“Xandra.” Nakangiti kong tawag sa kanya. Halo halo yung emosyon ko as in! Tuwang tuwa na di makapaniwala at kung ano ano pa! Huminga ako ng malalim at tumakbo ng mabilis papunta sa kanya pero syempre hindi ko tinatapakan ang flowers noh! “Clean, dahan dahan.” Paalala nya sakin pero mas lalo ko pang binilisan. Aba, kahit panaginip ito papatusin ko to noh! Si Xandra na yung nasa harap ko, abot kamay ko na tapos babagal bagal pa ako!? Yumakap ako ng mahigpit sa bewang nya at sinubsob ko ang mukha ko sa balikat nya. “Totoo ka.” Mahinang bulong ko sa kanya. Narinig ko ang pagtawa nya kaya mas lalo akong napapikit. I miss everything about her, lalo na tong amoy nya. Nakakamiss sobra.. “Of course.” Mahinang sagot nya at yumakap din ng mahigpit sakin. Hindi ko alam kung gaano kami nagtagal

