Asan na ba yung gagong yun?! Don’t tell me.. naghanap talaga sila ng kwarto ni Ashley?! “Clean hinto.” Pagkasabi non ni Kyla ay huminto ako at ako naman ang sumunod sa kanya. Hinila nya si Janina na akmang sisigawan na sana yung babaeng matangkad kaso ayon nga nahinto kaya si Kyla ang hinampas pero buti naka-ilag. Nako, mag-aaway pa ata ‘tong dalawa! “Kyla, ano bang problema mo?! May inaaway pa ako oh.” Inis na sabi nya pero sobrang seryoso din syang hinarap ni Kyla. “Emergency, kailangan nating mahanap si Stella.” Sabi pa ni Kyla. Tatawa pa sana sya kaso nung lumingon sya sa pwesto ko ay di din ako nakangiti kaya malamang naman kahit papno nakaramdam din ‘to! “Okay, nakita ko si Stella sa sulok. Nagkikiss ata sila ni Ashley.” Direstsong sabi nya pa na ikinanganga namin. “Joke lang! Ka

