ang may mapang-asar na ngiti para sa akin. Para bang ipinaparating nya sa akin na panalo pa rin sya dahil nakuha nya si Peniss? Syet. Hindi ako papayag!  “Ohhh, Hindi pwede yan Macky! Mas bagay Kayo ni Ms. Kantout! Mam, sila na lang po, lahat kami agree na si Kantout-Peniss po ang magiging candidate!” pagpupumilit ni Bob. Hindi ako nakatiis kaya napatayo na rin ako sa kinauupuan ko. Kinuyom ko ang mga kamao ko at nanginginig kong hinawakan ang dulo ng blusa ko.  “Kung ayaw mo! Di wag! Basta ako, gusto kong maging candidate ng pageant at irepresent ang buong department natin!” Matapang kong sinabi ang lahat ng ito. Nagulat din ako sa sarili ko dahil napagtaasan ko ng boses si Peniss. Halos habulin ko ang hininga ko pagkatapos kong sabihin iyon. Triple ang kalabog ng puso ko. Nasigawan ko si Peniss at hindi ko naman sinasadya iyon.  Pero nakita kong lumapit sa akin si Macky Peniss. Yung mga titig nya para bang galit na galit sya sa akin. Napalunok ako nang tumigil sya sa harapan ko. Napakatangkad nya kaya napatingala ako sa kanya. Parang tinatambol yung puso ko sa sobrang kaba. Napahakbang ako patalikod, pero wala na pala akong maatrasan, dahil mga silya na ang nasa likuran ko. Amoy na amoy ko ang humahalimuyak nyang pabango. Yung amoy nya na parang parati kong kasama? Parati kong naaamoy.  Nagtitigan kami sa mata at parang matutunaw ang buo kong pagkatao sa mga titig nya. Yung asul nyang mga mata na pinakagusto ko sa parte ng mukha nya ay nakatitig sa akin. Syet! “Sige, kung gusto mong pinagtatawanan tayo ay payag na ako. Kung gustong gusto mong napapahiya tayo dahil sa mga pangalan natin ay ayos na sa akin. Ginusto mo to ha? Okay fine, payag na ako!” sabi ni Peniss  Lahat ay nagsigawan at nagpalakpakan dahil sa wakas ay pumayag na rin si Peniss para irepresent namin ang Psyche Department. Pero bahagya akong natakot  sa mga sinabi nya. Pagtawanan? Mapahiya? Dahil sa mga pangalan namin? Sa bagay, sanay naman  ako, mula bata pa lang ako ay nararanasan ko na ang lahat ng pangungutya nila dahil sa apelyido ko, kaya wala nang bago. So hindi dapat ako matakot!  “Kantout-Peniss for the win!!!” sigawan nila  Matapang kong tinitigan si Macky Peniss. Hindi ako pwedeng basta na lang magpatalo sa kanila. Paghahandaan ko ang pageant na ito. At sisiguraduhin kong mababaliw ang Peniss na yan sa kagandahan ko!  Bumalik sa kinauupuan nya si Peniss, sa tabi ni April. Nakatingin pa rin sya sa akin na para bang nagbabanta pa rin. Kaya ko to! Kaya kong manalo sa pageant na to! Makikita nila! Nang sumapit ang uwian ay pinatawag muna ang lahat na mga candidates para sa isang meeting. Sa labas pa lang ay nakapila na ang mga candidates ng bawat department. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat kandidato partikular ang mga babae. Napangisi lang ako dahil di hamak na mas angat ang ganda ko sa kanila. Parang ang iba ay na-intimidate pa nang makita ako! Hinawi ko ang mahaba kong buhok. Alam kong napatingin ang mga lalaking candidates sa akin. "Sobrang ganda naman nya! Sang department kaya sya Pre?" Narinig kong tanong ng isang lalaki. Ngumiti ako sa kanila. At kumurap ako ng dalawang beses. "I'm from Psychology Department. Thank you for the compliment." Sabi ko sa kanila sabay ipit ko ng aking buhok sa tenga ko. Buong puso akong ngumiti sa kanila. Ang sarap talagang maging maganda dahil kapansin pansin ka. Nakita kong napangiwi ang lalaking nagsalita kanina. Para bang nahiya sya sa akin. Oh! It's alright, alam ko naman na ganyan talaga ang mga reaksyon ng mga lalaki sa tuwing kakausapin ko sila. Natetense, kinakabahan, natutulala! Ayos lang yan! "Hindi ikaw Miss. Yung babae sa likuran mo ang tinutukoy namin." Sabi ng lalaki Natulala ako sa sinabi nya! Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dahil napahiya ako! Syet! Agad akong napalingon sa babaeng tinutukoy nila. At nasilayan ko ang isang matangkad at sexy na babaeng may hawak na mga libro. At yes! Maganda sya! Tisay din sya kagaya ko! Napayuko ako dahil napahiya ako sa mga lalaking ito! Parang gusto ko na lang umuwe na! Nakakainis! Akala ko kasi ay ako lang ang maganda dito! Meron pa palang gustong umangkin ng trono ko. Napayuko na lang ako at napakagat labi na lang. Naramdaman kong hinawakan ni Peniss ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Nagulat ako sa kamay nyang nakahawak sa akin. Parang gustong sumabog ng puso ko habang hawak nya ang mga kamay ko. "Maganda ka! Maarte ka lang!" Sabi nya Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa sinabi nya. Pero aaminin ko, na ang mga sinabi nyang iyon ay nagpagaan ng loob ko. Lalo na at nanggaling pa sa kanya. Lihim akong ngumiti. Napatingin din ako sa kamay nyang nakahawak pa rin sa kamay ko. Nang magtama ang mga mata namin ay biglang napaawang ang bibig nya at binitawan na lang nya bigla ang mga kamay ko. Napahawak sya sa batok nya at nagkunwaring patay malisya. Sumipol sipol pa sya habang nakapamulsa sa pantalon nya. Nahiya pa sya? Aminin nya na kasing crush nya ko! Hindi ko na maitago ang mga ngiti ko. Ewan ko ba! Maya maya lang ay dumating na ang coordinator ng pageant. "Ms. Flores and Mr. Samson from Masscomunication. Ms. Natividad and Mr. Angeles from Political Science. Dito kayo maupo" Pagtawag ng event coordinator habang isa isa nyang pinapaupo ang mga kandidato. Diosko. Heto na naman kami. Tawagan na naman ng pangalan. Magkalayo na kami ni Macky. Hindi ko na sya kinausap pa, sobrang awkward kasi nung nangyari kanina. Tinignan ko pa ang mga kamay ko, pakiramdam ko ay hawak pa rin nya ito, pero bakit? Bakit ganun ang pakiramdam ko. At alam ko na may mumunti syang sulyap sa akin na syang nagpapaguhit muli sa mga labi ko para ngumiti. "Ms. Kan.. kan.. Kan..tout? And Mr. Peniss? From Psychology department?" Halos hindi na mabanggit ng coordinator ang mga pangalan namin. Lahat ng kandidato ay napatingin sa amin. Ang iba ay pigil ang tawa. Ang iba naman ay hindi makapaniwala. "Joke ba yan mam?" Tanong ng isang kandidata. I think she's from Sociology department. Aba! Nagmamataray ang isang ito ha! I cleared my throat and spoke with confidence. "No! Our surname isn't a joke! I am half pinay half Luxembourgers. From Luxembourg country!" Sabi ko. Mukhang hindi nila alam ang lahing pinanggalingan ko. Lahat sila ay nakakunot ang mga noo sa amin. "Luxembourg is a small European country!" Sabi ko sa kanila Napatango lang sila sa akin na bakas pa din ang pag-iisip kung saan ang Luxembourg. Napatingin din sila kay Peniss. "Eh how about you? Taga saan ang mga Peniss?" Natatawang tanong pa ng isa. Nakaarko lang ang kilay ko. Hinayaan ko lang si Peniss na sagutin ang mga tanong nila. Saan bansa nga ba sya galing? Hindi ko pa rin pala alam hanggang ngayon. Bigla akong napatingin nang lumunok sya. Syet! bakit ang sexy nung rumolyo ang adams apple nya? Napakagat labi na lang ako. Hindi ko na kasi maipaliwanag ang nararamdaman ko. "I am also from Luxembourg!" Sabi nya Namilog ang mga mata ko. What? Half Luxembourgers din sya? Sa dinami dami ng lahi ay pareho pa talaga kami ng pinangalingan? Niloloko ba talaga kami ni Destiny? Mula sa mga pangalan namin hanggang kung saang bansa kami nanggaling ay parehas talaga lahat? Syet? Narinig ko ang tawanan ng lahat sa amin. Mga tawanan na madalas kong marinig sa tuwing malalaman nila ang kasuklam suklam kong apelyido. Makisig Peniss, bakit nga ba tayo pinagtagpo ni Destiny.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD