Napailing ako habang gumagawa ng choices sa utak ko kung ano ang ginawa ng batang ito kay Xandra dahil unang una sa lahat.. anong mayroon at nandito ang parents namin tapos nandito din kami? Nawala ang mga iniisip ko ng may naglapag ng plato sa harap ko at sunod sunod ng dumating ang mga pagkain. Yung kaninang masayang atmosphere ay nawala at lahat ay naging seryoso. “Let’s eat.” Sabi ng dad ni Xandra kaya agad agad ay kumain na kami. Yung bata naman ay sinusubuan ng mama ni Xandra kaso.. “Solar, behave.” Madiin na utos ni Xandra sa bata ng paulit ulit syang abutin pero paulit ulit din syang umiiwas. “Bakit asungit mo?” inosenteng tanong ng bata na ikinasalubong ng kilay ni Xandra kaya agad akong yumuko para maiwasan ko ang pagtawa. Well, bakit nga naman ba kasi ang sungit ni Xandra sa

