CHAPTER 10

2170 Words
Chapter 10: First date "PANG breakfast foods yata 'to, Syrn," komento ko nang inisa-isa na niyang inilabas ang foods na hinanda niya para sa amin. Kailan kaya niya ito pinaghandaan, 'no? Kakaiba rin pala siyang ka-date. Todo effort din siya. Ang suwerte ko naman kung ganoon. "That's okay," he replied and shrugged his shoulders. I smiled at him, na mabilis naman niyang ginantihan. Kaya parang malalaglag na naman ang panty ko nito. Gosh... 'Yong ngiti lang niya ay pamatay na. Ang guwapo-guwapo pa niya. "Let's eat," aniya at siya pa ang nagbigay sa akin ng plato at nilagyan iyon ng kanin saka ulam. Pang-breakfast na pang-lunch din naman ang foods. "Puwede ko bang malaman kung bakit hindi tayo natuloy sa date natin?" tanong ko. Kung hindi ko kasi iyon itatanong sa kanya ay pagdududahan ko lang siya at dapat wala kaming issue sa isa't isa. Na dapat walang secrets. Isang bagay kasi ang nagpapahigpit sa relasyon ng dalawang tao. Nagpapahigpit, what I mean is iyong relasyon niyo na hindi masisira ng ganoon kadali. Na hindi basta-bastang mapuputol ang sinulid na pareho niyong kinapitan. At iyon ang 'tiwala', tiwala niyo sa isa't isa. Iyon ang mahalaga sa isang relasyon. "I'm sorry about that, Heaven Angel. My best friend called me, because she is sick and her parents are on vacation, right now. So, she's all alone in the condo. No one will take care of her, there. Good thing she called me over the phone to tell me she was sick. I was just worried about her situation, that's why I forgot na magpaalam sa 'yo na hindi tayo matutuloy that day. I left my phone at home, anyway," mahabang sagot niya at nawala ang ngiti sa labi ko. Iyong puso ko ay nagkakagulo na naman. Parang nananakit na naman siya. Kahit two weeks na nangyari iyon ay nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang pag-aalala sa best friend niya. Mahal na mahal nga siya ni Serryline Arneth Ladonio. So, first priority ba niya ang best friend niya? At ako ay second option lamang? Mas inuna niya ang kababata niya, kaysa sa akin na future wife niya. Kaysa sa akin na alam niyang maghihintay ako sa pagdating niya. Hindi talaga niya naisip na puwede akong ma-disappoint sa kanya. Na puwede akong ma-turn off sa kanya. Pero hindi talaga, 'no? "I-Ilang araw ba siyang nagkasakit?" nag-aalanganan pa na tanong ko sa kanya. Parang wala naman sa kanya ang magtanong ako tungkol kay Serryline. "Hindi naman iyon nagtagal dahil gumaling na siya agad. Dumiretso lang ako sa airport the next day at si... Mommy lang ang natawagan ko para magpaalam na," sagot pa niya. Ngayon nakikita ko naman ang guilt sa mukha niya. "Nakalimutan mo nga talaga ako, Syrn. Kaya hindi ka nakapagpaalam sa akin. Ni text ay wala," sabi ko at mapait akong ngumiti. Naibaba niya ang spoon niya sa plate niya saka niya inabot ang kamay kong nasa table na gawa sa bamboo. "I'm so sorry, baby," sambit niya at umiling ako. Akmang babawiin ko sana ang kamay ko nang hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. "Please, ayokong magtampo ka na naman sa akin. I'm so sorry. Hindi na iyon mauulit pa, Heaven Angel. Hindi na. I promise," umiiling na sabi niya. Tama nga na marupok ako dahil mabilis ko siyang napatawad. Ewan, masyado nga talaga akong mabait sa kanya o maging sa ibang tao naman. Ganito na ako, umpisa pa lang, eh. "Wala na iyon sa akin, Syrn. Kalimutan na lang natin ang bagay na iyon at mag-enjoy na lang tayo sa date natin, okay? Mas mahalaga ang date natin," ani ko at pinisil ko ang kamay niya. Nag-aalangan pa siya pero ngumiti rin siya kalaunan. "Ipapakilala kita kay Serryline. She's my childhood, baby. She's kind at alam kong magkakasundo kayo. She's just like you," sabi niya and for the second time around. Nawala na naman ang ngiti sa labi ko at hayon na naman ang paninikip ng dibdib ko. Kailangan pa bang pag-usapan namin ang tungkol sa childhood sweetheart niya? Kailangan pa bang isali si Serryline sa usapan naming dalawa? Bibigyan pa talaga niya ng space ang ibang tao sa date namin? At kailangan pa ba niyang sabihin na magkatulad kami ni Serryline? Ano-ano ba ang mga katangian ko na nakikita niya rin sa akin ang babaeng iyon? Puwede bang makita niya ako bilang ako lang? Bilang Heaven Angel Calle? Puwede bang tingnan niya ako, na ako lang ito? At walang ibang tao ang kasing ugali ko? "S-Sige," labas sa ilong na sabi ko. Gusto ko pang bawiin iyon. Nag-usap lang kaming dalawa tungkol sa mga bagay na naganap sa buhay namin at nagpapasalamat ako na hindi na niya isiningit pa ang best friend niya. Masayang kasama si Syrn Antonio pero naiilang lang ako dahil madalas ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin. Tapos ngingiti lang siya. Gusto ba talaga niya ako? Hindi ba niya ako binibiro lang? Kasi...ngayon lang yata kami nagkasama nang matagal-tagal. Pero parang ang lalim na ng pinagsamahan namin. Pati 'yong feelings namin. NAUBOS namin ang foods sa basket, siyempre iyong fruits ay hindi pa. Kumakain na kami ngayon ng cupcake. Tumayo na muna ako para matunaw naman ang mga kinain ko sa tummy ko. Medyo lumaki nang kaunti. Busog na busog ako. "You have a big appetite. I'm glad to know that, Heaven Angel," sabi ni Syrn at napalingon naman ako sa kanya. Nasa likod ko kasi siya habang tanaw ko ulit ang Manila. Napakaganda talaga rito. "Siguro dahil chef ako, eh. Mahilig din akong kumain. So, may big appetite nga talaga ako," nakangiting sagot ko sa kanya at mas lumapit pa siya sa kinakatayuan ko. Nasa likod niya ang magkabilang kamay niya at nagulat pa ako nang may itinatago pala siyang bagay roon. Red rose! Malapad ang ngiti niya nang ibigay iyon sa akin, na excited pa akong makuha iyon mula sa kanya. Tapos ay inamoy ko ang isang tangkay ng red rose. Ang bango! "Salamat!" ani ko. "You can wait, right?" tanong niya suddenly at napatitig naman ako sa guwapo niyang mukha. "Wait for?" tanong ko naman sa kanya pabalik. "I want to achieve my goals, baby. May gusto pa akong bagay na gusto kong abutin. But let's meet twice a week. Bumalik tayo rito para mas makilala pa natin ang isa't isa." Kinikilig na naman ako sa sinabi niya. Gusto niya nga talaga ako dahil gusto niyang bumalik kami rito as a date na naman. Tapos twice a week na kami magkikita! Hindi ko tatanggihan'yan! "Sure. Walang problema sa akin, Syrn Antonio. Hindi ako magiging hadlang sa pangarap mo. May kasabihan nga riyan na; dream your dream, never rest, never doubt, until your dream is yours," I said, "But always remember this, always trust yourself no matter struggle you faced," I added. "You inspired me, baby. I'm glad that you came into my life," wika niya at hinawakan ang pisngi ko. Masuyong hinaplos niya iyon at malamlam ang mga mata niyang tinitigan ako. I can see the sparks on his beautiful eyes. "I will be inspired too, na umuwi rito dahil may Angel ang naghihintay sa akin at may Heaven kami na pinupuntahan," aniya at tiningnan pa niya ang mini-cottage, iyon ang tinutukoy niyang heaven. I chuckled. "Just wait for me until I came back, alright?" I nodded. I closed my eyes when I felt his soft lips on my forehead. "I like you, so much, Miss..." "Can you be my girlfriend?" he asked. I was surprised! Ano ang isasagot ko?! Literal na hindi pa siya nanliligaw sa akin pero papunta naman iyon, 'di ba? Wala namang masama ang sagutin ko siya agad, 'di ba? "Okay?" patanong na sagot ko pa. Mariin na naipikit ko ang mga mata ko dahil sa katangahan ko. "Okay?" natatawang inulit pa niya ang sinabi ko. "Y-Yes. You're my b-boyfriend now," nauutal kong sabi at nanginig pa ang labi ko. My heart skips a beat! "And you're my girlfriend, now. It's my first time to have you as my girlfriend." October 23, 2022. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Dahil sa date na ito ay nagkaroon ako ng boyfriend, guwapong nobyo. Special day talaga iyon dahil first date namin ni Syrn Antonio Lavern at officially na naging kami na nga for real. And Syrn is true to his words. Twice a week kami nagkikita and naging smooth ang relationship namin. As in ang saya-saya ng buhay ko. Ganito nga ang feelings na masaya ka dahil may boyfriend ka na. Naging open din naman sa akin si Syrn. Habang nasa ibang bansa siya ay nagagawa niya akong tawagan at padalhan ng mensahe. Iyong relationship namin ay masasabi kong perfect na. Pero may limitasyon din pala... *** "WOW!" masayang sigaw ko. Kasalukuyan kaming lulan ng chopper ni Syrn. Ang yaman-yaman nga niya dahil afford niyang bilhin ito. Alam kong sobrang mahal ito. Ipinapakita talaga sa akin ni Syrn ang mga bagay na minamahal niya. Kaya mamahalin ko rin ang mga iyon. 3rd monthsary namin ngayon ng boyfriend ko at naisipan ng family namin na i-celebrate ito sa Boracay. Tuwang-tuwa ang both parents namin dahil sa smooth na relationship namin ni Syrn Antonio. Kulang na raw ang kasal at magiging mas masaya na raw talaga sila for us. Ako nga ay excited na rin pero hindi dapat madaliin ang kasal. Dapat pinaghahandaan iyon. A marriage is sacred. "You like it, baby?" Syrn asked me and I nooded, repeatedly. "I love it, baby! Thank you, so much!" I said happily. Hindi rin masyadong maingay ang chopper niya dahil may headphones kaming suot-suot kaya maririnig pa rin namin ang mga boses namin. "Happy 3rd monthsary, baby," he greeted me. He's my pilot today pero nagawa ko siyang halikan sa pisngi na ikinahalakhak niya. "Please, don't kiss me habang nasa himpapawid tayo. I might lose control and kiss you right here, right now," aniya. "Eh, 'di patay tayong dalawa riyan!" natatawang sabi ko at sumeryoso ang bukas ng mukha niya. "Please, don't say that, baby. Hindi ka mapapahamak habang ako ang kasama mo." Err, kinikilig na naman ako. Naglibut-libot lang kami and after that ay bumaba na ang chopper niya. Nang matanggal niya ang headphones namin pareho ay siniil pa niya ako nang mariin na halik. Na buong puso ko namang ginantihan. Tumigil lang kami nang parehong nauubusan na kami ng hininga. "I love you, Syrn," I whispered after the kiss. As usual, ang ngiti at pagtango niya lang ang isinasagot niya sa akin sa tuwing sinasabi ko sa kanya na mahal ko siya. Oo, mahal ko na siya. Mahal ko na si Syrn Antonio Lavern. Kung kailan nagsimula? Hindi ko alam. Basta isang araw ay naramdaman ko na lang iyon. Ganoon naman ang pag-ibig, 'no? Hindi natin malalaman ang 'saktong oras o araw kung kailan mo ba minahal ang isang tao. Basta ang alam mo ay siya na, siya na talaga. Na siya na talaga ang tinitibok ng puso mo. At ang pagmamahal ay wala ring dahilan. Pero hindi ko mapigilan ang masaktan dahil sa loob ng tatlong buwan na naging kami ay wala siyang sinasabi na mahal niya rin ako. Hindi ko rin ramdam kung pareho na ba kami ng nararamdaman. Maliban sa nalaman ko na gusto niya lang ako. Umaasa kasi ako, na sana ay marinig ko rin na sabihin iyon sa akin. Na sana naman ay hindi ang, 'gusto lang kita', ang isasagot niya sa akin sa tuwing sasabihin ko rin sa kanya na mahal ko siya. "SHE'S Serryline Arneth Ladonio. Baby, she's my childhood and best friend at the same time. And Serry, meet my girlfriend, Heaven Angel Calle," pakilala ni Syrn sa amin ni Serryline. Yeah, he invited his childhood sweetheart na pumunta sa Boracay at maki-celebrate sa amin. Sa loob ng three months ay ngayon lang kami nagkaroon ng time na makilala ang isa't isa. At hindi nga ako nagkamali, mas maganda sa personal ang kababata niya. Walang halong biro. Tila ako pa ang mahihiya na tabihan siya. Dahil parang hindi ko siya kayang abutin, o baka hanggang talampakan niya lang ako. Just like my boyfriend, Syrn Antonio. She's hard to even reach her too, she's too high for me para maging kaibigan ko rin siya. My insecurities are eating me again... I felt a pang in my chest. "Hi, Angel. Ikaw pala ang girlfriend ni Syrn. Hindi ka masyadong naikuwento sa akin nitong boyfriend mo. He's too busy sa work niya," marahan na sabi niya at ang boses, napakalambing din. Parang isa siyang prinsesa kung magsalita dahil napakarahan no'n. Pero hindi ko masyadong nabigyan nang atensyon iyon. Dahil nanikip ang dibdib ko sa sinabi niyang hindi ako naikuwento ni Syrn sa kababata niya. Wala itong idea kung sino ako sa buhay ni Syrn. Wala siyang kaalam-alam na may girlfriend na nga ang boy best friend niya at ako iyon. Pero ang akala ko na smooth relationship and almost perfect? Unti-unting nagkakaroon ng lamat. Madalas ay hindi natutuloy ang set up date namin ni Syrn at mas naging busy siya. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD