“Clean natatakot ako.” Sabi ni Xandra pero nagfocus ako sa daan habang inaayos ang seatbelt ko. Nakita ko pang anim na kotse yung sumusunod samin kaya lalo ko pang binilisan ang pagapaptakbo. Bakit ba kasi gabi ang event at wala masyadong sasakyan sa lugar ng CBAGHS!? “Magkasama tayo, sila Stella na bahala satin.” Nakangiti ko pang sabi sa kanya. Hindi namin kakayanin at baka imbis na mailigaw namin sila ay macorner pa kami. Clean ano na?! Nag-isip ako ng matindi at naisipan kong iliko ito sa highway. Tama, mas maraming sasakyan mas nakakalito. Sinubukan kong bagalan ng konting konti ang pagmamaneho ko dahil baka mahuli kami. Ayoko namang pahirapan ang sarili ko na pati pulis ay sundan din ako noh!? Ilang beses akong lumusot sa kung saan saang parte ng highway at sa tingin ko, tingin

