Chapter 23

1007 Words
“Sorry.” “Okay lang.” “Sorry, hindi ko talaga sinasadya.” “Haha okay lang.” “I’m really sorry Clean.” “Okay lang, promise.” Pag-uulit ko pa habang sumusunod na kami sa beat ng music. For the past minutes ay tinuro na samin ni Miss ang dalawang basic steps. Ang Tango ay may sinusunod na pattern na parang nakabaligtad na small letter y pero hindi yung ganitong “y” ah. Tapos pa-square din syang sinasayaw unlike ng cha-cha-cha na atras at abante tapos side by side ganon. Kung ang cha-cha-cha ay magkahawak lang ang kamay sa gitna habang sumasayaw. Ang Tango naman ay mas close ang mag-partner, ang babae ay nakahawak sa kaliwang balikat ng lalaki tapos ang lalaki naman ay nakahawak sa likod ng babae banda sa ilalim ng may malaking buto sa likod tapos yung other hands nilang pareho ay magkahawak forward na shoulder level lang. So to make this explanation short, manood na lang kayo ng Tango o cha-cha-cha dahil ang hirap nyang i-explain in written form hahahaha! Since ako yung lalaki, si Xandra ang gumaganap na babae, kaninang individual ay okay naman si Xandra pero nitong nagpartner na kami at magkahawak na ng kamay ay medyo nagkakamali na sya. Bakit kaya? “Xandra, namumula ka.” Bulong ko sa kanya na agad nyang ikinalingon sakin so ang ending.. natapakan nanaman nya ako na ikinangiwi ko. “Sorry.” Agad nyang sabi pero ngumiti ulit ako. Nag-off na ang speaker kaya dahan dahan na kaming bumitaw. “Okay class, tama na muna yan for today. Next week is practical na natin so galingan nyong lahat ha? Individual ang grading kahit may partners kayo. Class dismissed.” Sabi ni Miss kaya nagpaalam na kaming lahat sa kanya at sama samang umakyat sa locker room na buong klase “Clean.” Napalingon naman agad ako kay Xandra ng tawagin nya ako. “Sorry talaga. Honestly, I’m not good in any social dances.” Natawa naman ako dahil hanggang ngayon ay sorry pa din sya ng sorry. “Xandra, gaya ng sabi ko kanina ay okay lang. Basta ba wag mo ng uulitin kapag nakatakong na ha? Mas masakit yun hahaha.” Natatawang sabi ko sa kanya. Napalingon naman ako ng may umakbay sakin, pasalamat sya hindi sya sa gitna namin sumingit kundi mababaukan ko to mamaya. “Wag kang mag-alala Miss Xandra. Kahit mamaga na ang mga daliri ni Clean sa paa ay mahal ka pa rin nya.” Mahinang sabi ni Stella na kaming tatlo lang ang makakarinig. Napahinto kaming dalawa ni Stella ng makita naming namula ng todo si Xandra sabay umalis ng tahimik sa tabi ko at nakihalo sa mga classmates namin. “Luh? Di ko inaasahan na malakas ang impact mo kay Miss Xandra, Clean! Expected ko ikaw ang head over heels sa inyong dalawa eh!” amaze na amaze na bulong sakin ni Stella na syang mahirap sa part ko dahil tiniis ko ng matindi na wag lang ilayo ang tainga ko sa kanya! Shet! Malakas pa din kiliti ko sa tainga! May pampawala ba ng kiliti or kahit pampabawas manlang?! “Ako din Stella.” Mahinang sabi ko na lang sabay ngiti ng palihim. May idea na ako sa first month namin wahahaha! /// “Guys wala munang uuwi!” sigaw ng president namin dito sa klase kaya natigilan kaming lumabas ng sapilitan din kaming paupuin ng mga officers dito sa room. “President! Matagal ba yan!? Baka malate kami sa training!” sigaw ni Stella kaya nagsipag-oo naman yung ibang classmates namin na athlete din. Umiling naman si president. “Saglit lang to, kung umaayos na kasi kayo diba para nai-a-announce ko na diba? Sige magsipag-ingay pa kayo para wala ng makaalis!” sigaw ni president kaya natahimik na kaming lahat. “Kung di pa sisisgawan di pa tatahimik eh. So eto na nga, alam nyo naman ang tradition dito sa CBAGHS kada bago pumasok ang month ng December diba?” nagsipag-oo naman kami. Sa totoo lang, nakalimutan ko na yung tinutukoy ni president pero um-oo na lang ako para makaalis na agad kami eh hahaha! “So bukas, after class ay sama sama ang buong CBAGHS para magdecorate ng room para sa darating na Christmas. Walang uuwi at lahat tayo ay magdedecorate dahil may extra grades din ito sa homeroom natin okay? Oh sige na magsilayas na kayo.” Pagtataboy nya samin kaya agad agad kaming nagsipag-alis. “Ang bilis Stella! Malapit na pala ang December.” Nakangiting sabi ko kay Stella. “Oo nga, at first month nyo na diba? Anong plano mo? Dali sisirain ko!” nae-excite na sabi nya kaya agad agad ko syang sinapok. “Alam mo, unti-unti mong pinaparamdam sakin na dapat magsisi akong sinabi ko sayo.” Sabi ko sa kanya kaya napahalakhak sya ng todo. “Shet Clean! Kay Miss Xandra ka lang pala mapipikon? Pero joke lang ah! Kapag kailangan mo ng tulong andito lang ako ha?” offer nya pa na agad kong ikinatawa. “Anong alam mo sa pagiging sweet Tela? Eh pagkakalat lang ata alam mo eh.” Tapos sabay kaming tumawa pero maya maya ay napahinto sya. Tumingin sya sakin na may seryosong mukha kaya agad akong napaseryoso. “Pero Clean, kailan mo sasabihin kila Kyla at Janina? Hihintayin mo na lang din bang makuha ka nila sa akto gaya ng akin?” seryosong tanong nya na ikinakaba ko. May point naman si Stella but the thing is.. ready na ba silang malaman? Or matatanggap ba nila ako? Pero pano ko naman yan malalaman kung iisipin ko ang lahat ng eksena na magaganap kapag sinabi ko diba? Isa lang naman ang paraan para malaman, kundi ang sabihin sa kanila pero di pa ako ready eh! “Siguro sa susunod na lang Stella.” Sabi ko na lang. “Ikaw bahala, basta andito lang ako ha?” ngumiti naman ako kay Stella dahil sa sinabi nya. Alam ko naman yun Stella eh. Alam na alam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD