“Maaaaa!” hyper na sabi ko pagdating ko sa bahay. “Ang hyper ah?” sabi ni daddy tapos ginulo pa ang buhok ko.
Phew! Buti hindi nila nahalatang napilitan lang pagkahyper ko ugh! Dumaan muna kasi kami ni Stella sa ice cream parlor para magbonding ng konti. Pero dahil pasaway sya at kumain ng napakaraming ice cream, ayon namimilipit sa sakit ng puson nya bago umuwi hahaha!
Tumabi ako kay Xandra pero di ko sya tinitignan. Di pa kami nakakapag-usap mula pa kanina at sa tingin ko ay ayoko munang pag-usapan yun. Nasasaktan kasi ako eh.
Sino bang hindi diba? Ang sabi nya may meeting sya tapos ganon ang madadatnan ko? Ganon na ba ang meeting nowadays? Kulang na lang sa lamesa humiga yung ka-meeting? Ugh!
Tapos na kaming kumain lahat lahat kaya tumabi ako kay mama. “Maaaaa, tabi nyo naman ako ni daddy sa higaan? Namiss ko na po kasi kayong makatabi eh.” Sige Clean maglambing ka ng todo, talagang ginamit mo pa ang pagkamiss mo para maka-iwas kay Xandra noh?
Wala akong pake! Basta iiwas ako! Ayoko munang marinig ang sasabihin nya…
“Ang lambing naman ng anak ko. Pero paano si Alexandra?” tanong ni mama tapos tumingin pa kay Xandra. Nakita ko namang akmang sasagot si Xandra kaya agad akong pumeke ng tawa.
“Hahaha! Nako ma! Ayoko nga pong makaistorbo kay Xandra eh finalization na po kasi ng school’s newspaper. Alam nyo naman po na di ako makakatulog ng bukas ang ilaw diba? Sige na po please tabi na tayoo.” Tapos nagpuppy eyes pa ako.
“Totoo ba yon Xandra?” wow ma naniwala ka nga sakin! Mukha ba akong nagsisinungaling? Kaloka! “Opo, tita.” Rinig kong sabi ni Xandra kaya agad akong nagbunyi.
Yehey! Iwas mode activated!
///
“Po?” dismayadong sabi ko ng makita kong nakacoat si mama tapos si daddy naman nakapolo na at hawak na ang susi ng sasakyan.
“Ikaw na ang bahala Clean ha. Wag mong iistorbohin si Alexandra.” Paalala pa ni mama tapos hinalikan ako sa noo. Hinatid ko sila sa sasakyan na labag sa loob ko. “Oo naman po, ingat po.” Nakasimangot kong sabi pero nginitian lang nila ako kaya sinara ko na lang ang gate at wala ng nagawa kundi ang bumalik sa loob.
Bakit ba lahat umaayon kay Xandra? Hindi ba papanig sakin ang kapalaran? Huhuhu! Napakaduya nito!
Pinatay ko na ang ilaw dito sa baba at huminga ng malalim at umakyat ng sobrang dahan dahan pati na din sa sobrang tahimik na paraan para hindi malaman ni Xandra na paakyat na ako.
This is badness!
Wag ka munag lalabas, wag ka munang lalabas!
Nakaakyat na ako dito sa hallway at sobrang dahan dahan ng lumalakad papunta ng kwarto nila mama kaso..
Napanganga ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at lumabas si Xandra. Nagkasalubong ang tingin namin at ng ibinuka na nya ang bibig nya..
“Good night!” sigaw ko at agad ng pumasok sa kwarto nila mama sabay bagsak at lock ng pintuan! Waaaah! Ayoko muna ng Xandra sa sistema ko! Duwag na kung duwag pero ayoko munang makita o makausap sya dahil pabalik balik talaga yung scene na yun sa ulo ko!
Napatalon ako sa gulat dahil sa sunod sunod na pagkatok. Lumayo ako sa pinto at humarap don na akala ko naman ay nakikita ko si Xandra sa kabilang side.
“Clean.” Napahinga ako ng malalim dahil sa pagtawag nya ng pangalan ko. “Clean.”
“Clean open this door.”
Kinagat ko ang labi ko at umatras pa ng isa para makalayo sa pintuan. “Clean. Hear me out first.”
Para ano pa? Pero ano din namang mawawala sakin kung papakinggan ko sya diba? May mawawala ba? Wala din naman eh? Pero kasi masakit yung nakita ko..
Girlfriend mo tapos sasabihin may meeting kaya mauna na ako then pagpunta ko ng office nya ay ganito yung aabutan ko? Kahit saang anggulo mo tignan hindi meeting ang nagaganap that time eh!
“I love you Clean. Let’s talk please.” Ta-dah! Ayon na po ang magic words at ang inyong lingkod ay wala ng nagawa kundi buksan ang pintuan dahan dahan tapos sumilip.
Nakita ko namang malungkot ang mukha ni Xandra kaya binuksan ko na ang pintuan at lumabas don. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papunta sa kwarto namin kaya sinara ko na lang ang kwarto nila mama.
Pinaupo nya ako sa kama tapos umupo din sya sa harap ko. “What you saw is nothing.” Napanguso naman ako dahil sa introduction nya, narinig ko na yang mga ganyang intro eh!
Tumango tango na lang ako at hindi pa din sya tinitignan. Hindi ko alam pero ayoko talagang salubungin muna yung mga tingin nya eh! Cleaaaan bakit ang duwag mo pag dating sa ganito?
“She’s my cousin.”
“Huh?!” agad na naagaw ang atensyon ko dahil sa sinabi nya at gulat na gulat na nakatitig sa mga mata nya. “Ano? Pinsan mo yung Polaris Tan?” di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
“At last, tinignan mo din ako sa mata.”
“Xandra naman eh. Sagutin mo muna yung tanong ko.” Sabi ko sa kanya tapos tumango tango naman sya. “Polaris Tan is my cousin on mother side.”
“Weh? Eh bakit wala manlang akong makitang resemblance sa inyong dalawa kahit konti?” tanong ko pa sa kanya. Humiga sya tapos hinila ako pahiga at nagkumot kami.
“Because I am more on a Sison than Tan. Karamihan sa Tan ay singkit talaga at Chinese pero ang Sison ay mix ng Filipino and American kaya malayo talaga.” Napatango tango naman ako dahil sa explanation nya.
“Kung ganon.. bakit ganon yung posisyon nyo ng madatnan ko kayo sa office mo?” tanong ko pa sa kanya. “Tapos ang sabi mo pa mauna ako at may meeting ka pa, ganon ba ang meeting talaga? Kulang na lang sa lamesa na humiga?”
Napangiti naman sya pero agad din syang umiling. “Sorry kung ganon ang dating sayo non. But Polaris is the playful one, maloko sya at gustong gusto nyang nakakakita ng emotions from other people.”
Tumango tango naman ako. So ibig sabihin nito, may resemblance sila sa ugali. Pareho silang mapantrip ni Xandra simula pa lang. Goodness! Ano naman kayang dala ng pinsan nya?
“That’s why she’s love teasing me so that she can see my emotions. Too bad ‘cause I won’t give her any satisfaction.” Napangiti naman ako dahil sa sagot nya. Sabi na eh hard din tong si Xandra kahit papaano!
Nanlaki naman ang mata ko ng bigla syang lumapit sakin. “Besides, my emotions are only reserved just for you.” Napangiti ako ng malaki dahil sa sinabi nya sakin.
So this means.. na wala lang yung kanina at pinsan nya lang talaga yon. Sus naman Clean oo oh! Kung kanina mo pa sana hinarap si Xandra edi sana di na humaba ng ganito. Nako naman!
Napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang labi nya sa labi ko. Actually, since ng makauwi kami ng trip. Tuwing gabi talaga ako inaatake ni Xandra. Alam nyo yun? Di sya nagsasawang halikan ako. Syempre ganon din sa side ko!
Kumalas ako dahan dahan ng maramdaman kong nasa abs ko nanaman ang kamay nya. “Xandra yung kamay mo.” Sita ko sa kanya pero tumawa lang sya ng mahina.
“Sorry can’t help it. I’m glad that were okay now.” Napangiti ako ng malaki ng ngumiti sya dahan dahan.
Mahal ko talaga si Xandra.
Pero alam ko na hindi lang hanggang don ang aabutin nito. Natatakot ako na dumating yung point na umalis sya at kunin sya ng parents nya.
After all, pinatira lang sya dito for the mean time.