Clean’s POV
Nagising ako dahil sa sunod sunod na vibrate ng cellphone ko. Umupo naman ako at agad na nakita na nakadapa si Stella habang mahimbing na natutulog.
Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla na lang itong tumibok. Anong oras na ba kami natulog? Ang sakit sa ulo syet.
Nagvibrate nanaman ang cellphone kaya agad kong kinapa at nang makapa ko ay agad ko itong sinagot kahit na di ko alam kung sino ang caller.
“Hello.” Inaantok na sabi ko sabay kumot at pikit.
“Good morning Clean.”
Napangiti agad ako ng makilala ko ang boses nya. “Good talaga ang morning. Boses mo ang bumungad sakin eh.” Nakangiting sabi ko samantalang natahimik naman ang kabilang linya.
What’s with me? Gusto ko lang maging sweet kay Xandra bawal ba?
“Ang sweet mo naman. Gusto tuloy kitang tikman, may I?” napalipbite ako sabay tahimik. Shet! Talo pa din ako kay Xandra! “Oo naman.” At sabay pa talaga kaming natawa hahaha!
“By the way Clean, want me to fetch you?” napatayo ako dahil sa tanong nya. “Seryoso? Kahit narito ako sa bahay ni Stella?” tanong ko pa sa kanya.
“Yeah, send me the address.”
“Sige sige maliligo na ako! I love you Xandra.” Nakangiting sabi ko. “I love you too.” Sagot naman nya tapos nag-end na ang call.
Ang aga aga sobrang good mood na agad ako!
“Aruuu!” sigaw ko ng biglang may humampas sa likod ko. “Taena mo Tela panira ka ng umaga.” Nakasimangot na sabi ko sa kanya.
“Taena mo din Clean. Wag kang sweet sa harap ko ha? Nakakakilabot men!” sigaw pa nya kaya agad ko syang binato ng unan na hindi nya nailigan. “Malay ko bang gising ka na?! Dyan ka na nga maliligo na ako!” sigaw ko sa kanya pero tinawanan lang ako!
“Mauna ka na! Bwiset ka ang landi mo!” sigaw nya pa na hindi ko pinansin. Bahala syang mainggit dyan hahaha!
///
“Ayoko!” sigaw ko sabay tulak kay Tela papasok ng gate nila! “Wala kang magagawa sasabay ako!” sigaw naman nya sabay tulak din sakin.
Bwiset na Tela to! “May sarili kang sasakyan don ka sumabaaay!” sigaw ko pa at buong pwersa syang tinulak sabay talikod ko kaso hinablot naman nya ang bag ko at tumakbo kaya agad ko syang pinigilan.
“Pero gusto kong sumabaaay!” sigaw din nya at nagtulakan nanaman kami. s**t talaga!
Matapos ko kasing magtoothbrush ay nagtext si Xandra na nasa harap na raw sya ng gate kaya dali dali akong tumakbo palabas kaso nakasunod pala tong si Stella kaya heto ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para pigilan sya!
“Hi Miss Xandra!” sigaw nya tapos kumaway pa kaya walang ano ano ay lumingon agad ako kaso.. “Uto uto!” sigaw ni Stella sabay halakhak pagkatapos nya akong lampasan.
Bwiseeeeet! Nauto ako sa pamamagitan ni Xandra, eh wala naman sya sa labas ng sasakyan eh!
Nakita ko namang kumatok sya tapos pumasok na. Kaya heto wala akong nagawa kundi ang lumakad na bagsak ang mga balikat papunta ng sasakyan ni Xandra. Expected ko kasi dalawa lang kami eh!
“Okay lang yan Clean.” Rinig kong sabi ni Xandra pagkaupo ko dito at umandar na ang sasakyan.
At talagang napakagaling ng Stellang ito, sa gitna pa talaga namin pumwesto at tawa pa ng tawa ugh! Nakakainis!
///
“Clean dalian mo male-late na tayo sa p.e. natin!” sigaw ni Stella. “Oo eto na!” sigaw ko pabalik at nagmadali ng itali ang buhok ko.
Tumakbo na kami pababa mula dito sa locker room papunta ng basketball court dito sa gym kung saan daw kami magp-p.e sabi ni Miss.
Naupo agad kami sa bleachers ng magsimula ng magroll call si Miss. Swerte ni Stella naabutan nya pa yung apilyedo nyang letter A, na pinakang unang una sa lahat. Matapos ang lahat ay ngumiti samin si Miss.
“Ang p.e. natin ngayong araw ay isa sa mga social dances.” Panimula ni Miss kaya agad kaming nagkatinginan ni Stella. “Partner tayo?” tanong nya na agad kong tinanguan. “Pwede.”
“Since may mga social dances na kayong naaral from your previous years, ang aaralin naman natin ngayon ay Tango. So may idea ba kayo sa Tango?” tanong ni Miss pero kanya kanyang violent reaction naman ang mga kaklase ko.
Yung totoo guys? Kaya nga aaralin natin eh! Nakakaloka!
“Settle down class! I-aannounce ko na ang pairings kaya makinig kayong maigi, kapag natawag ang pangalan ay tumayo na agad at pumila dito sa likod ko ha. Ang unang pares ay sila .. “ tapos sunod sunod ng ina-announce ni Miss ang mga pares.
Sino kayang partner ko? Natawag na kasi si Stella tapos unti unti na rin kaming nauubos dito sa bleachers pero hanggang ngayon ay nakaupo pa din ako dito! Di pa naman ako ganon ka-close sa mga classmates ko.
“..lastly, Miss Logan and Miss Sison.” Pagkasabing kasabi non ni Miss ay napatingin ako dito sa mga upuan only to see na nasa kabilang dulo din pala nitong inuupuan ko nakapwesto si Xandra.
Tumayo sya kaya agad na din akong tumayo at sumunod sa kanya. Nakita ko pa ngang nginisian ako ni Stella ng dumaan ako sa harap nya eh. Habang tumatagal, parang nare-realize ko ng maling maling mali talaga na nalaman ni Stella na kami na ni Xandra! Napaka pang-asar kasi eh!
“Wow, ang swerte naman ni Clean.”
“Gusto ko ding makapartner si Miss Alexandra.”
“Ano kayang pakiramdam na kasayaw si Miss Xandra?”
Napangiti naman ako ng palihim dahil sa bulungan ng mga kaklase ko. Mas maiinggit kaya sila kapag nalaman nilang girlfriend ko si Miss Xandra? Wahaha!
“What’s with the evil smirk?” tanong nya na nakapagpabalik sakin mula sa outer space. “Wala. Iniisip ko lang na mas maiinggit sila kapag nalaman nilang sakin ka.” Pasimple kong bulong sa kanya dahil nakatingin pa din samin ang mga kaklase namin.
“Definitely.” Matipid na sagot nya na tinanguhan ko. So far, ang ganda ng pwesto namin dahil.. narito kami sa dulo at hindi pansinin. Sana lang hindi kami panuorin ng mga kasabayan namin na mga nagp-p.e din.. baka ma-bash ako eh!
“Okay, class the first step – “ naputol ang sasabihin ni Miss dahil sa isang malakas na sigaw.
“AYOKO! AKO ANG BABAE!”
“AKO ANG BABAE!”
“MAS MATANGKAD KA KESA SAKIN!”
“ONE CENTIMETER LANG ANG TANGKAD KO SAYO!”
“AKO ANG BABAE!”
“HINDI, AKO!”
Gosh nakakahiya! Naalala ko, kapareho nga lang pala ng oras ang p.e nila ng p.e namin! Lahat ng mga tao dito sa gym napahinto dahil sa sigawan nila! Hulaan nyo kung sino sila? Dali, sobrang hirap hulaan!
“Miss Javier and Miss Montefajar, tone down will you?! Miss Motefajar will play the role as a man.”
“Pero Miss – “
“End of discussion. Okay class, let’s start.”
Oh diba ang hirap hulaan? Nakakaloka! Pwede naman magtalo ng matino kaso sigawan talaga eh! Ganon ba ka-big deal yon? Eh pare-pareho lang naman kaming babae dito tapos sasayaw lang naman!
“Class, makinig na. I-dedemo ko muna then sundan nyo ako ha? Yung magiging boys ay left foot ang unang ihahakbang then girls ay ang right foot okay?” nag-yes naman kaming lahat at nagsimula ng magturo si Miss.
Wow, ngayon ay forte ko naman ang pag-aaralan. Napatingin ako kay Xandra na nasa harap ko na seryosong seryoso na nakatingin sa ginagawa ni Miss.
Marunong kayang sumayaw ng Tango si Xandra?