“Change your clothes.” Iyon ang unang sinambit ni Donovan nang pumasok ako sa kuwarto niya. We're already in the hotel and we will be having dinner with the foreign investors in an hour. Naningkit ang aking mga mata. “Bakit? What's the problem?” Napatingin ako sa aking suot. Kulay puting blouse at pencil skirt. Ito naman ang usual kong suot. Abala siya sa pagbubutones ng kaniyang kulay asul na polo. His hair is still wet and messy. Napasulyap siya sa akin at sa paraan kung paano niya ako titigan, para akong hinuhubaran. “Exactly,” saad niya na para bang nabasa niya ang aking iniisip bago napaharap sa akin. “That's how the investors will look at you.” “You're jealous?” I teasingly asked while fidgeting the button of my blouse. He lets out a frustrating sigh before taking some steps. “

