Stella’s POV Nahuli kami.. nahuli kami.. nahuli kami. Marahas kong kinagat ang labi ko habang sinusundan ko ang ambulansya at sakay ko sila Kyla at Janina. Huminto agad kami ng marating namin ang emergency. Agad na lumabas sila Kyla at Janina pero nanatili lang ako dito sa loob ng sasakyan at hawak ko ang manibela ng mahigpit. “Stella, hindi ka ba lalabas?” nag-aalalang tanong ni Kyla habang si Janina ay tumatakbo na papasok. Ngumiti ako ng tipid. “Mauna na kayo, next time na lang ako.” Sabi ko pa. Alam ko yung tingin ni Kyla, hindi sya kumbinsido. “Mag-iingat, okay?” paalala nya pa tapos tumakbo na din sya papunta sa loob. Tinignan ko ang hospital at agad kong inalis ang tingin dito at tinitigan na lang ang mga kamay ko. Nagsisimula na.. Hinawakan ko ng mahigpit ang damit ko banda

