bc

Ruthless (SPG)

book_age18+
25
FOLLOW
1K
READ
revenge
possessive
arrogant
badboy
goodgirl
tragedy
lies
cruel
like
intro-logo
Blurb

Shanley Alexi Bustamante is the daughter of a famous governor who was assassinated alongside her mother. Shan was ten years old when she witnessed the murder of her parents in front of her. She was apprehended while running for her life by the person who murdered her parents. She didn't see him kill them, but he is certain because she can see the possibility of the man killing her parents just by looking into his eyes. He appears to be terrifying, merciless, and ruthless.

But what if that ruthless man ends up being the one who looks after her while she grows? Worse, what if she falls in love with the man who murdered her parents ruthlessly?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Mama, what are you doing po?" the 10 years old me asked my mother when I saw her doing something in the kitchen. Kagigising ko lang galing sa pagtulog ng tanghali na palagi kong ginagawa kasi sabi sa akin ni Papa ay tatangkad raw ako kapag palagi akong natutulog. "Guess it," nakangising ani Mama at humarap sa akin. She is hiding something on her back making my forehead creased. I tilted my head on the side and asked, "Pizza?" My mother chuckled and nodded her head. Natuwa ako sa sagot niya kaya agad akong lumapit sa kanya para yakapin siya at halikan si pisngi. "Oh, sweet baby, lumalambing ka lalo kapag nilulutuan kita ng pizza," natatawang aniya at binuhat ako para umupo sa ibabaw ng lamesa. "You know how I love pizza, Mama," I said and moved my feet in excitement. "Next time dapat marunong ka na magluto—" "Nooo," I pouted. "Your pizza is one of the best and it will always be my favorite flavor." She pinched my nose and kissed my cheeks again. "Alam mo ikaw, ayaw mo lang talagang matuto kaya sinasabi mo 'yan." "Totoo nga, Mama! Masarap talaga ang pizza kapag ikaw ang gumawa. And you know I am not like the others that hates pineapple pizza, right? I will always love eating foods as long as you're the one who cooked it," I said and put my fingers together to form a heart and showed it to her. Natawa si Mama at kinuha na lang ang pizza na niluto niya at pinakagat sa akin. As always, sobrang sarap nito at masasabi kong iyon ang na ang pinaka-favorite kong pagkain sa buong buhay ko. "Nagbo-bonding kayo ng hindi ako kasama?" Sabay kaming napalingon ni Mama nang marinig namin ang boses ni Papa na kapapasok lang ng bahay kung hindi ako nagkakamali. "Pa!" Bumaba ako sa lamesa at tumakbo para magpabuhat sa kanya sabay halik sa kanyang halik. I missed him. Pagkagising ko kasi kaninang umaga wala siya dahil maaga siyang umalis para mag trabaho. "Shanley, malaki ka na nagpapabuhat ka pa rin sa Papa mo?" Tito Arnold asked. Kasabay siya ni Daddy sa pag pasok sa kitchen. "I'm still a baby, Tito. 'Di ba, Papa? 'Di ba?" I convinced my father while blinking my eyes so I'll look cute. He chuckled sabay gulo ng buhok ko. "Of course! My Shanley Alexi is still a baby so it's okay kahit buhatin siya ni Papa kahit sobrang pagod sa work." "Kinikonsensya mo naman ako Papa, e. Bababa na nga lang ako," kunwari ay pagtatampo ko na ikinatawa nilang tatlo ni Mama at Tito. "How's work, Honey?" Mama asked Papa nang makaupo kami para mag meryenda. Umupo rin si Tito sa dulo at sumabay sa amin. "Nagkagulo ang mga tao kanina sa munisipyo, Ate," si Tito Arnold ang sumagot. "Bakit? Anong nangyari?" "Nagrereklamo kasi hindi raw nabigyan ng ayuda," sagot ulit ni Tito at kumagat sa pizza. "Nakakainis nga, e. Nandoon naman ang mayor at binibigay naman sa kanila ang pundo para sa munisipyo nila pero si Kuya Alexis ang sinisisi," he added habang nakakunot ang noo. "Hayaan mo na, Arnold, hindi naman natin masisisi ang taong bayan dahil nagugutom sila at walang maibigay na pagkain para sa pamilya nila," kalmadong sagot ng Papa habang hinahawi ang magulong buhok ko para hindi iyon mapunta sa aking bibig. "Pero hindi mo naman kasi kasalanan 'yon, Kuya. Baka maka-apekto pa itong maliit na issue sa 'yo ng mga tao sa pag takbo mo bilang Senator sa susunod na eleksyon. Matinik pa naman ang makakalaban mong si Vice Suico." Bumuntong hininga si Papa at ngumiti kay Tito Arnold. "Saka na natin 'yan pag-usapan, Arnold. Let's not talk politics in front of Shanley." Nagpatuloy kami sa pag kain habang abala naman si Mama sa pag lagay ng juice sa mga baso namin. Hindi rin nag tagal ang Tito at Papa sa table dahil may pag-uusapan pa raw silang mahalagang bagay sa office na nasa second floor ng bahay. Sigurado akong tungkol 'yon sa politika na alam ko namang hindi ko maiintindihan. My father, Alexis Bustamante is a governor while Tito Arnold is his right hand na kapatid ni Mama. Si Mama naman ay house wife pero marami rin siyang business katulad ng boutique at may mga foundations rin siya para suportahan si Papa. "Mama, pupunta po ako sa labas," paalam ko kay Mama nang mapansing bumaba na ang araw. "Anong gagawin mo, sweetie?" she asked after checking her wrist watch. Sigurado akong tinignan niya ang oras. "Hmm..." Nag-isip ako sandal. "Bike?" Kumunot ang noo niya. "No, hija. Busy ang daddy hindi ka niya matuturuan." Ngumuso ako. "Okay, maglalaro na lang kami ni Cookie." Tumango siya at tinawag si Yaya Kikay para samahan ako sa labas. I jumped in excitement when I saw Yaya Kikay together with Cookie, my cat, walking toward me. "Paki-bantayan muna si Shan, Kikay. Aalis kasi si Alex bukas kaya kailangan kong ihanda ang mga dadalhin niya," ani Mama kay Yaya Kikay. Nauna na akong lumabas at dinala si Cookie sa damuhan para doon kami maglaro. Mataba ang pisngi niya at makapal ang balahibo kaya hindi ko maiwasan minsan na panggigilan siya. "Naku, Shanley, baka makalmot ka," nag-aalalang ani Yaya Kikay nang makita akong niyakap ng mahigpit si Cookie. "Ikaw talagang bata ka ang hilig mo sa pusa." Ngumisi ako. "Sasabihan ko si Papa bilhan niya ako ng isa pang pusa." Natawa siya at umupo rin sa damuhan. "Alam mong laruang pusa lang ang ibibigay niya sa 'yo." Sumimangot ako at pinapagpatuloy na lang ang paglalaro. Nang bahagya nang dumilim ay tinawag na kami ni Mama para pumasok. Binuhat ko na si Cookie na napagod sa pakikipaglaro at akmang papasok na sa loob ng bahay nang mapansin kong parang may nakatingin sa akin. Lumingon ako sa gate at nakita ko ang mga guards at body guards ni Papa pero hindi naman sila nakatingin sa akin. Nang tumingin ako sa kabilang side ng gate ay may sasakyan sa hindi kalayuan at hindi ko alam kung doon ba galing ang kakaiba kong nararamdaman pero nagkibit balikat na lang ako at pumasok. After ng dinner ay pinaakyat na ako ni Mama sa kwarto ko kasi mag-uusap pa raw sila ni Papa. Nanood na lang ako ng TV sa kwarto nang bigla akong napunta sa news. Nakita ko ang mukha ni at ang isa pang lalaki na may apilyedong Suico. Nagkibit balikat na lang ako dahil alam ko namang tungkol lang 'yon sa politika. Ang bilin sa akin ni Papa ay huwag muna akong manood ng mga gano'n kahit na nakikita ko pa ang mukha niya. Sumunod na lang din ako dahil wala rin naman akong naiintindihan pero nang makita ko ang news ngayon ay alam kong kalaban niya ang kasama niyang lalaki sa news sa pag takbo sa susunod na election. Kinuha ko ang teddy bear ko sa sofa habang hinihintay si Mama na pumasok. She's always with me before going to bed and sleep. Hindi ako nakakatulog kapag hindi ako tinatabihan ni Mama o kahit ni Papa. "Ang tagal," bulong ko at tumalon pababa sa kama para lumabas. Ang sampung taong gulang na ako ay masyado pang maliit at hindi abot ang sahig mula sa kama kaya kailangan ko pang tumalon ng bahagya para bumaba. I was about to open the door when I heard something disturbing outside. Parang may nagkakagulo sa sala so I tilted my head on the side habang iniisip kung ano 'yon. Wala na akong narinig kaya binuksan ko ang pinto at lumabas pero agad akong napako sa kinatatayuan ko nang makita si Cookie sa hallway. His white fur is now red because of the blood coming out from his body. I trembled because of what I saw. "Mama!" tili ko at tumakbo paalis doon habang umiiyak at umiiling. Pilit kong inaalis sa isipan ko ang mga nakita kong dugo sa sahig dahil alam kong ikakapanghina ko lang 'yon sa mga oras na 'yon. Bumaba ako sa sala pero agad akong nadapa nang sumagi ang paa ko sa taong nakahiga sa sahig. I was already crying because of what happened to my cat but I almost fainted when I saw Yaya Kikay lying on the floor just like Cookie and the floor is full of her blood. Napapikit ako at hindi ko na alam ang gagawin sa mga oras na 'yon. Nahihirapan na akong huminga dahil sa dugong nakikita ko pero hindi ko kayang alisin doon ang mga mata ko. "Shanley!" Naramdaman kong biglang may bumuhat sa akin at nang maamoy ko siya ay alam kong si Mama 'yon. Kahit na nanghihina ay tinignan ko ang mukha niya at katulad ko, umiiyak din siya. Was it because of what happened to Yaya Kikay? "Mama..." I whispered. "I... I saw blood po," sumbong ko at umiyak na naman. "Anak—" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang makarinig kami ng putok ng baril. Bahagyang napatili si Mama at lalo namang lumakas ang pag iyak ko dahil sa takot. Nagtago kami sa gilid ng pinto habang pinapatahan niya ako. Hindi ko alam ang gagawin at takot na takot pa rin ako kahit kasama ko si Mama. "Oh God... shhh..." Pilit niya akong pinapatahan kahit patuloy naman ang pagtulo ng mga luha niya. "Shanley, listen. Don't cry... don't make a noise, baby." Kahit nahihirapan ay nilagay ko ang palad ko sa aking labi para pigilan ang ingay na dahilan ng aking pag iyak. Pero nang makita ko si Papa na tumatakbo papalapit ay naibaba ko ang kamay ko para sana yumakap sa kanya pero ang sumunod na nangyari ay hindi ko inasahan. Habang tumatakbo papalapit sa amin ni Mama ang Papa ay bigla na namang pumutok ang baril mula sa kung saan na naging dahilan kaya natigilan siya sa pag lapit at dahan-dahang natumba sa sahig. "Alex!" "Papa..." Dugo. May nakita na naman akong dugo pero ngayon ay hindi na galing kay Cookie o kay Yaya Kikay dahil dugo na ng Papa ang nakikita ko sa sahig. Parang nag dahan-dahan ang bawat takbo ng segundo habang pinapanood ko ang pag dilat-pikit ng mga mata niya dahil sa nangyari. "Papa!" I cried. "Alexis, no, please." Alam kong gustong lumapit ni Mama sa kanya pero hindi niya na nagawa dahil umiling sa Papa at tumingin sa akin. He smiled and I know what does that mean. That smile means he's saying he's alright and we should go. May lumabas na dugo sa bibig niya kaya agad niya 'yong pinahid kahit nakita ko na. "Alex, please," pagmamakaawa ni Mama akmang hahakbang papalapit sa kanya pero itinaas ni Papa ang kamay niya sa ere. "G-go now, Shane. Tumakbo na kayo ni Shanley, ilayo mo ang anak natin dito," mahina niyang sabi pero sapat na iyon para marinig namin pareho ni Mama. "Pero—" "Go! Save yourself and our daughter. Please, honey... please." Sa mga oras na 'yon ay pilit kong sinasabi sa sarili ko na panaginip lang ang lahat ng ito. Hindi totoong namatay ang pusa ko, si Yaya Kikay at nabaril si Papa sa harapan ko. Pero nang makarinig na naman ako ng putok ng baril at tumama 'yon sa ulo ni Papa ay halos maputol na ang hininga ko. Kahit nanginginig ang kamay ng Mama ay mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa akin. Wala siyang nagawa kun'di ang tumakbo palabas ng bahay kahit umiiyak dahil sa nangyari kay Papa. Habang tumatakbo siya palabas at buhat ako ay lumingon ako ulit sa loob ng bahay kung saan nakita ko si Papa na nakahiga sa sahig at wala nang buhay. Nakatingin sa amin ang mga buhay niyang mga mata at gusto ko na lang na pumikit para mawala ang takot ko. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may nakita akong bulto ng taong lumapit sa walang bahay ng katawan ni Papa sa loob ng bahay. Malayo na kami kaya tanging suot niya na lang ang naaaninag ko pero alam kong lalaki iyon na nakakulay itim at may hawak na baril. "Mama..." I called my mother to call her attention but she just continued running. Parang wala na siya sa sarili pero patuloy pa rin siya sa pag takbo palabas ng gate para maligtas kaming dalawa. I don't know what's going on. Masyadong bata ang isip ko para isipin kung bakit ito nangyayari, kung nasaan ang mga security at kung sino ang lalaking bumaril sa Papa ko. We're safe. 'Yon ang akala ko nang makalayo na kami sa bahay ni Mama. Akala ko dahil nakalayo na kami ay makakaligtas na kami pareho pero napapikit na lang ako sa gulat nang muli akong nakarinig ng putok ng baril. Hindi ko alam kung saan iyon galing pero naramdaman kong natigilan sa paglalakad si Mama kaya agad akong napatingin sa kanya. "Mama..." tawag ko sa kanya. She looked at me and smile. "Ayos ka lang ba, anak?" Tumango ako. "Let's go na, Mama. Baka dumating ang mga bad guys," umiiyak kong sabi. "'Di ba... ' di ba tinuruan ka ni Papa tumakbo ng mabilis?" Tumango ako ulit. "Pagod ka na ba sa pagbuhat sa akin? Sorry po." May tumulong luha sa mata niya pero agad niya rin iyong inalis sabay ngiti. "Pagod na ang Mama, anak. Do your best and run as fast as you can, okay?" "Let's go, Mama. Let's run together," I said nang ibaba niya ako sa kalsada. I thought she's okay while talking to me, pero nakita kong dumudugo na ang tagiliran niya. "Don't look," she said and touched my chin. "Run, Shanley. You'll be safe as long as you don't look back. Do you understand?" Umiling ako. "Mama, why—" "Mahal... mahal ka ng Mama at Papa, anak. We're very sorry if we can't be with you anymore, hmm? Tandaan mo na maliligtas ka, mabubuhay ka at magagawa mo pa ang mga gusto mo kahit wala na kami—" "Mama, ayaw," I shooked my head and cupped her face. "Let's run together, please. Get up na po, Mama." "We can't, sweetie," nanghihina na niyang sagot. Hindi ko alam kung dahil ba sa pag-iyak niya o dahil sa tama ng baril. Nang lumingon siya sa likuran ay nanlaki ang mga mata niya. "Someone is coming. Go! Run!" "No!" Pauli-ulit akong umiling. "I said run, Shanley! Save yourself!" I am ready to say may 'no' again but another gunshot happened na tuluyan nang ikinatumba ni Mama sa malamig na semento ng daan. Napatili ako at napaiyak pero parang may mga sariling utak ang mga paa ko na bigla na lang tumakbo paalis doon. Kahit maliit ang mga binti ko ay ginawa ko ang makakaya ko para iligtas ang aking sarili mula sa pumatay sa mga magulang ko. Hindi ako makahinga ng maayos at ilang beses na akong nadapa dahil sa pag takbo habang umiiyak. Hindi ko na lang pinansin ang mga sugat sa aking tuhod at patuloy lang sa pagtakbo at katulad ng sabi ni Mama ay hindi ako lumingon sa likuran dahil nandoon ang pumatay sa kanila ni Papa. 'Yon na naman ang akala ko. Nagkamali na naman ako dahil bigla akong natumba sa malamig na sahig nang may nabunggo ako sa gitna ng pagtakbo. I thought it's just a wall or something but I was wrong. Ang nabangga ko ay tao. Lalaking matangkad, nakaitim at may hawak na baril. Nang makita siya ay tuluyan akong naihi sa takot dahil napaka-pamilyar ng suot at hawak niya. Siya 'yon, ang lalaking pumatay kay Papa at sigurado akong kasama niya rin ang pumatay sa Mama. "H-huwag... huwag po," umiiyak kong sabi habang nanginginig ang buo kong katawan sa sobrang takot. Naalala ko na naman kung paano nabaril ang mga magulang ko sa ulo at alam kong kaya niya ring gawin 'yon sa akin. "Please po... huwag..." muli kong pagmamakaawa nang makitang may mga lalaking dumating mula sa kung saan at tumayo sa kanyang likuran. Akala ko ay putok na naman ng baril ang maririnig ko pero hindi iyon nangyari sa halip ay isang malamig na boses ang nagsalita mula sa aking harapan. "Take her." Napaangat ako ng tingin at napatingin sa lalaking nabangga ko kanina na siya ring nagsalita. Walang kaemo-emosyon ang kanyang mukha lalo na ang mga mata niyang halos hindi ko na matignan. He look so scary as if my life will end if I look in his eyes. That was the first time I saw and meet someone like him. Cold, scary, dangerous and ruthless.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook