Kasalukuyan kaming nagbibihis ngayon dahil mag-p.e na kami sa gym which is ang subject namin to the last tapos training na maya maya dahil sa darating na sabado na ang competition namin na ikinakakaba ng aming president.
“Stella, nakita mo na yang damit mo?” agad kong tanong ng mapansin ko kung ano yung nalaglag mula sa bag nya. Pinulot naman nya at nagmake face sya na parang ewan tapos umirap pa. “Ah, oo.” Matipid na sagot nya.
“San mo nakita?” tanong ko pa na agad nyang ikinasimangot. “Sa bahay malamang. San pa ba?” pabalang na sagot nya kaya agad ko syang hinampas ng towel sa hita nya.
“Gago ka! Ang ibig kong sabihin is kagaya ng nakita mo lang na nakasiksik sa damitan mo mga ganon.” Explain ko pa pero di na sya umimik at niyaya na akong lumabas.
Hmm.. I smell something fishy ah! At yung pagmemake face nya kanina sobrang pamilyar parang.. parang.. wait, tama! Ganon yung mukha nya kapag may nagpapaalala sa kanya ng tungkol kay Ashley!
Kung ganon.. kaya ba napapayag sya ni Ashley na makipagdate last Saturday dahil hawak ni Ashley ang t-shirt nya? Pero paanong na kay Ashley yun? Wahaha macorner nga mamaya si Stella.
“Clean, iiwan kita dyan ge ka!” sigaw ni Stella na agad kong ikinasunod sa kanya. Tama talaga ang hula ko wahaha! Na-bad mood bigla eh!
Nagsi-upo agad kami sa bleachers kung san kami pinaupo ng aming teacher, nakita pa nga namin sila Kyla sa kabilang bleachers eh. Sabagay, p.e din pala nila ng ganitong oras.
“Okay, class. Since same time lang naman ang p.e natin sa kabilang section ay pag-iisahin na lang natin ang klase dahil may seminar ang teacher nila kaya walang magtuturo sa kanila. So be nice to each other ha?” agad na sabi ni Miss na ikinatango naman namin.
“So, nadiscuss na natin last meeting ang history pati na din ang basics kaya ngayon ay puro practical na tayo okay? But first, i-ge-grade ko muna lahat ng basic skills sa basketball bago tayo maglaro.” dagdag pa ni Miss kaya kanya kanya na kaming pumila sa loob ng court.
Since basketball ang p.e namin ay sakop namin ang buong court na sobrang lawak kasama pa ang section nila Kyla.
Naggrade si Miss sa aming dribbling, shooting pati na din passing at iba pang basic skills. Since nais naming apat na adventure lagi ay napagkatuwaan din naming aralin ang basketball.
At alam nyo ba kung sino ang pinakamagaling saming apat? Si Kyla! Kung kami ni Stella sa billiards, si Janina naman sa table tennis, si Kyla ang pinakamagaling samin sa basketball! Marunong din sya nung tinatawag na ankle breaker, hanggang center lang kasi ako eh.
“Clean, manalo kaya tayo kila Kyla kung sakali?” tanong ni Stella na nasa tabi ko na dahil hinihintay na lang ang iba na mabigyan ng grade para magproceed na sa 5v5.
Umiling muna ako bago sumagot. “Depende Stella, magaling si pareng Kyla eh. Tume-tres sya diba?” tanong ko pa sa kanya na ikinatango nya. “Oo nga! Sana hindi si Kyla ang ipangbato ng kabila.” Tapos pareho kaming tumango.
“Okay, base sa mga performance at grades nyo ay kukunin ko ang limang nag standout per section. So for the other section ay sila Joana, Mary, Laika, Janina at Kyla.” Napanganga naman kami ni Stella at napalunok sabay tingin sa direksyon nila Kyla.
Kaso pagtingin namin pinakyuhan kami ni Kyla kaya tumingin muna ako sa paligid at ng makita kong nasa harapan si Xandra at nakatalikod sakin ay pinakyuhan ko din sya pabalik na ikinatawa naming apat.
“At sa section na ito ay sila Grace, Maribel, Stella, Cleandrea at.. Alexandra.”woah! Si Xandra!? Tumingin ako sa direksyon ni Xandra na ngayon ay nagtutupi na ng sleeves t-shirt nya.
Marunong pala si Xandra? Di ko naman kasi sya nakitang masyado kanina dahil halos magkasunod lang kaming nagperform ng basics kaya nakafocus ako sa ginagawa ko eh.
“Okay, so let’s start the game. Unang maka score ng 30points ay panalo.” Sabi pa ni Miss kaya tinupi ko na din ang sleeves ko. “Galingan mo Tela ah.” Sabi ko kay Stella na ikinatango nya.
“Sige ako bahala! Basta offense ka at ako defense, alam mo namang may pagkasablay akong magshoot eh.” Sabi pa ni Stella kaya agad akong natawa. Oo nga pala, mahina si Stella magshoot mas gugustuhin nya pa nga daw na magbilliard na lang eh.
Tumango naman ako at agad na kaming pumunta sa gitna. Nasa gitna naman si Miss at may hawak ng bola. “Sino sa jump ball?” tanong ng isa naming kasama kaya agad akong umatras.
“Si Clean na lang mataas syang tumalon kanina eh.” Biglang sabi ni Maribel daw kaya agad akong napaturo sa sarili ko. “Sige na Clean ikaw na.” sabi pa ni Stella kaya kamot ulo akong lumakad sa gitna kung nasan nakatayo na si Kyla.
Huminga ako ng malalim at ngumiti kay Kyla. “Pag team ko nakakuha nito Clean ililibre mo ko mamaya sa mall.” Sabi nya na ikinangiti ko ng alanganin. “Sure sige ako bahala sayo. Ilibre mo naman ako pag team ko ang nakakuha.” Sabi ko pa tapos pumito na si Miss at pumosisyon na kami.
“Sige, ayusin nyo ni Stella ah.” Dagdag nya pa. “Naman! Patalo na kayo, lab you inay haha!” huling hirit ko at tumalon na ng mataas at nahuli si Kyla.
Shit, maaabot ko ba!? Mukhang si Kyla pa ang makakakuha ah!? Pilit kong in-extend ang kamay ko at ng aktong mahahawakan ko na ay bigla na lang bumulusok ang kamay ni Kyla kaya siya ang nakahawak sa bola na ikinanganga ko.
Pagbaba ko ay agad kong tignan kung sino ang makakasalo at laking ngiti ko ng mas naunahan pang makuha yun ni Maribel kaysa sa team ni Kyla. “Pano ba yan Kyla? Handa mo na wallet mo!” sabi ko sa kanya.
“Bwiset! Tatalunin ko kayo.” Masungit na sabi nya at tumakbo na kaya tumakbo na din ako. Sinenyasan ko si Stella na sa bandang baba ng ring mag punta at agad naman nyang nagets.
Tatlo agad ang bantay ni Maribel kaya nahihirapan syang magpasa. Tumakbo ako sa likod nya at agad naman nya itong inabot sakin.
Nagdribble ako hanggang sa mapadpad ako sa dulo at ng may lalapit ng dalawa sakin ay pinasa ko ito ng mabilis kay Stella na ngayon ay binabantayan ni Janina.
Umakto na magshoshoot si Stella na agad namang kinagat ni Janina kaya tumalon sya. Tumakbo naman ako sa gitna at tumalon at kasabay ng pagpasa ni Stella ay umikot ako sa ere para maka-iwas sa block ni Kyla tapos agad ko itong ni-lay up.
Shoot!
Nagtilian ang mga kaklase namin kay agad kaming nag-apir ni Stella. “Tangina mo Tela! Nauto mo ko!” naiinis na sabi ni Janina. “Uto uto ka kasi.” mataray naman na sabi ni Kyla.
Tumakbo na kami papunta sa kabilang court at si Kyla ang may hawak ng bola. Tatakbo na sana ako para bantayan sya kaso nagulat ako ng bigla na lang syang tumalon at nagshoot. What the heck.. tres agad?!
Naghiyawan ang section nila kaya napasimangot ako sa kanya. Kinindatan naman nya ako na agad kong ikinatawa.
“Pass me the ball.” Pabulong na sabi ng taong lumagpas sakin which is.. si Xandra. Hmm, tignan nga natin.
Sinenyasan ko si Stella na ipasa sakin na agad naman nyang ginawa. Tumakbo ako sa court namin at inilagan lahat ng humarang at ng makita kong bukas ang depensa kay Xandra ay agad ko itong pinasa sa kanya.
Umatras sya ng mabilis at agad na tumalon. Hindi naman nakakilos yung nagbabantay sa kanya tapos agad nyang shinoot yun. Woah! Tres din!? 5-3 na ngayon ang standing at kami ang nangunguna.