Mamaya na ang event at kasalukuyan akong nakatambay dito sa gate at hinihintay si Stella. Inilibot ko ang paningin ko at agad na naningkit ang mga mata ko ng may napansin akong dalawang tao sa may oval. Hindi pansinin ang pwesto nila dahil banda ito sa lilim pero kilalang kilala ko yung isang nakatayo. Si Kyla.. kausap si, luh?! Si Polaris?! Yung pinsan ni Xandra na weird! Natatanaw kong nakasimangot si Kyla samantalang si Polaris naman ay tawa ng tawa. Maya maya pa ay tumingin si Polaris sa relo nya at bigla na lang tumakbo samantalang si Kyla ay naiwan ng nakasimangot at inis pang hinawi ang buhok nya. “Hoy Linis.” “Oh bakit Tela? Ang tagal mo.” Sabi ko naman at sumabay na sa kanya. “Ano ba iyang tinatanaw mo at hindi mo ko napansin?” napanganga naman ako sa kanya. “Woah, bakit wal

