Macky “Hindi pwedeng hindi ka pumayag Emily! Matagal ko nang pinlano ito. Nung isilang ko pa lang ang anak ko ay sinabi ko na sa sarili ko na kailangang matupad lahat ng ito!” matapang na sabi ni Mama Pero mas lalo kong nakita ang madilim na mukha ni Tita Emz. Nararamdaman ko ang matinding galit nya. Ngunit hindi nagpatinag si Mama. Nilakasan nya ang kanyang loob para makuha muli ang tiwala ng kanyang kaibigan. ”Kailangang maikasal ang mga anak natin!” matapang pa ring salita ni Mama Ngumisi lang si Tita Emily at napailing na lang sa lahat ng mga sanabi sa kanya ni Mama. Ramdam na ramdam ko ang matinding tensyong bumabalot sa kanila. “Maria, tigilan mo na yang walang kwenta mong plano. Ang tagal na nung mga sinabi ko sayo. Madami nang nagbago!” sabi ni Tita Emz Nagsimulang m

