Marikit Nakarating kami ni Macky sa address na ibinigay ni kuya Leighton, na pinaniniwalaan naming si Karen Rose. Isang abandonadong bahay ang address na ibinigay nya. Napakagaling naman talaga ni Karen Rose na makakita ng ganitong klaseng lugar para maisakatuparan nya ang maitim nyang balak sa akin. Ipinarada ni Macky ang kotse sa di kalayuan . Hindi sya pwedeng magpakita kay Karen Rose dahil maaaring masira ang aming mga plano. “Mag-iingat ka Kate! Nakasunod naman ako sayo.” Pagpapaalala ni Macky Pakiramdam ko ay nasa isang malaking misyon kami at kinakailangan na mapagtagumpayan namin ito. Kinakabahan ako dahil baka hindi kami magwagi sa planong ito. Pero malaki ang tiwala ko kay Macky. Alam kong magtatagumpay kami! Alam kong mababawi din namin si Kuya Leighton, at maibabalik

