Marikit Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng mahimbing. Pagkatapos kong masilayan ang likod ni Buwitre ay nagkaroon ng matinding pagtatanong ang puso ko tungkol sa kanyang pagkatao. Pamilyar ang boses nya sa akin. May kausap din sya sa telepono na tila ba kilalang kilala ako. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakahain sa isang food trolley cart ang masasarap na almusal. Nariyan ang ilang pirasong hotdog, bacon, ham at wheat bread. May isang baso pa ng gatas para sa akin. May mix fruits pa na nasa isang bowl, may apple, peras, grapes at paborito kong watermelon na nakahiwa ng maliliit. Ang sarap namang mag-alaga ng Buwitreng ito! Pinaparanas talaga sa akin ang buhay Prinsesa. Pwede na akong mabuhay sa loob ng kwartong ito dahil lahat ng aking kakailanganin ay narito na. Pagdak

