After ng ilang mga tugtog ay huminto na ang music at lumiwanag na ulit ang buong paligid. Umalis naman na kami sa gitna at hawak kamay kaming bumalik sa lamesa namin pero sila Poalris at Kyla lang ang nandon. “Nasan sila?” tanong ko na nakatingin kay Kyla. Nagkibit balikat naman sya. “Hindi ko alam. Wala ng tao dito nung bumalik kami.” Sagot lang nya na tinanguan ko. Since kaming apat na lang naman dito ay naupo si Xandra sa tabi ni Kyla at katabi naman ako ni Xandra at pare-pareho kaming nakaharap sa stage. “Bago pa matapos ang kasiyahan natin sa gabing ito ay nais lamang namin na sabihin na hindi makakarating ang may-ari ng ating paaralan.” Announce ng emcee sa harap at rinig ang samu’t saring reaksyon ng pagkadismaya sa paligid. Tumikhim naman ang emcee at nagpaliwanag. “Alexandra,

