Chapter 6

1164 Words
“Walang hiya ka Stella! Umayos ka hindi pa ako tapos! Pag nabasa tong palda ko lagot ka sakin!” sigaw ko sa kanya sabay kapit ng mahigpit sa uniform nya. “Tangina naman kasi eh! Bakit kasi ganito itsura natin?!” reklamo nya kaya agad ko syang inalog. “Wag ka na ngang maingay! Patapos na nga oh! Akin na wipes!” sigaw ko pa sa kanya na agad nya namang inabot. Gets nyo naman diba? Narito na po kami sa Night Out at close na yung gate sa labas huhuhu! Kanina kasi kakwentuhan namin yung mga grade 10 tapos nagkwento sila ng mga nakakatakot. Sabi daw nila kapag nag-c.r ka daw ng gabi dito sa CBAGHS tapos pag tumingin ka daw sa taas ng cubicle may makikita kang itim na nakadungaw sayo! Shit! Syempre tumawa kami ng alanganin ni Stella kahit na sa loob loob namin ay natakot kami ng konti. Umm, konti lang naman noh! Kasi nga diba, alam nyo naman nung trip.. kasalanan to ni manong eh! Pawala wala effect pa kasi! Tapos ayon ng saktong magmemeeting na ay bigla akong naihi kaya nagpasama ako kay Stella. Alam nyo yung ang yaman yaman naman ng school na to pero yung ilaw alternate lang na nakabukas. Tapos yung ibang buildings totally wala talagang ilaw, yung iba sa first floor lang may ilaw super badness! Tapos ayon nga edi nagpasama ako umihi kay Stella, ang creepy ng hallway tapos ang lamig pa ng hangin plus may mga kruu krruu pa sa paligid. Anong hayop o insekto nga yon? Nakalimutan ko na tuloy sa sobrang kaba! Then pagpasok namin dito sa c.r ang tahimik pa. Pero deserve naman ng c.r na dapat tahimik lang kaso nakakatakot yung pagiging tahimik kanina eh! Edi yon pumili ako ng cubicle na pinakamalapit sa pinto. Alam nyo na pag nagkagipitan hahahaha! Pumasok ako tapos sabi ko kay Stella samahan nya ako sa loob. Syempre nung una umangal sya pero wala na syang nagawa ng sinabi kong ililibre ko sya ng ice cream. Problem solve right? Bukas ang cubicle tapos nakatalikod si Stella sakin na nakatayo para matakpan ako kaya ngayon ay hawak ko ang uniform nya sa likod para kapag tumakbo sya at iwan ako ay matatanggalan sya ng uniform. “Clean! Ano na!? Matagal pa ba yan?!” sigaw nya pero binatukan ko na sya at tinulak. “Okay na! Ang ingay ingay mo naman eh!” balik na sigaw ko sa kanya pero sinimangutan nya lang ako. “Wow! Hiyang hiya naman ako, ikaw na sinamahan ako pa kawawa.” Tatawa na sana ako dahil sa sinabi nya kaso agad kaming napalingon sa dulong cubicle ng bigla iyong padabog na sumara. Napalunok ako habang nakatingin don tapos maya maya ay bumukas na ulit yung cubicle. Naghintay pa ulit kami ng ilang segundo para abangan kung may lalabas kaso.. wala! “Putanginaaaa!!” sabay na sigaw namin ni Stella at talagang nag-unahan pa kami sa pagtakbo! Walanghiyang Night Out to! /// Hingal na hingal kami ng makarating dito sa tapat ng Function Hall. Nakatayo na nakasandal ako sa isang pillar habang si Stella naman ay nakayakap sa pillar. “Magdala ka na lang ng supot sa susunod Clean.” Napasimangot naman ako dahil sa sinabi nya. “Sige magdadala ako pero ikaw muna umihi don.” Sagot ko sa kanya. “Sure tapos ikaw sunod na gumamit.” Tawa tawang sabi nya kaya binato ko sya ng maliit na bato na nailagan naman nya. “Alam mo, baboy ka ding kausap na bwisit ka.” Baling ko sa kanya at tumawa kami ng sabay. Napahinto kami sa pagtawa ng makarinig kami ng footsteps. “Oh, Miss Allister and Miss Logan. Bakit narito pa kayo sa labas? Pumasok na kayo magsisimula na ang activities nyo.” Sabi ni Miss tapos pinauna na kaming pinapasok. Pumasok kami sa isang malawak na room at nagulat pa kami ng ang unang mga mukha na bumungad samin ay sila Janina at Kyla. “Oh? Anong ginagawa nyo dito?” tanong ni Stella sa dalawa tapos sabay kaming lumapit sa kanila. “Wala! Mga gago kasi classmates namin eh!” naghihimutok na sabi ni Janina. Umiling naman si Kyla tapos umakbay sakin. Akala mo talaga ang tangkad eh. “Diba late na tayong nagsibalik sa rooms natin? At dahil kami daw ni Janina ang huli, award daw kami. Kaya heto kami ang naitulak para magpunta dito.” Paliwanag ni Kyla at sabay kaming tumango ni Stella. Pfft! “Eh kayo? Pano kayo napunta dito?” tanong ni Janina kay Stella. “Nag-unat kasi kami ni Clean, malay ba naming naghahanap pala ng volunteer dito sa Night Out. Ayon! Saktong sakto taas ng kamay namin wala na kaming nagawa.” Tawa tawang sabi ni Stella. “Guys, di na din masama. Mukhang magiging masaya to.” Nae-excite na comment ko tapos nagpalitan kami ng tingin at nagngitian. Alam na this! May magaganap nanaman na kalokohan! /// “Nakita mo na?” tanong ko kay Stella habang naghahanap kami sa sulok. “Hindi pa. Wait, red kulay ng satin diba?” tanong nya pa na agad ko namang tinanguan. Binigyan kasi kami ng tatlong task at ang mga makakakumpleto daw ng task na yon ay may makukuhang reward kinabukasan bago umuwi. Kasalukuyan na kaming nasa last task at kapag nahanap na namin ang pulang envelope at nasunod ang nakasulat don ay matatapos na kami yehey! “Wala nga naman kasi dito eh! Pagod na ako ayaw ko na!” sigaw ni Janina pero agad syang binatukan ni Kyla. “Bwiset ka! Napagod ka pa talaga noh!? Samantalang ako ang nakahanap nung naunang dalawa!” “Ikaw ba nakahanap non? Akala ko ako?” tanong pa ni Janina sa sarili nya kaya napaface palm kami ni Stella. “Alam mo, kung may choice lang ako. Hindi ikaw ang ipa-partner ko.” Nagtitimping sabi ni Kyla at tumalikod na kay Janina. “Waaaah! Sorry na Kyla kasi – “ “Shattap! Maghanap ka na lang dyan!” sigaw pa ni Kyla kaya agad kaming napailing ni Stella. May naramdaman akong parang nakatingin sakin kaya napalingon ako sa pintuan kung nasaan ang admin office at napakunot na lang bigla ang noo ko. Si ano ba yun? “Clean! Nakita ko na!” agad akong napalingon kay Stella dahil sa sigaw nya tapos hinila pa ako! “Teka Tela! Easyhan mo lang!” sigaw ko sa kanya pero ang galing, kunwari walang narinig! “Magmadali na tayo! Malay mo ice cream ang premyo nito tapos eat all you can pa!” wala na akong nagawa kundi magpahila sa kanya. Napakaadik talaga ni Stella sa ice cream! Nilingon ko ulit yung admin office pero sarado na. Imposible namang makita ko si Xandra dito noh? Dalawa lang per section, eh classmate ko si Xandra. So imposible na nandito sya. Pero, bakit parang nakikita ko sya? Waaaah!! Namimiss ko na si Xandra! Ganito ba talaga kapag namimiss mo ang isang tao?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD