Macky Niyaya ko sa isang dinner date ang mga magulang ni Kate! Labis ang pagtatampo ni Kate dahil hindi sya maaaring sumama sa dinner date na ito. Mahigpit kasi ang bilin nila mama na huwag munang sabihin kay Kate ang katotohanan. Mas mabuting ang unang makaalam ay ang mga magulang niya. Ipapaalam ko sa kanila ang mga plano ni Mama. At sa pagkakataong ito ay umaasa si Mama na magkakaayos muli sila ng kanyang matalik na kaibigan. Maayos na ang lagay ng puso ni Tita Emz dahil natagpuan na rin nya ang kanyang tadhana sa katauhan ni Tito Edz. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa maaaring maging resulta ng pagtatapat kong ito. Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Tita Emily. Paano kung hindi nya magustuhan ang mga sasabihin ko? Paano kung bumalik lahat ang mga alaala nya nung panahong g

