Parang sasabog ang aking dibdib sa lakas ng kabog ng aking puso nang mahiga ako sa kama. Para iyong drum beats na sumasabay sa aking mabilis na paghinga. Mariin akong napapikit at tinakpan ko iyon gamit ang aking kanang kamay bago ako napakapit sa aking buhok. Sinabunutan ko ang aking sarili at napahampas sa higaan. “Stop overthinking!” bulong ko sa aking sarili bago ko kapain ang aking tiyan na para bang may hinahanap doon. “You're overworked, that's it. You need rest.” Kahit anong sabihin ko sa sarili ko, hindi pa rin kumakalma ang kalamnan ko. Mabuti na lang talaga at wala roon sa kusina si Mang June kanina dahil kung nakita niya ako, malamang ay iisipin niya rin ang iniisip ko ngayon. But it's impossible. It can't be! “Ysabella, you're just exhausted. Rest,” muli kong saad sa akin

