Mula ng mapag-usapan ang tungkol sa pagkawala at pagdukot sa magpipinsan na Sison ay naging tahimik si Xandra. Hindi ko sya kinukulit at tinatanong tungkol sa bagay na yun dahil gusto kong kusa syang mag-open sakin. Hindi ako umaalis sa tabi nya at patuloy ko lang syang binabantayan. Bukas ay pasukan na sa school at syempre.. “Pota Linis! Nakikinig ka ba?!” pasigaw na sabi ni Kyla sa kabilang linya kaya agad kong nailayo ang phone ko sa tainga ko. “Oo nay! Hindi mo ko kailangan na sigawan!” balik na sigaw ko sa kanya habang inaayos ko ang mga gamit ko dito sa kama. Kakauwi lang din namin kasi dito sa bahay samantalang si Xandra ay nasa parents nya ngayon. “So ayon nga, at dahil pasukan na daw bukas ay sasayaw kayo ni Stella, ang sasayawin nyo daw ang yung sinayaw nyo nung contest para

