Nagtanguan kami ni Xandra at sabay kaming pumasok dito sa may pintuan sa kusina. Lumakad kami hanggang sa living room pero.. “Wala pang gising?” napalakas na tanong ko na medyo nag-echo sa buong bahay. “Maybe.” Tipid na sagot ni Xandra tapos hinigpitan ang hawak sa kamay ko. “Sabagay 6:30am pa lang naman kaya baka natutulog pa sila.” Sabi ko pa tapos inilibot ang tingin ko sa kabuohan ng bahay. “Xandra, kaninong bahay ito at nasaan tayo?” tanong ko sabay harap sa kanya. Lumakad sya paakyat sa hagdan kaya agad naman akong sumunod at sumabay sa kanya. “Hmm, one of dad’s properties and nandito tayo ngayon sa Quezon.” Paliwanag nya na ikinatango tango ko. Kaya naman pala ang linsi ng hangin dahil malayo sa city bukod pa don ay puro kulay berde ang nakikita ko sa paligid hindi kagaya sa cit

