Chapter 37

2174 Words
Ginamit ko ang t-shirt ko pamunas sa mukha ko dahil sobrang pawis ko na. Ngayon ay 22-21 na ang score at kami ang lead halos hindi naglalayo ang mga score namin dahil sa mabilis na tinetres ni Kyla ang bola kada nakaka-dos o tres din kami, kulang na nga lang buhatin na nya yung teammates nya eh. Kanina nga narinig ko sya na sinesermunan na yung tatlo nilang kasama dahil gusto sama samang nagbabantay kaya nga agad kaming nakakakuha ng tsansa para makapagshoot eh. At ang nakakabilib nito? Ang galing magscoop ni Xandra tapos maya maya mag-tres sya bigla na sobrang astig! Napatingin ako kay Xandra na ngayon ay nagpupunas ng pawis nya gamit ng sleeves ng t-shirt nya. Goodness.. ang ganda lalo ni Xandra habang tumatagaktak ang pawis nya. “Focus ulol.” Rinig kong sabi ng taong lumagpas sakin. The heck! Si Kyla na pala yun! Agad ko naman syang hinabol at akmang tatapalan na sana ang shoot nya mula sa likod ay nagulat na lang ako ng bigla syang umikot sa ere at pinatama sa maliit na square ng board kaya agad na nagshoot ang bola. Bwiset na yan! Nakakadistract kasi eh. Napapout ako ng tignan ako ng masama ni Stella pati ni Xandra. Sorry na nga kasi? Ngumiti lang ako ng alanganin at ako na ang kumuha ng bola at pinasa ito kay Stella tapos ay tumakbo na kami sa kabilang court. Pinasa ko ang bola kay Maribel ng makita ko syang bukas kaso ng i-shoot nya ang bola ay hindi naman pumasok. Ano ba yan dapat pinasa na lang nya. Hinabol naman agad yun ni Xandra at nakuha naman nya. Andito ako banda sa right side at nasa kabila naman si Stella samantalang nasa gitna si Xandra. Napalipbite ako ng si Kyla ang biglang nagbantay kay Xandra ang higpit pa man ding magbantay ni Kyla! Tumingin ako ng mabuti at nakita kong umayos si Xandra ng pwesto nya at ganon din si Kyla. Nakita kong bumuka ang bibig ni Xandra pati na din ang kay Kyla kaya agad akong napakunot noo. Nag-uusap ba sila? Humakbang si Xandra sa kaliwa at agad namang sumunod si Kyla. Nagcross over si Xandra at magshoshoot na sana kaso naharangan naman ni Kyla ang mga mata nya kaya hindi nya din tinuloy ang pagshoot. Takte! Maabutan kami ng oras nito eh! Nang makita kong nagpuppunas ng pawis yung nagbabantay sakin ay agad akong tumakbo papunta kila Xandra. Iaabot ko na sana ang kamay ko ng bigla akong tignan ni Kyla kaya napahinto ako pero.. mabilis na umatras si Xandra papuntang 3point line tapos shinoot ang bola at pasok! Astig talaga! Ginamit akong pandistract! Nagthumbs up ako kay Xandra tapos nagkibit balikat lang sya at tumakbo na sa kabilang court. “Tsk.” Rinig kong sabi ni Kyla na ikinatawa ko. 25-23 na ang score at 5points na lang ay mananalo na kami yes! Napabuntong hininga ako ng si Janina ang nagbantay sakin at hindi manlang ako makalusot lusot o di kaya makasteal ng bola sa kabila. Napakamot ako sa ulo ko at dinuro si Janina. “Hoy Janina baka naman nais mo akong padaanin?” “Asa ka Clean! Isang mamahaling cake ang katapat nito kapag nanalo kami at hindi kita hahayaang makatakas wahahaha!” tapos tumawa pa ng mala-demonyo si Janina kaya agad ko syang pnakyuhan ng hindi nakatingin sa side ko si Miss. Mahirap na baka mafoul ako kagaya ni Stella na pinakyuhan kanina si Kyla na nahuli ni Miss hahahahaha! 28-29 na ngayon ang score at nangunguna na sila Kyla. Paano binantayan ni Kyla si Stella at sobrang higpit nyang di pinalulusot si Stella kaya nati-triger si Stella na magshoot ng bola tapos hinahayaan lang sya ni Kyla kaya ang ganap ay sablay ang shoot at sa limang beses na sumubok ni Stella na magshoot ay isang beses lang syang nakashoot! Pahirapan tuloy kaming i-rebound yung bola dahil nakukuha agad ng kateam nila Kyla hays! Kagaya kanina ay si Kyla at Xandra nanaman ang nasa gitna at bola nila Kyla, which means.. kapag nakapagshoot si Kyla ay game over na at talo kami! Todo cheer ang mga sections namin kaya nakakpressure din eh! Pero practical lang naman to? Pero kahit na! Pag nanalo 98 pag talo naman 85, ang layo pa din ng agwat kaya dapat manalo kami! Nakita kong sinusubukang lumusot ni Kyla kay Xandra pero dahil maastig din si Xandra ay ang higpit nya din magbantay tapos dikit na dikit pa. Nakita kong bumukas ang bibig ni Kyla pero di naman bumukas yung kay Xandra. Kaloka! Inuuto na ata ni Kyla si Xandra! Sana hindi padaig si Xandra nako naman! Ang galing pa namang mang inis ni Kyla! Umikot ikot si Kyla at mukhang sinusubukan nyang i-ankle break Xandra gaya ng ginawa nya kanina kay Grace pero dahil matatag si Xandra ay di nya matibag ang depensa nito. Mukhang naiinis na si Kyla at ng mukhang susugod na si Kyla pasulong ay biglang lumapit ng sobrang lapit sa kanya si Xandra at napangiti ako ng malaki ng tabigin ni Xandra ang bola. Nabitawan ito ni Kyla tapos agad syang nilagpasan ni Xandra. Steal amputek! Tumakbo agad kami ng kabilang court at sinusubukan kong habulin ang distansya ni Xandra na ngayon ay nasa likod nya si Kyla na mukhang susupalpalin pa si Xandra mamaya. Nakita kong tumuro si Xandra sa taas sabay nakaw ng tingin nya sakin. Tumango naman ako at mukhang nagegets ko naman ang plano nya. Tumalon si Xandra para mag lay up tapos tumalon din si Kyla sa likod nya. Lumiko naman ako at pumwesto sa kaduluduluhan ng 3point line, pumosisyon ako at kagaya nga ng pagkagets ko ay mabilis na pinasa sakin ni Xandra ang bola habang nasa ere sya. At dahil walang nagbabantay sakin at ang ganda pa ng posisyon ko ay tumalon ako agad at ng masakto ko ay shinoot ko ang bola. Huminto ang lahat pati na din ang pagcheer tapos nakatitig din ako sa bola habang dahan dahan itong papunta sa ring. Fackap, sana pumasok! “YEEEES!” sigaw ko kasabay ng mga kasection at kateam namin ng pumasok nga ang bola at 31-29 ang score meaning.. panalo kami! Nagyakap kami ni Stella at napanganga ako ng hilahin bigla ni Stella si Xandra tapos hinatak nya din ako at pinagyakap kami. Gago talagang Stella to! Hinila niya din ang mga kagrupo namin at nagyakap kaming lima paikot. Nagbow naman kami sa isa’t isa at nagcomment lang si Miss sandali tapos ay nagdismissed na. /// “Walanghiyang Clean to! Naishoot pa ng matino yung bola!” comment ni Janina habang naka-upo kami ngayon sa loob ng KTV room. Naisipan kasi naming dito maglagi para naman kami kami lang ang makakrinig ng pinag-uusapan namin. “Naman! Si Clean pa ba?! Lumulupet din yan noh!” sabi pa ni Stella sabay lamon ng nachos. “Ang ganda lang talaga ng pasa ni Miss Xandra.” Bitter na comment ni Kyla na ikinatawa naming tatlo. “Oy wag mo na ngang damdamin practical lang yun.” Nakangiting sabi ko naman sa kanya tapos inirapan lang ako ang bait talaga! “Oh Clean ikaw naman kumanta.” Biglang abot sakin ni Janina ng mic na agad kong pinasa kay Stella. “Gago ka ba? Gusto mo bang makasira ako ng speakers? Sintunado ako!” sabi ko naman na agad nila akong binigyan ng masamang tingin. “Ulol! Di ka pa nga namin narinig kumanta ng matino panay ka lang CBAGHS CBAGSH Oh she moves she moves.” Tapos kinanta pa talaga ni Janina kaya natawa naman kaming apat. “Kaya nga diba? Kasi sintunado ako!” hirit ko pa kaya binweltahan agad nila ako. Nakita ko namang binigyan ako ng kakaibang tingin ni Stella kaya agad akong napaayos ng upo. “Guys.” Tawag pansin ko sa kanila. Paikot kasi yung upuan namin at si Stella yung nasa kabilang dulo tapos katabi nya si Janina then Kyla at ako. Napahinto naman sila sa kulitan nila  at napatingin sakin ng mapansin nilang seryoso ako. “May.. may gusto lang sana akong sabihin sa inyo.” Panimula ko kaya agad silang umayos ng upo at tinitigan ako. “Ano yun?” tanong naman ni Stella kaya namula ako sabay hawak sa batok ko. “May.. may mahal kasi ako.” Sabi ko na agad nilang ikinanganga. “Tangina mo Janina!” sigaw ko ng makita ko kung paano nalaglag yung nginunguya nyang nachos sa bibig nya. “Sorry naman kasi pota! Nagulat ako oh! Jaw dropped times two! Seryoso ba yan!?” kinikilig na sabi ni Janina na ikinapula ko lalo. “Magcoconfess ka na sakin Clean? Go!” pang-asar ni Kyla kaya agad ko syang binato ng nachos. “Ulol. Seryoso kasi.” Sabi ko pa at huminga ng malalim. “Sabihin mo na kasi!” atat na sabi ni Stella. Wow, dapat nasa Drama Club to si Stella at wala sa Dance Club, magaling din umarte eh. “M – may.. may girlfriend na ako.” Nakalipbite na sabi ko na ikananganga at kinalaki ng mga mata nila. “ANOOOO!?” sabay na react nila Janina at Kyla, nahuli pa nga ng react si Stella pero buti nabawi naman nya hahaha! “Hindi nga Clean? Bisexual ka pala?” di makapaniwalang react ni Kyla at sa ikalawang pagkakataon ay binato ko ulit sya ng nachos. “Madumi na ko sasapakin na kita!” asar na sabi nya kaya dumistansya agad ako. “Hindi naman ako bisexual tanga! Pero kasi.. basta ang alam ko, mahal ko sya at mahal nya din ako.” Nakangiting sabi ko pa tapos parang nangisay naman si Janina na ikinakunot ng noo namin at tinitigan namin sya na parang naweweirduhan. “Ayiiieeee si Clean! Kaya pala hyper at masaya ka ng times two lately ha!” sabi pa nya na ikinatawa ko. “Siguro?” sabi ko naman. “So.. sino sya?” tanong pa ni Kyla kaya agad akong napangiti. “Alexandra Sision aka Ice Princess.” Proud na sabi ko na ikinanganga ulit nila tapos maya maya ay nagtititili nanaman si Janina. “Gago ka Clean! Nagkadevelopan siguro kayo dahil magkasama kayo lagi sa isang bahay noh!?” hyper na tanong ni Janina na lalo kong ikinakagat ng labi. “Tangina mo Clean! Ang swerte mo! Complete package si Miss Xandra!” dagdag pa nya. Nakadalwang mura tong Janina na to ah?! “Congrats.” Nakangiting sabi naman ni Kyla kaya nakipag-apir naman ako sa kanya pero tumayo sya kaya agad ko syang hinampas tapos pinakyuhan nya lang ako. “Tara na mga baliw hanap na ako ni nanay.” Sabi pa nya at nakatingin sa phone nya. Shit! “Luh oo nga anong oras na ba?!” tanong pa ni Stella at napatingin kami sa mga phone namin. “8:30pm na mga baliw!” sabi ko pa kaya kanya kanya naming kinuha ang mga bag namin at nagpahatid na lang ako kay Stella pauwi. /// Kyla’s POV Binuksan ko ang pintuan ng mansion at dahan dahan akong naglakad paakyat habang bagsak ang mga balikat ko. Huminga ako ng malalim at pilit na kinakagat ang lower lip ko. “Shit.” I cussed silently. “Yo bunso!” bati ni ate sakin na saktong kakagaling lang ata sa kwarto nya. “Oh, mukhang nalugi ah? Wag mo na damdamin yung about sa sayaw nyo. Makakasali ka naman next year eh.” Tapos ngumiti pa si ate Krey sakin ng matamis. Lalo akong nalungkot at napahawak sa strap ng bag ko. “Ate.” Tawag ko sa kanya at dahan dahan ng nagbagsakan ang mga luha sa mga mata ko. “Bakit ka umiiyak bunso? May umaway ba sayo?” nag-aalalang tanong ni ate at niyakap ako ng mahigpit. Nabitawan ko naman ang bag ko ng dumulas ito sa balikat ko at yumakap ng mahigpit kay ate tapos ay sumubsub sa balikat nya. “Ate.” Tawag ko pa habang humahagulgol ng iyak. “Sshh tahan na bunso. Sinong umaway sayo?” tanong pa ni ate pero umiling ako. “Si Clean.” Panimula ko na ikinatigil nya. “Anong mayroon kay Clean bunso?” Suminghot ako at pilit na inaayos ang pagsasalita ko. “M – may gi – girlfriend na sya.” Sabi ko pa at napaiyak lalo habang naaalala ko kung pano nya inamin samin kanina na may girlfriend na sya. “Talaga!? May naka-una sakin kay Clean? Oh eh bakit ka umiiyak? Okay lang ako bunso di ko pa naman ganon kagusto si Clean eh.” Dahan dahang humiwalay sakin si ate at humawak sa magkabilang balikat ko at ngumiti sakin ng matamis. “Wag ka ng umiyak para sakin.” Sabi pa ni ate pero napailing lang ako. “P – pero ate..” nahihirapang sabi ko at tumingin sa mga mata nya. “M – mahal ko sya. M – mahal na ma – mahal ko si Clean.” Napahinto si ate at tinitigan ako ng sobrang seryoso. “You.. what?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD