Chapter 7

1154 Words
Tapos na lahat lahat ng activities at madaling araw na ngayon pero gising na gising pa din ako. No cellphones ang peg ng Night Out kaya heto nakatingin lang ako sa kisame habang pinagmamasdan ang patay na chandelier. May dim lights na nakapalibot sa buong Function Hall at talaga namang kanina pa may naglalakad siguro security. Mula kanina ay di pa namin nakikita yung dalawa. Hindi din namin alam kung san sila nakapwesto. Ang dami dami kasing estudyante eh! Ayan di tuloy namin makita yung dalawa! Umikot ako sa kanan, then kaliwa, tapos dumapa and lastly, tumihaya pero wala! Wala talagang epekto! Ugh! Frustrated kong ginulo ang buhok ko sabay upo. Sisigaw na sana ako ng may makita akong anino sa tabi ko na bigla na lang din umupo pero dahil mabilis ang utak ko.. narealize kong si Stella nga lang pala ang katabi ko! Damn Clean! Takutin daw ba ang sarili!? “Stella! Bakit di ka pa tulog?” tanong ko sa kanya na may mahinang boses. “Walanjo, di ko nga din alam kung bakit eh! Kanina pa kaya ako paikot ikot dito, may parang ano eh.” “Ano?” bwisit na Tela to! Binitin pa! “Basta may something na nagpapanatili para magising ako!” inis na sabi nya sabay lingon sa paligid. Lumingon din ako sa paligid at mula dito sa pwesto namin na nasa pinakadulo ay lahat ng estudyante ay nakahiga na at mukhang tulog na dahil anong oras na rin naman diba? Agad kaming napahiga ni Stella ng may pumasok na bantay at lumingon sa direksyon namin. s**t! “Tela, wag kang magulo nakatingin pa din dito.” Sita ko kay Stella bago pa sya gumalaw. “Syet naman kasi ang hirap kayang matulog!” reklamo nya pa. Una sa lahat, bawal kaming mahuling gising pa dahil bukod sa kanina pa nagstart ang curfew, bawal na ding lumabas pa dito sa Function Hall pero.. may magagawa ba sila? Hohoho! “Stella, naalala mo yung bintana na binuksan natin kanina? Yung kasya lang tayo?” tanong ko sa kanya pag-alis ng bantay. “Oo, bakit? Gagamitin na ba natin?” tanong nya na may nakakalokong ngiti. Ngumiti din ako at tumango. “Naman! Ang boring dito eh.” Pagkasabi ko non ay sumara na ang pintuan at lumabas na ang bantay. Umupo ulit kami at inilagay ang unan na parang may natutulog tapos agad naming sinuot ang mga tsinelas namin. Di naman siguro masamang maglibot dito sa CBAGHS diba? /// “Fackap, di ko alam kung good o bad idea ba tong pagpuslit natin palabas eh.” Sabi ko habang nakahawak sa braso ni Stella. “Oo nga shet! Nasan na ba tayo?” tanong pa nya at sabay kaming lumingon sa paligid. Taena! Yung totoo?! Dito ako nag-aaral simula pa grade 7 tapos naliligaw na kami ngayon!? May spell ba tong school na to?! s**t talaga! “Stella, balik na tayo pota ang dilim dito!” sabi ko sa kanya sabay hatak sa kanya pakanan. “Aray aray! Teka naman! Bakit dyan? Diba dapat sa kaliwa kasi sa kanan tayo lumiko?” “Ha?! Pinagsasabi mo?! Sa kaliwa tayo lumiko at di sa kanan!” sigaw ko sa kanya sabay tingin sa paligid. “Luh?! Ulyanin ka na ba!? Hindi – “ “Psst.” Sabay na napatikom ang bibig namin ng makarinig kami ng sitsit. Humawak ako ng mahigpit sa braso nya at ganon din sya sakin. “Narinig mo ba yun?” tanong ko kay Stella na agad nya namang tinanguan. Halos mapatalon kami ng may tumalon bigla sa harapan namin na nakapagpaputol sa paghinga namin! Ahhh pota!!! “Meow.” Sabi ng itim na pusa sabay alis sa harap namin. “Tangina Tela! Horror to! Horror! Umalis na tayo tara na! tara na!” sabi ko sa kanya sabay alog ko sa kanya ng paulit ulit. Napahinto ako ng takpan nya ang bibig ko tapos nagtago kami sa pader. “Gago ka Clean! Di lang ikaw kinikilabutan dito ah! Pero may mga bantay sa paligid damn! Kaya wag ka maingay kundi yari tayo kapag nakita tayo!” sabi nya na at agad ko namang nakagat ang labi ko. Tangina! Kanina ko pa tinatakot sarili ko ah?! Yung totoo Clean!? Hawakan mo ang sarili mo! s**t! Huminga ako ng malalim at humawak ulit sa braso ni Stella. “Tara na Tela kailangan na nating makabalik sa Function Hall.” Sabi ko sa kanya na may determinadong tono. Tumango tango naman sya tapos humawak din sa laylayan ng damit ko. Sabay kaming lumakad at lumiko sa iba’t ibang hallway kaso ng paliko na kami sa tingin naming tamang daan ay may bigla na lang kumalabog sa likod namin kaya agad kaming napahinto. “Lilingon ba tayo?” tanong ko sana sa sarili ko pero dahil kabado na din talaga ako ay na-voice out ko pala! “Hindi. Wag tayong lumingon.” Sagot ni Stella at akmang lalakad na sana kami kaso may kalabog nanaman! At kahit na gusto naming ipagpatuloy ang paglalakad namin ay pareho kaming nabato sa mga kinatatayuan namin! This is a total super badness! Sabay kaming lumingon at kitang kita namin ang isang lamesa at upuan na nakatumba na. At sa dulo ng hallway na pinanggalingan namin ay may dalawang anino na unti unti ng lumalaki tapos bigla na lang huminto tapos lumingon sa direksyon namin. Sabay kaming napabitaw at napaatras ni Stella. “AYOKO NAAAAA! TANGINA!” “WAAAAAH! UUWI NA AKO!” /// Hingal na hingal akong napasandal sa pinagtataguan kong hallway ng mapagod ako kakatakbo. “Stella, nasan na – “ naputol ang sasabihin ko ng marealize kong wala pala akong katabi. Huh?! Tinignan ko ang kamay ko pati na din ang paligid ko. Wala, wala akong hawak at walang tao sa paligid. Pero sino yung kinakaladkad ko kanina pa!? Shet! Swear may hawak talaga ako kanina tangina! Ayoko na ng horror! Kota na ako! Huminga ako ng malalim. Lumingon ako sa paligid at mayroong dalawang daanan. Yung isa ay may ilaw at yung isa ay sobrang dilim. San ako dadaan? Syempre don sa may ilaw s**t! Alangan namang don sa dilim!? Ayoko nga! Di ko na icha-challenge ang sarili ko noh! Lumakad na ako papunta sa may ilaw kaso may bigla nanamang anino na lumitaw sa hallway na yon. Ugh! Wala! Wala na akong paki kung mahuli ako ng bantay! Basta makapunta lang ako sa guidance or sa Function Hall or sa kahit san basta may tao! Kailangan kong makakita ng tao! Huhuhu! Desidido na sana akong pumunta don kaso may bigla na lang humapit sa bewang ko kaya muntik na akong mapasigaw pero agad nyang tinakpan ang bibig ko. Kasabay nito ay ang paghatak ng may hawak sakin sa madilim na daan na dapat ay iiwasan ko na. Tangina!? Ano nanaman ba to!? Huhuhuhu! Di na ako pupuslit dito sa CBAGHS! Itataga ko yan sa fountain!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD