Chapter 8: Peace offering
11PM na at natapos na rin finally, "Mag-iingat kayo at bukas dapat maaga tayo sa hotel para sa preparation natin. Maiiwan ang iilan sa inyo, okay?" Tumango sila bilang tugon sa sinabi ko.
Nakikita ko ang pagod sa kanila pero alam kong nag-enjoy naman sila sa trabaho nila. Dahil katulad ko ay pangarap din nila ito. Hindi naman ako mahigpit sa kanila dahil madalas ko silang binibigyan ng break pero sila na mismo ang kusang tumatanggi to rest.
Pumasok ako sa office ko. Yes, may opisina ako sa loob ng restaurant ko. May iilan na mga gamit din ako rito at may mini-bed kung sakali man na gusto kong magpahinga.
Nanghilamos pa ako at nagpalit ng damit. White shirt and red pants na lang ang suot ko ngayon. Pinusod ko ng mataas ang mahaba kong buhok and after that ay lumabas na ako.
"Mauuna na ako, Zamie," paalam ko kay Zamie nang madatnan ko siyang tumutulong sa pag-aayos ng mga table and chair. Kahit na manager pa siya ay hindi'yan naging mataas sa sarili niya at tumutulong pa siya sa iba.
"Ingat po, chef," sabi nito sa akin and I nodded.
I checked my phone pa and my wallet sa bag ko saka ako naglakad palabas. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at pinatunog ito nang marating ko ang parking. Kaya nag-ingay ang puting Toyota ko. I smiled.
"Uuwi ka na ba?" Tumalon ang balikat ko nang may nagsalita mula sa likuran ko. Para akong aatakehin sa puso nang makita ko ang taong gumulat sa akin.
"S-Syrn? Bakit nandito ka pa?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
Hindi ko siya napansin kanina. Nakasandal siya sa hood ng blue BMW at nakasuksok ang magkabilang kamay niya sa bulsa ng pants niya. Namumungay na ang mga mata niya at mukhang inaantok na siya.
"Then now, you called me by my name. Syrn. Look--"
"Please, I'm tired. Mag-usap na lang tayo some other day. I need to go home because maaga kami bukas sa hotel. I can't talk to you right now, Syrn," ani ko at tumango-tango na siya.
"I'm sorry," saad niya.
Tuluyan kong binuksan ang pinto ng sasakyan ko pero bago pa man ako tuluyang makapasok nang ikulong na niya ako sa mga bisig niya. Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya.
"S-Syrn?" nauutal na sambit ko sa pangalan niya. Kasi literal na nakakagulat ang ginawa niya.
I never expected na yayakapin niya ako like this. Err, sino naman kasi ang hindi magugulat kung bigla-bigla kang yayakapin ng crush mo, 'no?
Pero hindi ako marupok, ha. May kasalanan siya sa akin dahil hindi siya sumipot kaya hindi niya ako makukuha sa yakap-yakap lang.
Hinawakan ko ang matigas niyang dibdib saka ko siya marahan na tinulak pero hindi siya nagpatinag. Mas humigpit lang ang pagkakayakap niya sa akin. Kaya iyong puso ko ay talagang luluwa na. Doble-doble na ang pagbilis nang t***k nito.
"I'm sorry, baby. I'm sorry, I didn't mean that," mahinang sambit niya. Napakalambing ng boses pero dahil sinabi kong hindi ako marupok ay mahirap niya akong suyuin ngayon. Mainit pa ang ulo ko sa kanya.
Nagawa ko siyang itulak nang nagpaubaya na akong yakapin niya ako and after that ay wala na siyang nagawa kundi ang dumistansya sa akin.
Naging malamlam ang mga mata niyang tiningnan ako at hayon na naman ang pagkagat niya sa bottom lip niya. Mukha siyang problemado at sa mga nakikita ko pa ay tila pagod na rin siya, na inaantok na rin.
"You need to go home too, Syrn. You're tired. Next time na lang tayo mag-usap, please? Pagod na rin ako at kailangan ko pang pumasok sa hotel bukas nang maaga," sabi ko at tumango siya na parang bata.
"Are you mad?" he asked me.
"I told you, next time na lang tayong mag-usap," giit ko pa dahil wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya ngayon.
"I'm sorry. Nakalimutan ko lang...kasi nagkaroon ako ng emergency that time," sabi niya at mukhang guilty na siya ngayon.
"Okay lang naman sa akin ang hindi matuloy ang date natin, Syrn. I understand you. I understand your work. Ang sa akin lang talaga ay iyong, sana man lang ay tumawag ka sa akin o nag-message na hindi tayo matutuloy. O kaya naman, sinabi mo na lang sa mommy mo at nag-sorry kay man lang sana kahit sa ibang tao mo pa iyon ipagsabi para sa akin. Para lang iparating sa akin ang sorry mo. Para akong nainsulto no'n, Syrn. Parang inapakan mo ang pride ko because you literally ghosted me that day. Naghintay ako, eh. Naghintay pala ako sa taong hindi na darating. Tapos magpapakita ka sa akin after two weeks? You told me na sa Sunday ka lang may free day pero ngayon, second Sunday na at kung hindi mo siguro ako nakita kanina ay hindi mo ako maaalala pa," mahabang sabi ko at may hinanakit pa. Ipinakita ko talaga sa kanya ang disappointment ko sa ginawa niya sa akin. Kaya mas lalo siyang na-guilty.
"Hindi ganoon iyon, Heaven Angel," umiiling na sabi niya at tila bumigat pa ang paghinga niya. Para siyang maiiyak at ilang ulit na ginulo niya ang buhok niya.
Dapat nga siya makaramdam ng guilt pero bakit mas doble yata ang nararamdaman niya ngayon? He looks hopeless and frustrated.
"I like you," I confessed suddenly at nakita ko ang pagdaan ng gulat sa guwapo niyang mukha.
"Gusto na kita simula nang una pa lamang kitang makita. Hindi ka naman kasi mahirap na gustuhin, eh. You're my ideal man kaya disappointed ako sa 'yo. Kaya may hinanakit ako sa 'yo, kasi first time kong i-ghost ng isang tao na sinisimulan ko nang kilalanin. Kaya ngayon may sagot na rin ako, Syrn. May doubt na rin ako na hindi mag-wo-work itong relationship natin. You're too high for me, Captain and it's hard to even reach you. I'm sorry," huling sambit ko saka ko siya tinalikuran.
Sumakay ako sa kotse ko at isinara rin ang pintuan nito. I took a deep breath.
Bumigat ang dibdib ko nang lisanin ko ang parking at sumilip pa ako sa side mirror ko para lamang matingnan si Syrn Antonio kung nandoon pa rin ba siya.
At hindi man lang siya umalis mula sa kinakatayuan niya at nakikita kong nakatanaw rin siya sa kotse kong papalayo na sa kanya.
"My God, Heaven Angel. Gusto mo lang 'yong tao pero bakit nasasaktan ka na ngayon?" tanong ko sa sarili ko kasi bigla na lang uminit ang sulok ng mga mata ko. Hanggang sa maramdaman ko ang pag-agos ng mga luha ko sa aking pisngi.
Padabog ko pang pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng kamay ko. Sumisikip ang dibdib ko, para akong nahihirapan nang huminga.
"Para kang timang, self!" sigaw ko pa at hinampas ko ang manibela ng kotse ko.
Iyong pag-agos lang ng mga luha ko ay nagsunod-sunod. Hanggang sa impit na umiiyak na ako. Na-ghost lang ako ng lalaking iyon pero bakit ganito na kalakas ng impact sa akin ang masaktan just because of that? Seriously, self? Hulog na hulog ka na ba kay Syrn Antonio?
Tapos naalala ko pa kanina na kasama niya si Serryline. Ang kababata niya. Mabuti pa ang babaeng iyon ay hindi niya nakalimutan, 'no? Sabagay iisang trabaho lang sila. Ako, kailangan pang mamalimos sa kakarampot na atensyon mula sa kanya.
THE next day ay maaga akong nagising at naghanda na rin. Dumiretso ako sa hotel namin at kompleto kami agad pagdating doon.
Bukas ang kasal ng client ni Dad. So, dahil after wedding ceremony iyon ay nagkaroon kami ng sapat na oras to prepare.
Dahil masyado rin kaming abala ay hindi namin namalayan ang oras at hanggang sa gumabi na rin.
Lumapit sa direction ko si Mervin na may dalang black coffee na mukhang binili pa sa Starbucks. Nakakapagtaka lang na nakabili pa siya gayong masyado kaming busy kanina.
"Para sa 'yo po, chef." Hindi ko iyon tinanggihan at kinuha ko na mula sa kamay niya.
Guminhawa ang nanlalamig kong sikmura nang sumimsim ako ng kape, "Lumabas ka para lang dito, Mervin?" 'takang tanong ko sa kanya. May coffee rin siyang iniinom, eh.
"Hindi po, chef. Bigay po 'yan ng lalaking kagabi na naghahanap sa 'yo," sabi niya at bigla akong napahinto.
"S-Sino?" gulat na tanong ko. Imposible naman na si Syrn iyon dahil baka may flight na naman siya ngayon.
Imposibleng maglalaan pa siya nang oras para sa akin. Eh, masyado niyang mahal na mahal ang trabaho niya. Doon siya masaya, eh.
"Iyong kagabi po na piloto. Kaanu-ano mo po iyon ulit? Manliligaw po ba o boyfriend?" nakangising tanong niya sa akin at muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Itong batang ito ay kung anu-ano na ang lumalabas mula sa bibig niya.
Pero napaisip naman ako. Since pinagkasundo nga kami ng kasal ni Syrn ay ano nga ba ang relasyon namin? Mag-fiancee? Eh, hindi naman kami officially engage. Mag-boyfriend at girlfriend? Eh, hindi naman niya ako tinanong kung gusto ko ba siyang maging boyfriend ko.
Manliligaw? Hindi naman siya nanliligaw sa akin, eh. Na-ghost pa niya ako. So, literal na wala lang kaming dalawa kaya nagagawa niya akong paasahin. Wala kaming commitment sa isa't isa.
Pero what if kaya kung manliligaw siya, 'no? May chance ba? Siguro mayroon.
"Hindi ko iyon manliligaw at lalong-lalo na hindi ko siya boyfriend," defensive na sagot ko sa kanya at nagawa ko pa siyang irapan.
"Parang boyfriend niyo po kasi, chef, eh. Paano mukhang may nagawa siyang kasalanan sa 'yo dahil sa hitsura niya. Parang problemado. Kanina pa nga iyon nangungulit sa akin kung may oras ka ba para lumabas sa kusina. Sabi ko, pagdating sa trabaho mo chef ay bawal ka naming i-disturb dahil magagalit ka sa amin. Ang sabi niya, kalaban niya rin daw pala ang trabaho mo." Hindi nag-sink in lahat sa akin ang pinagsasabi ni Mervin. Puro iling na lamang ang ginagawa ko.
Pero curious ako. Si Syrn Antonio ba kaya ang tinutukoy ni Mervin? O nagkakamali lang talaga siya? Ngunit kahit curious ako ay hindi pa rin ako lumabas para i-check kung siya nga ba talaga.
Sa halip ay hindi ko na lang ito pinansin pa. Bahala na kung si Syrn Antonio pa iyon. Wala naman na sa akin iyon.
NANG sumapit ang 3AM ay naisipan na naming magpahinga. Pinag-check in pa ni Dad ang mga kasamahan kong chef habang ako ay sa suite ako magpapahinga.
Pero dahil hindi ko masyadong naramdaman ang antok ko ay naisipan kong pumunta sa 24/7 coffee shop na bukas pa hanggang ngayon. 24/7 nga kasi.
Simpleng puting shirt at black pants ang sinuot ko. Kumuha rin ako ng jacket ko kasi usually na malamig ang hangin ngayon.
Paglabas ko mula sa suite ko ay nabigla pa ako nang si Syrn ang una kong nabungaran.
"W-What?"
Naglakad siya palapit sa akin at bumaba ang tingin ko sa dala-dala niyang bouquet of roses. Sa isang kamay niya ay may box pa, mukhang cake or cupcakes ang laman no'n.
Puting shirt din ang suot niya at black na hoodie. Pulang-pula iyong mga mata niya na tila inaantok na siya. Parang wala siyang tulog sa lagay niyang 'yan.
At may kung ano'ng kamay na naman ang kumurot sa dibdib ko nang makita ang hitsura niya. Mukha siyang stress pero hindi naman siya haggard. Guwapo pa rin siya.
"What are you doing here, Syrn?" seryosong tanong ko sa kanya at salubong pa ang kilay ko.
Huminto siya sa tapat ko at inilapit niya sa akin ang dala niyang bulaklak.
"I'm sorry. Please, forgive me, baby... Sorry na, please. Sorry na... I'll make up with you," nagsusumamong sabi niya at dahil lang sa boses niya na naglalambing ay parang natunaw ang yelong bumabalot sa puso ko.
Parang iyong galit ko ay biglang naglaho. Nasabi ko na nga na mahirap akong suyuin at hindi ako marupok pero heto at naawa pa ako sa kalagayan niya.
Isang 'sorry' lang yata ay nakuha na niya ako. God, masyado na ngang malalim ang nararamdaman ko sa kanya. Kasi hindi ko naman siya mapapatawad agad nang ganito kung...
Gusto ko lang siya. Hindi ko pa siya mahal. Tatlong beses ko pa lang siya nakita.
"This is peace offering. Please, accept this. Hindi naman kita guguluhin basta kunin mo lang ito."
"Hindi ba dapat wala ka rito, Syrn?" tanong ko sa kanya.
"Yeah," maikling sabi niya at pumungay na naman ang mga mata niya. Dahil sa tangkad niya ay nakayuko na lang siya ngayon sa akin.
"Sa Sunday ka lang may free time. What are you doing here, Syrn Antonio Lavern?" marahan na tanong ko sa kanya.
"I can't work kung may taong galit sa akin, Angel. Hindi ako napapakali kung ang mapapangasawa ko ay nagtatampo sa akin and worst, na-disappoint pa siya sa akin."
"Baby, you don't need to reach me. Kusa akong bababa."
Ano'ng pinagsasabi niya?
Napatingin ako sa sinasabi niyang peace offering. Tatanggapin ko ba? Patatawarin ko na na siya?
Marupok.
To be continue...