Kyla’s POV
Nakatulala ako habang umaagos ang luha ko at mahigpit na nakayakap sa braso ni ate matapos nya akong mailabas mula sa madilim na kwarto kung saan kinulong ako ng mga kaklase ko.
“Kyla. Kyla, look at ate. Okay na ha? Nandito na si ate.” nakangiting sabi ni ate tapos niyakap nya ako ng mahigpit. Dumating naman ang mga guard at sinundo ang mga kaklase ko na may kasalanan kung bakit nandon ako sa madilim na kwarto na yun.
Sumama ako kay ate at tahimik lang habang pauwi kami. Maya maya ay nangilabot ako at napahagulgol na ng iyak na kahit anong pagpapatahan ni ate ay hindi nya magawa sakin.
“Hoy Kyla apat mata, anong ginagawa mo?” mayabang na tanong ng kaklase kong lalaki. Napayuko naman ako at hinawakan ang eraser. “Sabi kasi ni teacher magbura ako ng blackboard kaya ginagawa ko.” Mapagkumbabang sabi ko.
Grade six pa lang ako at maaga pa lang ay nakasalamin na ako dahil lumabo na ang mata ko. Wala kasi akong kaibigan mula pa noon dahil hindi daw nila ako gusto kaya mas nagbabad na lang ako sa gadgets at isa pa ay mas lalo akong napansin dahil nagkaroon na ako ngayon ng malaking salamin.
“Wow ang bait bait mo naman!” sabi pa ng isa at nagtawanan pati na ang buong klase. “Oo nga pala, ikuha mo daw si teacher ng mop dun sa janitors room. Kailangan daw malinis yung natapong kape sa faculty.” Masungit na pagkakasabi ng spoiled brat kong kaklase.
Nagtinginan sila at nagtawanan kaya nagdalawang isip naman ako kung pupunta ba ako. Napahawak ako sa poste ng pintuan ng pinagtulakan nila ako palabas. “Dalian mo na wag kang babagal bagal nga!” sigaw pa ng isa kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod.
Kahit kinakabahan ay pumasok ako sa loob ng janitors room kahit na madilim at pag bukas ko pa ng ilaw ay hindi pa ganon kaliwanag.
Saktong paghawak ko ng mop ay biglang sumara ang pintuan kaya agad akong napatingin sa likod ko. Nakatayo ngayon doon ang tatlong kaklase kong babae tapos may limang kaklase din akong lalaki na nakikita ko.
“Hawakan nyo nga yang apat na mata na yan.” Utos ng babae kong kaklase na agad namang sinunod nung tatlong lalaki. “B – bakit ba? Ano bang kasalanan ko?” natatakot na tanong ko.
“Kasalanan mo!? Hindi mo ako pinakopya! Ayan tuloy bumagsak ako!” sigaw naman nung babae kaya agad akong natakot. “Nasa tabi ko kasi si teacher baka mahuli tayo.”
“Wala akong pakialam. Hoy ano ba yang sinasabi nyong ganti na gagawin sa apat na mata na yan?” tanong pa nya at lumapit pa dun sa pinakabully na lalaki sa room namin.
Pilit naman akong nagpupumiglas sa hawak ng dalawang lalaki pero mas lalo nilang hinigpitan kaya kahit nasasaktan ay tiniis ko na lang.
“Ito oh!” naglabas naman sya ng isang garapon na puno ng mga gagamba kaya agad akong kinilabutan habang nakatingin sa mga yon. “Eww! What’s that?! Spiders?!” tili naman ng isa pang babae.
“Ang arte mo naman! Sige na nga hawakan nyo ng mahigpit yan!” sabi nila at agad akong nagpupumiglas ng ibuhos nila sa ulo ko ang lahat ng laman ng garapon na yun.
“Waaaah!” sigaw ko habang takot na takot ako ng maramdaman kong gumagapang na ang ilan sa mukha at braso ko.
“Bitawan nyo na yan tara na ang ingay!” tapos nagsialis an sila at akmang tatakbo na ako palabas ay pinatay nila ang ilaw sabay lock ng pinto kaya wala akong nagawa kundi isigaw ng isigaw ang pangalan ni ate.
“Kick out ang gusto ko at kapag hindi nyo pa yan nagawa ako mismo ang makakaharap nyo.” Narinig kong sabi ni papa habang nandito kami sa hospital at pinapatingin ako sa isang Psychiatrist.
Dalawang linggo na lang bago ang graduation pero kahit isang beses ay hindi na ako pumasok. Hindi din ako naggraduation picture at nakisalamuha sa mga kaklase ko.
Inayos lahat nila papa at ate ang mga school papers ko habang ako naman ay nagpapagaling sa trauma ko.
Inayos ko ang malaki kong salamin at lumapit kay ate ng tawagin nya ako. “Bakit ate?” tanong ko habang may hawak na libro.
“Tignan mo bunso, ang ganda ng school diba?” tanong ni ate sakin tapos pinakita nya pa sakin yung pictures kaya agad akong tumango. “Gusto mo bang mag-aral dyan?” tanong pa ni ate kaya agad akong natigilan.
“Wag kang mag-alala Kyla. Ang pangalan ng school na ito ay Cherry Blossom All Girl’s High School, meaning lahat ng mga nag-aaral dito ay babae. Nagtuturo din sila ng disciplines at hindi tinotolerate ang bullying sa school na ito.” Paliwanag ni ate na agad kong pinag-isipan.
“Alam mo bunso, pakiramdam ko makakahanap ka ng mga kaibigan sa school na ito at! Ako ang naghanap ng school na yan. So, hatid na kita tara?” sabi pa ni ate pero kahit anong pagdadalwang isip ko ay napilit nya rin ako na dito na mag grade 7.
Nung unang beses akong iniwan ni ate sa school na may kasamang seniors daw dito ay napanatag ang loob ko dahil ang bait nya tapos ang jolly pa. “Ako nga pala si Jelyn, vice president ng Dance Club at soon to be ay magiging president na.” pakilala nya.
“Kyla Javier po, grade 7.” Nahihiyang sabi ko. “Alam ko alam ko! By the way, marunong ka bang sumayaw kahit konti lang? Kung wala ka pang club na napipili ay sa Dance Club ka na lang, tuturuan naman kita.” Nakangiting offer nya.
Nag-isip naman ako at agad syang tinignan. “Umm, konti po. Minsan po kasi nagzuzumba po kami ni ate.” Sabi ko at tumingin sa kanya.
Ate Krey loves to explore anything basta hanggat makakaya nya ay sinusubukan nya kaya kahit minsan ay hindi ko kaya ay nagagawa ko para lang masabayan ko si ate dahil para sakin.. si ate ang idol ko.
“That’s great! So banda don ang Dance Club, bukas ng uwian magpunta ka ha? Hihintayin kita.” Nakangiti pang sabi sakin ni ate Jelyn kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango.
Makapasok naman kaya ako ng Dance Club?