Dahan-dahan kong ipinatong sa mesa ang mga dokumentong kailangan kong papirmahan kay Donovan, bago ako napaupo sa sofa. Napapikit ako habang bahagyang nakayuko ang ulo, samantalang ang mga braso ko naman ay magkatagpo sa aking dibdib. Inaantok na naman ako. Sakto naman sa oras ang aking tulog, pero pakiramdam ko ay kulang pa rin iyon. I heard footsteps, heavy and calculated, heading toward me. But what kept me from sleeping is his scent that I wish to sniff. I know he's already standing in front of me, but I didn't consider opening my eyes. Mamaya na iyang mga papipirmahan ko. “Ysa,” he called, his voice was gentle and soothing, a complete irony from his serious face and low deep voice when talking to others. Saka lang ako nag-angat ng tingin sa kaniya nang dumampi ang kaniyang kamay sa

