Macky Nasa isang mala-gubat na lugar kami ngayon para maibigay ang ransom money na hinihingi ng mga sindikato! Dito nila pakakawalan sila kate at Benedict. Dito nila kukunin ang mga perang ibibigay namin sa kanila. Dala dala na namin ang dalawampung milyong piso para mabawi si Kate sa kanilang mga kamay. Kasama ko sila Kuya Leighton , Tito Edz at Kuya Brent na naghihintay sa lugar na ito. Sa parte naman nila Benedict ay ang kanyang ama lamang ang aming kasama. Ilang oras kaming naghintay sa lugar na iyon. Pakiramdam ko ay hindi na nila kami sisiputin. Kinakabahan ako sa maaring mangyari ngayong gabi. Maya maya lang ay nagring ang cellphone ni Mr. Chua. Nakaloud speaker ang cellphone nya upang marinig namin ang bawat usapan nila. “Ilagay nyo ang mga bag ng pera sa ibabaw ng m

