Chapter 9: First kiss
"T-THANK you, Syrn," nahihiya kong pagpapasalamat sa kanya. Bakit nga ba ako nahihiya ngayon sa kanya?
Dahil parang kagabi lang ay may galit pa ako sa kanya. Na sobra iyong disappointment kong naramdaman. Pero heto nga at naging marupok na ako.
Ang lakas pala ni Syrn Antonio sa puso ko. My, God.
Kagat labing kinuha ko mula sa kamay niya ang bulaklak. Nag-iinit na ang magkabilang pisngi ko at alam kong namumula na ito.
"I'm sorry again, Miss. Okay na ba tayo? B-Bati na tayo, hmm?" malambing na tanong niya sa akin at para siyang bata kung makapagtanong ng bati na nga ba kami?
Mas lalong dumiin ang pagkagat ko sa pang-ibabang labi ko dahil sa nararamdaman ko na namang kilig. Goodness.
"Don't do that," mahinang suway niya sa akin at inangat pataas ang chin ko para magpantay ang mukha naming dalawa. Hindi man lang ako nahirapan na tingilain siya dahil kusa talaga siyang yumuyuko para sa akin.
"Ha?" gulat pa ring sambit ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ang mabango at mainit niyang hininga sa mukha ko. Halos maduwing din ako sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"I'm sorry. I'll text you next time kung hindi tayo matutuloy. I'll try my best to be your boyfriend, baby," sabi niya na sa malambing pa rin na boses kaya mas lalo lang naglalaho iyong hinanakit ko sa kanya.
Dinilat ko ang mga mata ko at sunod-sunod na tumango pero napahinto rin ako dahil may nasagi iyong labi ko! Bago pa ako makaatras ay hinapit na niya ang baywang ko palapit sa kanya. Kaya parehong nagdikit ang mga dibdib namin. Mas nararamdaman ko ang init na nagmumula sa katawan niya, kahit na may harang pa iyon ng mga tela na suot-suot namin.
Namanhid ang batok ko dahil sa pagtayo ng balahibo roon nang maramdaman ko na ang malambot at mainit na labi ni Syrn na dumampi sa lips ko. Wala sa sariling napahawak ako sa laylayan ng hoodie niya upang kumuha ng suporta dahil bigla ring nanlambot ang mga tuhod ko. Isama mo pa ang lakas nang kabog sa dibdib ko na tila mabibingi pa ako o baka rin maririnig pa ito ni Syrn.
Humigpit ang yakap niya sa akin at nagawa pa niyang sipsipin, na tila kumain lang siya ng candy saka niya binitawan ang labi ko. Ilang segundo lang iyon pero parang habol-habol pa namin ang sariling hininga at nararamdaman ko pa rin ang mga labi niya sa akin.
"I like you, too," mahinang saad niya at hinalikan ulit ako sa labi. This time ay dahan-dahan nang gumagalaw ang labi niya pero dahil bago lang sa akin ang nararamdaman na ito at hindi ko rin alam kung paano siyang sabayan ay huminto rin siya. Saka niya ako hinalikan sa noo at pinagdikit ang mga noo namin. Kitang-kitang ko ang namamasa niyang labi at may multong ngiti roon.
Napanguso ako sa naisip ko na nasisiyahan siya dahil nakahalik siya sa akin agad! Ang unfair! Hindi porket ikakasal kami soon ay puwede na niyang gawin ang gusto niya. Tss.
"I'm your first, baby," amazed na komento niya at tumikhim ako saka ako nag-iwas nang tingin sa kanya.
Mabilis na dumistansya ako at pinakawalan naman niya ako. Saka ko binuksan ang pintuan at muli siyang tiningnan, na hawak pa rin niya ang box.
"P-Pasok ka," nauutal ko pang sabi at oo, inaaya ko siyang pumasok sa loob ng suite ko. Ayoko namang maging rude sa kanya dahil heto at nag-effort pa siyang puntahan ako rito para lang sa peace offering niya. Mas humaba lang ang nguso ko at narinig ko na naman ang mahihina niyang halakhak.
Saka niya ako hinila at tuluyan kaming nakapasok sa loob. Umupo kami sa malambot na sofa at mabilis na ipinahinga niya ang ulo niya sa balikat ko.
"You look tired," I commented.
"Yeah, but it's worth it. Bati na tayo, eh," tuwang-tuwang sagot niya.
Kinuha ko sa kanya ang box at maingat na inilapag iyon sa coffee table ko. Tama nga ako ng hinala na cupcakes ang laman no'n.
"Mommy's cooked that for me, for peace offering naman sa 'yo," tila proud pang sabi niya at napatango ako.
"You want a coffee?" I asked him.
"No, but thank you. I just need to sleep. Kagabi pa ako walang tulog," mahinang sagot niya at napatingin ako sa guwapo niyang mukha. Hindi naman siya mukhang walang tulog. Dahil fresh pa rin siyang tingnan. Napakaduga talaga.
"Doon ka sa bed if gusto mong matulog," ani ko at tumango lang siya saka siya tumayo. Akala ko ay didiretso na siya sa kama pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong pangkuin.
"Syrn!" gulat na sambit ko sa pangalan niya. He just chuckled at maingat na ibinaba niya ako sa bed. Kaagad naman siyang sumampa at yumakap sa akin. Namimilog pa rin ang mga mata ko sa ginagawa niya.
Hindi naman kami close pero bakit napakadali rin sa kanya na gawin ang mga bagay na ito? Parang comfortable din siya sa presense ko. Eh, ako mukha pang nahihiya sa kanya.
Inayos niya ang kumot sa katawan namin at nagawa pa niyang ipaunan sa akin ang braso niya.
"I know you're tired, too. So, let's sleep together," namamaos ang boses na sabi niya. Inaantok na nga talaga siya.
"But the cupcake, baka langgamin iyon," sabi ko.
"Hindi 'yan. Walang langgam dito sa hotel niyo," aniya.
Hinayaan ko na lang din at yumakap na lang ako sa baywang niya saka parang inaantok na rin ako.
KINABUKASAN ay mas nauna akong nagising. 9AM na rin kaya at mabuti na lang 1PM ang wedding ceremony kaya nakapaghanda pa ako para sa sarili ko.
Iniwan ko si Syrn sa loob ng suite ko at mahimbing pa rin ang tulog niya. Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi--eh? Parang ang dumi ng utak ko, natulog lang kami, 'no. Wala kaming ginawa na ano.
NANG afternoon na ay unti-unti ng dumarami ang mga visitor sa reception. Hindi ako nagpalit ng uniform ko as a chef. Black and white ito, kasi comfortable din naman ako. Lalo pa na isa ito sa minahal ko.
"Thank you, so much, Chef Angel. Nag sasarap ng foods niyo. I know na masarap at magaling din naman na magluto ang mga chef niyo sa hotel. But ikaw ang gusto namin," masayang wika sa akin ng bagong kasal kaya natuwa na naman ang puso ko.
"You're welcome po, and it's my pleasure po na maging cook niyo sa araw ng kasal niyo," nakangiti ring sabi ko at nagawa pa akong yakapin ni Mrs. Fortelajo.
"Thank you again, Chef Angel," pagpapasalamat din sa akin ng asawa niya. Family friends namin si Mrs. Fortelajo, kaya ako talaga ang ni-request niya.
Ilang minuto na muna akong nag-stay roon bago ako umalis. Free day ko na kasi tapos na ang work ko. Nang makalabas na ako sa venue ay inuunat ko pa ang braso ko kasi kanina pa ito namamanhid, dahil sa dami kong niluto na mga putahe. Eh, kahit may kasama naman akong chef ko.
Napahinto ako bigla nang makita ko si Syrn. Fresh na fresh na naman siyang tingnan ngayon at nakasuot pa siya ng uniform nila as a pilot kaya mas lalo lang siyang naging guwapo sa paningin ko. Hindi lang ako roon natigilan dahil may dala-dala na naman siyang bouquet.
Ngumiti siya nang makita ako at pinanood ko lang ang marahan na paglakad niya palapit sa puwesto ko. Matangkad naman siya pero bakit ganyan siya maglakad? Parang naging slow motion pa kaya.
When he approached me ay agad niyang ibinigay sa akin ang bulaklak at humalik pa sa pisngi ko. Kinikilig na naman ako. Iyong worms sa tummy ko ay mas gumalaw yata sa loob.
Hindi talaga ako binigo ni Syrn na pakiligin. Huwag niya lang akong i-ghost dahil ihahampas ko talaga sa kanya itong dala niyang bulaklak para sa akin. Tapos babalik na naman siya na may peace offering na. Napanguso ako.
"For you."
"Thanks," nakangiting sabi ko at inabot ko rin ang mukha niya para mahalikan ko siya sa pisngi. May tunog pa iyon na ikinatawa niya.
Parang boyfriend and girlfriend na ang turingan naming dalawa.
"You're free now, right? Let's date. This time ay hindi na kita igo-ghost," aniya at pinigilan ko na ang ngumiti.
"Do you think ay magwo-work na talaga itong relationship natin? Nagawa mo na akong i-ghost noon, Syrn. You disappoint me and I think mangyayari pa iyon," wala sa sariling sabi ko. May pakiramdam kasi ako na hindi lang iyon ang unang beses na mangyayari sa akin.
May kutob ako na mas malaking disappointment pa ang mararamdaman ko and worst baka pati ang puso ko ay maapektuhan. Baka hindi na lang pagkadismayado. Baka masasaktan din ako. Bago pa naman sa akin ang mga bagay na nagaganap sa buhay ko at baka rin ay hindi ko kayanin.
"I'm sorry dahil nabigyan na kita ng doubt. But rest assured na hindi na iyon mauulit pa. Magwo-work ito, Heaven Angel. Trust me," pag-aalo niya sa akin at kahit papaano ay naniwala ako sa sinabi niya. Pinanghawakan ko ang mga katagang iyon.
Sana lang...
***
"ARE you done?" tanong sa akin ni Syrn mula sa labas at nandito ako sa loob ng bathroom. I took a quick shower at dito na rin ako nagpalit ng dress ko. Wala akong ibang damit na dala kundi ang light blue na halter dress. Revealing ang balat ko sa suot kong ito.
Tingnan mo nga naman, oh. Iyong inakala kong first date namin ay pinaghandaan ko pa at nahirapan ako sa pagpili ng susuotin ko pero heto, ang halter na dress lang ang isinuot ko. Mukha naman siyang formal saka date ito, date.
"Yup," sagot ko at pinihit ko ang doorknob.
Nakita kong nakaupo lang siya sa paanan ng kama at mabilis na tiningnan pa ang kabuuan ko. Nag-init na naman ang magkabilang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Pero nakikita ko ang amusement sa mga mata niya.
"You're beautiful, Miss," compliment niya sa akin kaya wala sa sariling sinuklay ng mga daliri ko ang mahaba kong buhok.
"Thank you. Guwapo ka rin," ani ko at tumawa na naman siya. White polo shirt ang suot niya at blue pants. Nagdala talaga siya ng damit para makapagpalit din. Pumunta raw siya kanina sa airport para mag-report sa office nila. See? Nag-effort na naman siya para sa akin, he took his leave na naman from his work, just for me.
Si Syrn Antonio Lavern na nga ba talaga ang para sa akin? Kasi hindi ko na siya pakakawalan pa. Tunog desperate ang tono ko roon, ah. Haha. My goodness talaga, Heaven Angel.
"Here." Nagpasalamat na naman ako nang siya pa ang umabot ng sling bag ko. Tapos hinawakan pa niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin saka kami lumabas.
Naabutan tuloy ako ng mga kasama ko at binola na naman ako ni Mervin.
"Nililigawan niyo po si Chef Angel?" nakangising tanong ni Mervin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero wala lang iyon sa kanya. Napasimangot tuloy ako.
"Yeah." Eh? He's courting me ba? Chos.
"At pakakasalan pa." At dinugtungan pa niya! Humalakhak tuloy si Mervin bago siya nagpaalam sa amin.
"Saan tayo?" tanong ko sa kanya nang kasalukuyan na kaming nakasakay sa kotse niya at nagmamaneho na rin siya.
"Secret," sagot niya lang sa akin at sinundot pa niya ang tagiliran ko. Lumaki tuloy ang eyes ko dahil ang laki ng kiliti ko roon. Kahit delikado ang ginawa ko dahil baka maaksidente kami ay hinampas ko ang balikat niya. Hindi naman niya ininda. Sa halip ay tumawa lang siya.
Hay, Syrn... Nagsisimula na akong mahalin ka...
Akala ko sa mga normal na place lang ang punta namin. Normal, what I mean 'yong nakagawian ng mga couple. Kung saan na pumupunta sila sa common place for their special date. Like Mall, 'di ba? Enchanted kingdom pero nope.
Dinala niya ako sa isang lugar kung saan kitang-kita namin ang malalaking building. Hindi literal na nasa rooftop kami. Ilang minuto lang kaming umakyat ng burol then hayon.
The special place at kitang-kitang ang Manila ngayon. Napangiti ako dahil masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Napakalamig, puwede kang mag-relax dito. Parang ngayon ko nga lang din nalaman ang lugar na ito.
At iyon pala ay pagmamay-ari nina Syrn ang burol na ito. Parang gusto kong tumira o magpatayo ng bahay namin dito. Kung okay lang sa kanya, 'di ba?
May mini-cottage pa at punong-puno ng flowers. Kaya mas lumapad ang ngiti ko.
"Ang ganda rito, Syrn!" masayang sabi ko pa at inunahan ko pa siya upang makalapit na ako sa mini-cottage.
Umupo agad ako at nangalumbaba sa table. Gawa ito sa kawayan at ang ganda-ganda ng design.
Sumunod si Syrn sa akin at sinundan ko ang bawat galaw niya. May basket pala sa ilalim ng table. Parang breakfast lang ang foods at may mga fruits din. Pati cupcakes.
Bongga yata ang first date namin dahil todo effort ang Lolo Syrn Antonio niyo, guys!
Nakakakilig!