Kakatapos lang ng training namin at kasalukuyan kaming naglalakad ni Stella ngayon dito sa hallway palabas ng school.
Sila Janina at Kyla kasi ay nauna ng lumabas dahil may family matters daw na kailangan nilang puntahan kaya ang natira ay kaming dalawa na lang.
“Nakakapagod!” sigaw ko habang naglalakad kami tapos nag-unat unat pa. “Sinabi mo pa! Plus nakakairita dahil mayroon ako!” sigaw din ni Stella kaya nakanganga akong napatingin sa kanya.
“Sinigaw mo talaga yan? Pano kung may makarinig sayo?! Nakakahiya ka!” sabi ko sa kanya at akmang hahampasin sya pero naalala ko na mayroon pala sya kaya di ko na tinuloy.
“Oh oh! Buti naman di mo tinuloy! Wala namang tao kaya walang – “ naputol ang sasabihin nya ng may biglang lumabas sa isang hallway.
“Miss Clean?” napalingon agad kami kay Miss Cruz ng tawagin nya ang panglan ko. “Pwede bang makisuyo sayo?” tanong nya na may hawak na mga folders.
“Oo naman po Miss Cruz. Ano po iyon?” tanong ko pa tapos ngumiti sya. “Pakidala naman ito kay Miss Xandra ng Journalist Club. Nasa office nya lang sya, kailangan na kasi ito para sa finalization ng newspaper eh.” Paliwanag ni Miss kaya inabot ko na iyon.
“Sure po Miss ako po ang bahala.” Nakangiti kong sabi kaya agad na nagpasalamat si Miss at umalis na. “Clean! Tingin mo narinig ni Miss yung tungkol sa regla ko?” nag-aalalang tanong ni Stella kaya natawa ako.
“Hahaha! Ano? Wala pang tao? Siguro malay mo ewan.”
“Panget mo talagang kausap minsan. Tara samahan na kita.” Tumango naman ako at agad kamig lumiko sa hallway papunta ng Journalist Club Office.
Nangyari na din to ah? Kaso nung una ay nag-away naman kami ni Xandra tapos nung huling punta ko sa office nya ay yung halikan nila ni Valerie ang nakita ko.
Pansin ko lang, wala pang magandang nangyayari kapag napapadpad ako sa office ni Xandra. So ano naman kayang mangyayari ngayon?
Sana naman good na at hindi bad.
///
“Bukas?” sabi ni Stella kaya agad akong napatingin sa office ni Xandra at bukas nga. Sumilip si Stella sa loob kaya dumungaw na din ako. “Di ba tayo kakatok? Pinahihirapan mo sarili mo eh.” Sabi ko sa kanya pero umiling lang sya tapos sumandal na ulit sa pader.
“Wag ka ng kumatok. Wala namang tao pumasok ka na lang tapos ilagay mo yung papers sa lamesa ni Xandra.” Sabi nya habang nakapamulsa.
“Wow Tela. Mga gawain mo eh noh. Ganyan ka ba talaga ha? Ha?” sabi ko pa sa kanya at mahina syang siniko.
Tumawa naman sya ng mahina tapos nagkibit balikat. “Dali na Clean, ikaw na pumasok wait kita dito sa labas.” Tumango naman ako tapos humakbang na. “Pag wala akong Telang nakita dito makakatikim ka ng sapok sakin.”
“Di to aalis oy! Hahaha! Sige na, kupad.” Sabi pa nya kaya napailing na lang ako at tahimik na pumasok.
Inilibot ko ang paningin ko at nakitang wala ng kahit isang estudyante ang nandito sa labas kaya lumakad na ako at lumiko kung nasan ang office ni Xandra.
Napahinga ako ng malalim ng makitang bukas ang office nya. Nae-excite ako hahaha! Mag-isa lang kaya si Xandra dito? Kanina lang magkasama kami sa classroom pero ilang oras ko pa lang syang di nakikita ay nae-excite na agad akong makita sya.
Matutuwa kaya syang makita ako ngayon? Sabi nya kasi diba mauna na ako dahil may meeting pa sya? Err.. inutusan lang naman ako ni Miss diba? Kaya totally ay di sinasadya na mapapadpad talaga ako dito!
Namiss nya din kaya ako?
Napangiti ako ng malaki at humakbang na papunta sa pintuan ng office nya.
But my smile instantly fades away. There’s this girl na nakadukwang sa mismong lamesa ni Xandra at ang isang tuhod nya ay talagang nakasampa pa talaga sa lamesa at ang upper body ay nakasubsub kay Xandra.
At base sa pagkakakita ko ay naka-upo lang si Xandra sa swivel chair nya dahil sa ayos ng paa nya sa ilalim ng lamesa. At ang ginagawa nila? Hindi ko alam!
Dahil nahaharangan ng babae si Xandra at malay ko ba kung anong ginagawa nila?
Nang hindi na ako makatiis ay kumatok na ako sa pinto. “Ehem. Excuse me po Miss Xandra.” Sinabi ko yun sa sobrang flat na tono. Ugh.. bakit ganito? Sobra akong disappointed dahil sa nakikita ko!
Agad namang tumayo ng deretso ang babae na nasa lamesa ni Xandra at humarap sakin. At last, nakita ko din ang mukha ni Xandra.
Nanlalaki ang mga mata nyang nakatingin sakin pero ng lingunin sya ng babae ay bumalik sa pagkapoker face ang mukha nya tapos humarap ulit ang babae sakin.
“Hmm? Yes? May kailangan ka ba?” nakangiting tanong ng babae sakin. May pagkamatangkad ang babae at sa tingin ko ay kasing height lang namin sya ni Xandra at may pagkaslim ang kanyang pangangatawan.
Singkit sya tapos maputi. All in all maganda naman sya. “May pinaaabot po kasi si Miss Cruz kay Miss Xandra. Nakasalubong ko po kasi sya sa hallway at nautusan lang ako.” Magalang na sagot ko sa tanong nya pero kay Xandra ako nakatingin.
Nakatingin din sya sakin pero nanatili lang syang nakapoker face. Girlfriend but it seems that I really don’t know her.
“Ah ganon ba.” Sabi ng babae tapos umupo pa. “Pakilagay na lang dito sa table nya. Nagmemeeting kasi kami eh.” Tapos tumawa pa sya ng nakakaloko at nagde quatro pa.
“Okay.” Matipid na sagot ko tapos lumakad na papunta sa table at inilapag don ang mga folder. Tinignan ko sa mata si Xandra at tumingin lang din sya sakin.
Tsk.
Tumalikod na ako at aalis na sana kaso hinawakan ng babae ang wrist ko kaya napaharap ako sa kanya.
“By the way, I’m Polaris Tan. And you are?” tapos binigyan nya pa ako ng isang napakatamis na ngiti. “Clean Logan.” Matipid na sagot ko tapos ngumiti din ng matipid.
Pano ko ba ipapaliwanag to? Para kasing may something sa babaeng ito eh! Basta di ko maexplain! Yung feeling na may gagawin syang hindi maganda? Ganon basta!
“Oh! The famous troublemaker!” amaze na sagot nya tapos tumawa pa. Napakunot noo ako ng bumaba ang kamay nya tapos hinawakan ang kamay ko.
“It’s nice meeting you, Clean.” Makahulugang sabi nya kaya napaseryoso ako. “I don’t know if it is nice to meet you to, Polaris.” Prangkang sagot ko sa kanya na ikinatawa nya.
Tumayo sya kaya napaatras ako. Natigil ang pag-atras ko ng hawakan nya ang bewang ko tapos lumapit pa sya ng sobrang lapit kaya nailayo ko agad ang mukha ko.
“Trust me; it’s nice to meet someone like me. Polaris Tan is the name, you must remember it.” Tapos inilapit nya pa ang mukha nya.
Pero dahil kay Xandra lang ako…
Agad kong kinalas ang hawak nya sa bewang ko at hinawakan ang balikat nya tapos inilayo sya sakin na may tamang pwersa lang. “Okay Polaris, natatandaan ko ang pangalan mo.” Sagot ko sa kanya at agad ng tumalikod at lumabas ng office na yon.
Anong trip ng babaeng yon?