Pabagsak kong hiniga ang sarili ko matapos namin maghanap ni Xandra ng mga gagamitin para mamaya. Alas tres na ng hapon at dalawang oras na lang ay event na. “Clean, kailangan maaga kami don.” Sabi ni Xandra kaya wala akong nagawa kundi ang bumangon. “Sige na maligo ka na ako na mag-aayos ng mga pinamili natin.” Nakangiti kong sabi sa kanya kaya nauna na syang naligo. Inayos ko yung mga damit na binili namin tapos napangiti na lang ako ng ilapag ko na ang gown namin sa kama. Actually sabi ko cocktail dress pero mas nagandahan kami sa dalawang cocktail gown na nakita namin. Ang kanya ay red na cocktail gown na tube na may designs na silvers chuchu tapos knee length lang yung harapan pero yung bandang likod ay naabot na hanggang sa may paa so kailangan may heels. Ganon din yung sakin kas

