Kasalukuyang nasa meeting si Donovan. Gustuhin man namin pareho na naroon ako, ang request ng foreign investors na sila-sila lang daw dapat. Puwede akong sumama pero hindi ako puwedeng pumasok. Sa labas lang daw ako maghihintay. It sounded dumb. Parang wala lang din naman 'yong pinagkaiba. Nakaupo ako ngayon sa higaan ni Donovan, may hawak na libro. I've been reading the same paragraph for how many times already, but the words and thoughts seem to drift in the air. Ibinaba ko na lang ang libro at hinayaang bumagsak ang katawan sa kama. “Aray,” bulalas ko at napahawak pa sa aking dibdib. Tumalbog kasi ang mga ito at wala akong suot na magbibigay sana ng suporta rito. Ang tanging suot ko lamang ay isang pink silk dress na hanggang hita lang ang haba at panty bilang panloob. Napapikit na l

