Chapter 5

1665 Words
Mula dito sa kinatatayuan namin ay kitang kita na naka-upo si Janina sa putikan habang si Kyla ay hawak ng dalawang babae tapos may isa pang babaeng nakatayo sa harap nya. Bale tatlo silang lahat at medyo may katabaan. Humakbang ako ng isa pero agad akong napahinto ng may mahagip ang mga mata ko, yung totoo? Kanina pa kaya siya nakatayo dyan? Ano, walang pag-awat?! Nakakagigil din ‘to eh! Nabalik ang tingin ko sa unahan ng magsalita ang babae na nasa harapan ni Kyla. “Anong tama na? Hoy! Kung makasigaw ka ah! Senior mo pa din kami naiintindihan mo?!” Itinaas na nya ang kamay nya pero dahil mabilis kami ni Stella ay agad kong nahakawan ang braso ng babae samantalang tinulungan ni Stella na makawala si Kyla sa hawak ng dalawang babae. “May problema po ba dito Miss?” tanong ko sa senior na nasa harap namin. Sila, silang tatlo ang pangunahing bully dito sa CBAGHS kung kami pang-asar lang sa teachers. Itong mga ‘to talaga ang may pinakamababang sayad sa utak! “Aba! At nagdatingan ang mga kaibigan ha? Hoy, kami ang seniors nyo. Tingin mo ba kapag binawian mo kami, di ka din mapapahamak?” nakangising sabi nya sakin sabay bawi ng kamay nya. “Bakit naman kami mapapahamak kung sakaling saktan ka namin? Mga kaibigan namin ang ginugulo nyo, tapos kami pa ang mapapahamak?” matapang na sagot ko sa kanya kaya napahalakhak agad silang tatlo. Kumunoot naman ang noo ko ng dinuro nya ako. “Baka nakakalimutan mo? Seniors mo kami, kami pa din ang paniniwalaan sa guidance. Pag sinabi kong kayo ang nauna, kayo pa din ang malalagot kahit umangal kayo. Dahil mas ahead kami sa inyo, gets mo!?” sigaw nya. Akmang sasampalin nya ako pero agad akong nakayuko. Wag ka! Trained na kami dyan noh, Kyla at Janina na tandem? Ewan ko lang kung di mo mapractice ang reflexes mo kapag kasama mo sila! “Talaga po? Eh pano kung yung President mismo ang nakakita?” sagot ko sa kanya tapos nagtawanan pa silang tatlo. “President?! Wag mo nga akong patawanin! Nasa klase sya ngayon duh! Kaklase namin sya at never yun mag – “ Naputol ang sasabihin nya ng magsalita ako. “Anong masasabi mo? Miss Polaris Tan aka Miss President?” tanong ko sabay lingon sa direksyon nya. Nagbulungan ang mga estudyante at ng makarinig sila ng sunod sunod na malulutong na slow clap ay nahawi ang pwesto kung saan nakatayo si Polaris at nakangiti pa. Sya yung nakita ko kanina! Nakakainis na President to! Mukhang kanina pa nanonood pero di manlang inawat tong classmates nya?! Si Janina at Kyla ang pinag-uusapan dito kaya hanggat maaari ay hindi dapat sila masasaktan. “Tama si Miss Logan so, kayong tatlo go to the guidance office.” Nakangising sabi nya tapos itinaas nya pa ang phone nya at nagpeplay ang ginawa nilang tatlo kila Kyla. Base sa video, mukha silang nag-uusap ng mahinahon tapos naluluha na si Janina then maya maya lang ay tinulak sya sa putikan kaya agad na nangialam si Kyla and the rest is yung mga sumunod na events na. “Guidance or expel?” pahabol pa ni Polaris kaya wala ng nagawa yung tatlo at binigyan kami ng death glare at umalis na. Pinaalis naman agad ni Polaris ang mga estudyanteng nakikichismis tapos agad na tumalikod at sumunod sa tatlo. Nakatingin lang ako sa kanya the whole time kaya kitang kita ko kung paano nya ako bigyan ng ngiti bago sya tuluyang mawala sa paningin ko. Ano kaya yun? /// Base sa kwento ni Kyla, nalaman ni Janina na ang isa sa tatlong yun ay bagong girlfriend ng ex nyang si Jared. Ito yung part na sobrang sensitive si Janina pag-usapan dahil until now ay di pa din sya makamove on dito. Nakaupo kaming apat sa mga bench dito sa ilalim ng puno habang si Janina ay medyo malayo samin. Gusto nya daw muna kasi ng space for a while. Tahimik lang kaming tatlo habang may kanya kanya kaming ginagawa. Si Kyla naglalaro sa phone nya, si Stella naman pinagdudugtong yung mga santan flowers, at ako? Iniisip si Xandra, naks naman! Grabe, ramdam na ramdam ko talaga na nasa buong sistema ko na si Xandra at ayokong matulad kami kay Janina so back to the topic. Ayon nga, si Janina ay laging binibigyan ng parents nya ng ka-blind date regarding sa business nila. Wala daw talaga syang magustuhan until na makilala nya si Jared. Si Jared daw ay parang lalaking version nya, lahat ng trip ay kayang sakyan nito kaya talagang nafall sya. Imagine, grade six pa lang sya that time ah? Tapos ineexpect nilang dalawa na magkakasama sila sa isang school but events can change. Nagdecide ang parents ni Janina na sa all girl’s school sya ipasok kaya di natuloy ang balak nila. For the first three months ay okay pa naman sila pero nung mga sumunod na buwan ay cold na raw talaga sa kanya yung lalaki. Kaya bago pa magquarter exam ay nakipagbreak sa kanya yung guy na hindi nya matanggap hanggang ngayon. Friends sila sa sss at hindi na nya mabilang kung ilang beses na nagpalit ng girlfriend yun. May itsura naman yung Jared kahit papaano, tapos never ding kinausap ni Janina yun. Ang gulo diba? So ang pinagmulan ng gulo kanina ay ang di pagkakaintindihan ng new girlfriend sa ex, akala daw nung new ay ahas si Janina which is nagtatanong lang naman si Janina kung sila na nung Jared. Pero anong point nung pagtatanong diba? “Ano? Okay na?” nakangiti kong tanong kay Janina ng tumabi sya sakin. Napalingon naman samin yung dalawa. Hinaplos ko agad ang buhok ni Janina ng yakapin nya ako sa side at sumandal sa balikat ko. “Oo naman! Ako pa ba? Strong to oy!” masiglang sabi nya pero deep inside alam naman naming wasak sya. Hay nako! “May plastic pala tayong kaibigan.” Pang-aasar ni Kyla kaya agad syang napabitaw. “Oy sinusubukan ko namang umayos noh!” sagot nya kay Kyla na may kasamang hampas kaya agad na napangiwi si Kyla. “Oo nga naman Kyla! Suporta din!” sabi pa ni Stella tapos nagthumbs up pa sya kay Janina. Natawa naman ako dahil sa kalokohan nila. “Pero kung tutuusin ay wala namang taste sa girlfriend yung ex mo Janina.” Sabi ko na patukoy don sa senior namin na new girlfriend na ngayon nung Jared. “Aruuu!!” sigaw ko sabay himas ng braso ko na sinapak ni Janina. “Wow Clean! So ibig mo bang sabihin ay wala din syang taste nung naging kami?!” sigaw nya pa sakin kaya agad akong napalayo. “Aba! Malay ko ba dyan sa utak mo!? Masyado ka namang tinamaan. Guilty?!” asar ko pa sa kanya sabay tayo na at hinila si Stella tapos tumakbo na kaming tatlo ng makitang dragon na ang mukha ni Janina sa pagkapula. “BUMALIK KAYONG TATLO DITO! MAGANDA NAMAN AKO AH!?” sigaw nya pa habang nakasunod na humahabol samin. Umarte naman kaming nasusuka kaya mas lalo syang nainis kasabay ng paglaki ng butas ng ilong nya. Syet! Bakit ba trip ng araw ngayon si Janina?! HAHAHAHA! /// Dahan dahan kaming naglakad ni Stella pabalik ng classroom dahil last period na. Nagtaka naman kami ng pagsilip namin ay ang president ng class namin ang nagsasalita sa harap at walang teacher. Sinenyasan nya kaming pumasok na kaya agad kaming pumasok sa backdoor at naupo sa mga upuan namin. “Grabe, parang bumilis ng konti si Janina noh.” Sabi ni Stella kaya agad akong napailing. “Mali, parehas kamo silang kumupad ni Kyla kaya nahagip ni Janina si Kyla kanina.” Sabi ko at nagtawanan kaming dalawa. Sa totoo lang, mahirap malaman kung sino talaga sa kanilang dalawa ang mas mabagal eh! Nagpapaunahan kasi sila sa pabagalan hahaha! Nag-unat kaming dalawa ni Stella dahan dahan sabay hikab namin. Hays! Bakit ba sobrang nakakapagod ng araw na to!? “Okay! May volunteer na tayo! Si Clean at si Stella!” sigaw ni president kaya agad kaming napaayos ni Stella ng upo sabay turo namin sa mga sarili namin. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase namin at nakangiti pa samin ng todo. “Ano? Anong volunteer? Saan??” tanong ko kay president. “Para sa Night Out ng school for this year!” masiglang sabi ni president kaya agad kaming napanganga ni Stella. Night Out!? As in Night Out?! s**t! Ang Night Out ay isa sa yearly activities ng CBAGHS kung saan mayroong dalawang estudyante na magrerepresinta ng kanilang section. Every year ay hindi pwedeng umulit ang mga estudyante na nakasama na para mapagbigyan din ang iba. Every November ito ginagawa at kailangang mag-overnight ang mga napili to do some activities kung saan makakakilala ka ng mga taga ibang section na pwede mong maging kaibigan or what. Isang Friday after class ay dapat may dala ka ng pamalit pati na din bed bank dahil sa function hall lahat matutulog ang mga estudyanteng kasama habang binabantayan ng mga teachers. Madalas ay walang makapagsabi ng activities dahil every year daw ay paiba iba ito para daw masaya. Kaya surprise ang lahat ng magaganap. “Night Out?!” sabay na react namin ni Stella. “Yup! Bakit? Natatakot ba kayong mag-overnight dito sa school ha?” panunukso ni president kaya sunod sunod kaming tinukso ng mga kaklase namin. “Luh?! Kami takot?! Asa! Walang matatakutin samin noh!” agad na sabi ni Stella. Winave ko naman ang kamay ko sa kanila at ngumiti ng malaki. “Night Out lang pala eh! Kayang kaya namin yan!” sabi ko pa. “So it’s settled then. Ihanda nyo na mga gamit nyo, sa Friday na to okay? Clean and Stella are our representatives.” Sabi ni president ng nakangiti tapos sabay sabay silang pumalakpak. Ngumiti naman ako ng alanganin ng marealize ko kung anong pinasok namin ni Stella. This is s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD