
“As long as you fulfill our deal to release my family, I'm willing to marry you even though it's dangerous to be your wife.”
Pauwi na sana sina Jenyfer Caluttong sa bahay nila para sana mag-celebrate ng katatapos niyang graduation nang bigla na lang harangin ang sinasakyan nila ng mga armadong lalake at lahat sila ay dinukot at dinala sa isang hideout.Pagdating nila sa nasabing hideout, doon lumabas ang tinatawag na boss ng mga armadong dumukot sa kanila. Nagpakilala itong si Rhys Zumalde. Mala-model sana ang ka-guwapuhan at umiigting din ang panga sa sobrang seryoso nito. Ngunit sa tuwing tumititig sa kaniya ay tila may panganib na dala ang mata nito.Pakakawalan lang daw ang pamilya niya sa isang kondisyon. Magpapakasal siya rito. Labis ang galit ni Jenyfer nang marinig niya iyon kay Rhys Zumalde. Ngunit wala siyang choice kahit na ang tingin niya ay mapanganib ang magpakasal dito.
