Naiiling na sinusulyapan ako nila dad mula sa rear mirror ng sasakyan nila. Kakatapos lang ng new year at ngayon ay a-uno na. Niyakap ko ang bag ko at yumuko ako don. Malapit na kasi ang dinner pero sinabihan ako nila dad na magbaon ng mga damit good for two days tapos pinagbihis pa ako dahil may pupuntahan daw kami. At sa totoo lang? Wala na akong energy ngayon badness! Drain na drain na ako! Two weeks ko ng di nakikita si Xandra swear! Nakakabaliw! Di ko na matiis super! Mamaya nga ay magsusuot na ako ng bistidang mahabang puti at yayakap ng manika tapos maglulugay ako at iikutin ko ang buhok ko sa daliri ko sabay kanta ng.. “Namimiss ko si Xandra, hindi ko na makaya.” Oo pinalitan ko yung lyrics ng “Andyan na si nanay awooh.” dahil di ko naman trip ang horror noh! Pero seryoso ang

