Macky Kumurap ako ng dalawang beses sa mga sinabi ni Mama. Napaawang ang mga labi ko nang idetalye nya ang lahat at tunay na mga plano nila. Hindi naman siguro ako nabingi sa lahat ng mga sinabi ni Mama. “M-Ma, p-pakiulit nga po?” halos nanginging na tanong ko kay Mama. Nais ko lang makasiguro na malinaw ang mga narinig ko at tama ang pagkakaintindi ko sa kanilang mga plano. Nakita ko ang magagandang ngiti ni Mama sa akin. Para bang lalo nya akong pinapasabik sa kanyang mga sasabihin. “Uulitin ko! Nakatakda na kayong ikasal ni Kate sa susunod na taon! Nakaayos na ang lahat! Ang matamis na OO na lang nya ang hinihintay natin!” sabi ni Mama Para akong lumipad sa alapaap nang marinig ulit iyon kay Mama, na ikakasal kami ni Kate! Hindi pa rin makapaniwala ang puso ko na nakatakda

