Chapter 11: Break-up
NASA waiting area ako ng airport upang hintayin ang pagdating ni Syrn Antonio. Noong hindi pa kami magkarelasyon ni Syrn ay sa Sunday lang siya may libreng araw pero dahil mas gusto niya ang magkita kami palagi ay maging sa Saturday ay naging day off na niya. Ganoon siya ka-effort noon sa akin.
Sunday ngayon, kahapon pa ako naghihintay sa kanya. Siyempre naman kababalik ko lang. Nagtanong naman na ako sa kanya kung makakauwi ba siya kahapon pero ang sabi niya ay hindi. Dahil baka raw 'bukas' na which is ngayon na.
8AM ang uwi nila, siyempre biyahe iyon mula sa bansang kinaroroonan nila ngayon at papunta sa Philippines.
Pero ngayon ay 10AM na. Hindi ko alam kung bakit hinihintay ko pa siya rito kahit alam ko naman na walang Syrn Antonio na naman ang darating.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Palagi na lang kaming ganito. Ako na babae pa ang nag-adjust para sa relationship namin pero siya?
Feeling ko ay wala naman siyang ginagawa para sa relasyon na ito. Napapaisip tuloy ako kung ano ba ang totoong mayroon kami ni Syrn?
Pinapahalagahan niya kaya ang relationship na ito? Dati naman ay binibigyan niya nang oras ang date namin pero ngayon, napaka-busy na niya na halos ako ay makalimutan na niya.
Nagbalik sa realidad ang aking sarili nang maramdaman ko ang vibration sa bulsa ng pants ko. I checked my phone.
Si Syrn.
"?????, ????. ? ???'? ???? ?? ?????. ???'? ???? ???? ????? ???."
Hindi naman ito ang unang beses na ginawa ng boyfriend ko sa akin. Nakailang text na rin siya na hindi siya makakarating. Ang dahilan niya? Hindi ko alam, busy lang daw siya.
Nagtataka nga ako kung minsan na, maliban ba sa pagmamaniobra niya ng eroplano nila ay ano pa ang isang bagay na pinagkakaabalahan niya at kailangan pa niya akong babalewalain?
Alam kong masama ang magduda, masama ang mag-isip ng bagay na maaaring makakasira sa isang relasyon pero hindi natin maiwasan ang bagay na iyon.
Hindi natin maiwasan ang pagdudahan ang lalaking mahal natin. Lalo pa at wala siyang sinasabi sa 'yo. Wala kang pinanghahawakan.
Kasi kung pangungunahan ka ng pagdududa ay roon magsisimula na mawawala ang tiwala mo sa kanya.
Muli akong humugot nang malalim na hininga at ngumiti ng mapait.
Hanggang kailan kaya ako magiging second option niya lang? Kailan ko kaya mararanasan ang maging first priority naman ako ng boyfriend ko? Kailan?
Bagsak ang aking balikat nang bumalik ako sa resto ko ngunit hindi rin ako nakapagtrabaho nang sinumpong na naman ako ng p*******t sa tiyan.
Napapansin ko na habang tumatagal ang panahon ay mas nararamdaman ko ang p*******t ng tiyan ko. Kahit wala naman akong kinain na ano para lang magkakaganito ako, na halos araw-araw pa.
Sa gabi ay nararamdaman ko rin ang sakit na ito at nahihirapan akong makatulog. Para kasing hinahalukay ng kung ano ang tiyan ko. Parang nasusunog na ano.
"Ikaw na muna ang bahala rito, Mervin," mahinang utos ko kay Mervin nang madatnan ko siya sa kitchen kasama si Azzi. Nandito naman na ang manager namin kaya okay lang ang mag-leave ako sa trabaho ko.
"Namumutla ka na naman po, chef. Sure ka po bang wala kang sakit?" nag-aalalang tanong sa akin ni Mervin. Tipid na ngumiti ako at umiling.
"Okay lang ako, Mervin. Sige na bumalik na kayo sa trabaho niyo."
Aalis na sana ako nang pinigilan ako ni Azzi, "B-Bakit po may pasa k-ka sa braso mo, chef?" nauutal na tanong ni Azzi. Siyempre normal na pananalita niya ang ganoon.
Napatingin ako sa braso kong itinuro ni Azzi. Naka-white blouse lang ako ngayon kaya makikita talaga ang braso ko.
Agad na dinapuan ako nang pagtataka at bumilis ang t***k ng puso ko. Saan ko ito nakuha?
May nangyayari ba sa akin ng hindi ko namamalayan? Hindi naman ako nagkaroon ng aksidente para lang makakuha ng maraming pasa. Tumama ba ang braso ko sa pader?
Ah, hindi ko alam. Naguguluhan ako.
"T-Tumama lang sa pintuan ng kuwarto ko. Wala lang ito, Azzi. Nalagyan ko na ito ng yelo," pagdadahilan ko kahit na walang katotohanan iyon.
Mariin na tiningnan ako ng dalawang empleyado ko pero muli akong umiling sa kanila saka ako nagpaalam na aalis na.
Bumalik ako sa sasakyan ko at sinuri lahat ang pasa ko sa magkabilang braso ko. Ang iba ang umabot ito sa balikat ko. Halos manginig ang mga kamay ko na hinawakan ko isa-isa ang mga pasa ko.
Hindi naman siya masakit kaya sigurado ako na hindi ako naaksidente o hindi ako nahulog mula sa kama ko habang natutulog ako.
Pinilig ko ang ulo ko dahil ayokong mag-isip ng kung ano-ano. Matatakot lang ako.
Kinuha ko na lang ang phone ko at tiningnan ang f*******: account ni Syrn Antonio. Oo, may f*******: siya at friends na kami. Madalas ay ro'n kami nag-uusap at doon lang din ako nakakakuha ng update kung saan siya nagpupunta. Madalas din naman kaming mag-video call.
May bagong update si Serryline. Parang pinupukpok ng martilyo ang dibdib ko nang makita ang litrato nilang dalawa. Kuha ito mula sa isang restaurant at parang dinner time pa nila ngayon.
Syrn, wala lang ba talaga sa 'yo si Serryline? Hindi mo nga ba siya gusto hindi bilang kaibigan mo lang?
Dahil sa sama ng loob at pinaghalong selos ay hindi ko mapigilan ang umiyak. Selos na selos na ako at gustong-gusto ko na bigyan naman ako nang oras ni Syrn. Parang hindi siya vocal sa relationship na ito.
Nag-drive ako ng kotse ko kahit wala ako sa sarili kaya muntik na akong makabangga kung hindi ko lang mabilis na naapakan ang break ay baka...
Pero dapat may tiwala pa rin ako kay Syrn. Dapat hindi ko siya pagdududahan.
LUMIPAS ulit ang isang linggo at Saturday na naman. Sa airport ako unang pumupunta. Napabayaan ko ang trabaho ko at parang lumalabas akong desperada.
Mahal ko lang naman si Syrn. Mahal ko ang boyfriend ko kaya ako ang nag-e-effort ngayon.
Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko na siyang lumabas pero iyong puso ko ay tila mahuhulog na naman dahil sa nararamdaman na sakit.
"Syrn," tawag ko sa pangalan ng boyfriend ko. Napangiti ako dahil nakita ko na ulit siya.
Agad naman siyang lumapit sa akin at katulad nang madalas niyang nakagawian ay niyayakap niya ako pero hindi katulad nang dati na mas matagal.
Bigla rin naman siyang kumalas sa pagkakayakap niya sa akin.
"I'm sorry, pero... Kailangan kong bumalik ulit sa airport. May flight kami agad. Thirty minutes lang, Heaven Angel," agad na sabi niya. Parang nagkakaroon na ng butas ang puso ko dahil wala na itong tigil sa paninikip at p*******t.
"Hindi ba free day mo ngayon?" tanong ko sa kanya at napabuntong-hininga naman siya. Parang nahihirapan siyang magsalita.
Hindi niya rin ako matingnan nang diretso sa mga mata. Iniiwasan alo. Parang nahihirapan talaga siya, eh.
"Syrn..."
"I'm sorry, Angel. Pero kasi gusto ulit ng senor namin na hingin ang Saturday time ni Syrn. So, sa Sunday lang ang day off niya." At si Serryline na ang nagsabi para sa kanya.
Tipid na ngumiti ako sa kanila, "Naiintindihan ko naman, Syrn. A-Ayos lang sa akin na ganito tayo palagi," sambit ko at doon lang ako natingnan nang diretso ng boyfriend ko. Nakikita ko ang hirap at sakit doon.
"Katulad nang sinabi ko sa 'yo, Syrn. Hindi ako magiging hadlang sa pangarap mo. Sundin mo ang kung ano ang sinisigaw ng puso mo. Okay lang sa akin ang maging second priority." O baka third or fourth priority lang ako?
Hindi pa naman ako nauubos ngayon, Syrn. Kaya keri ko pa ang lahat. Lumalaban pa rin ako para sa relasyon na ito. Huwag lang talaga ako na maubos. Dahil bibitawan ko agad ito kung walang patutunguhan ang huwad na pagmamahal mo, Syrn.
***
SA cabin nilang sa airport lang kami nag-stay at hinintay na maubos ang ilang minutong ibinigay sa kanya. Hindi pa sapat sa akin.
Dinalhan ko siya ng breakfast for him, "Bukas ulit tayo magkikita? Dadalhan ulit kita ng breakfast mo. Gusto mo pati snack and lunch din?" marahan na tanong ko sa kanya at tinanguan niya lang ako.
"It's time." Sa sinabi niya lang ay parang binabalutan na ako ng lungkot.
Natapos na ang thirty minutes at babalik na siya. Maghihintay na naman ako sa kanya.
***
NAPANSIN ako ni Mommy na mukha raw akong malungkot kaya kahit ayokong sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ng boyfriend ko ay napakuwento ako sa kanya.
"Intindihin mo na lang si Syrn, anak. Busy lang siya at alam mo naman na para lang din iyon sa inyo," ani Mommy sa akin.
"Naiintindihan ko naman po, Mommy. Pero bakit ramdam ko na second option lang talaga ako? Parang wala ako sa priority niya at napapatanong ako sa sarili ko kung saan ba ako lulugar sa kanya? Kung saan ba ako lulugar sa buhay ni Syrn? At bakit hindi ko maramdaman ang pagmamahal na iyon, Mommy? Parang ako lang naman ito ang nagmamahal sa isang tao na hindi kayang pahalagahan?" Sabagay hindi naman sinasabi sa akin ni Syrn na mahal niya ako.
Ako lang ang unang nag-confessed sa kanya na mahal ko siya, na mahal ko na siya. Wala siyang sinasabi kaya nararamdaman ko rin na tila wala lang din ako sa kanya.
"Ganyan ang relasyon ng dalawang tao, anak. Ganyan na ganyan siya at sinusubok lang kayo ng tadhana. Kung hanggang saan at kailan aabutin ang paghihirap at pagtitiis niyong dalawa? Alam kong mahal ka ni Syrn."
Sunud-sunod ang pag-iling ko, "Hindi ko maramdaman, Mom. Ni hindi ko maramdaman ang bagay na iyon." Hindi ko nakayanan ang pag-uusap na iyon dahil umiyak ako sa balikat ng nanay ko at parang lahat ng hinanakit ko sa dibdib ay inilabas ko.
"Lumalaban pa rin ako, hindi lang para sa relasyon na ito. Para sa kanya rin, Mommy. Lalaban ako hangga't kaya ko pa at hindi pa ako nauubos ngayon.
***
PERO siguro nga na ang lahat ng bagay ay maraming dahilan. Hindi lang kayang ipaliwanag.
At ang isang relasyon ay madalas nasasayang at binibitawan sa huli. Masisira at mauuwi sa wala, kung isa lang din ang lumalaban sa inyo.
Kung isa lang din ang lumalaban para hindi mawasak ang relasyon na pati ang sarili niya ay isinugal.
Bagong karanasan ko lang ang umibig. Kaya lumalaban ako pero ngayon ay hindi na.
Iyong akala mo na siya ng talaga ang lalaki para sa 'yo. Ang lalaki na makakasama mo habang buhay at ang lalaki na sigurado kang hindi ka masasaktan at maiiwanan sa ere.
Kaya nga nasasabi ko na ang lahat ng bagay ay may dahilan.
Sa una lang ako pinakilig ni Syrn Antonio Lavern. Sa una lang ako nakaramdam ng labis-labis na saya at akala ko ay smooth relationship na ang mayroon sa amin. Walang break-up ang magaganap.
Pero totoo nga ang kasabihan ng lahat, ika nila; ang isang kasiyahan ay siya ring kakambal ng kalungkutan.
Huwag kang masyadong mag-expect sa isang bagay dahil mauuwi lang sa sakit at lungkot.
***
"ANO'NG nangyari sa atin, Syrn?" umiiyak na tanong ko sa kanya nang sinabi niya sa akin na kailangan na naming huminto.
Kung inosente ka pagdating sa bagay na iyon ay alam kong hindi mo agad makukuha ang ibig niyang sabihin.
"P-Parang hindi ko pa kaya. Parang ang hirap pa..." Sa totoo lang ay hindi ko na siya maintindihan. Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya.
Pero isa lang ang malinaw sa akin. Sumusuko na siya.
"Ano ang hindi mo pa kaya? Saan ka nahihirapan?" I asked him. Nag-iinit ang magkabilang sulok ng mga mata ko kahit paunti-unti nang tumutulo ang mga luha ko roon.
"I feel like, I don't deserve you, Angel. You're too good to be true."
"Hindi ba ako enough sa 'yo?" back up na tanong ko sa kanya.
"You're more than enough, Angel. Ako lang ang hindi sapat para sa 'yo. Ni hindi kita mabigyan ng time. I'm sorry. Ako lang ito ang may kulang, ako lang ito ang hindi sapat..."
"L-Lalaban pa rin ako para sa relasyon na ito, Syrn. Lalaban ako para sa atin," basag ang boses na sabi ko. Masyado ko siyang mahal at masakit ang bibitawan ko lang siya ng ganoon kadali.
"I'm sorry... Please, no. You deserve better, baby. I'm not a deserving person lalo pa na mas inuuna ko ang sarili ko. I'm a selfish. I'm sorry..."
"Ako ang nag-adjust para sa relationship natin, Syrn. Pero bakit? Sana sa una pa lang ay sinabi mo na sa akin na hindi mo ako kayang panindigan. Na sana sa una pa lang ay sinabi mo nang walang pakikitunguhan itong pagsasama natin. Syrn, hindi ko kailangan ng taong magiging enough para sa akin. Hindi ko kailangan ang lalaking magsasabi lang sa akin na siya itong may kulang. Mahalin niya lang ako at huwag gawin na second option lang. Iyon lang, Syrn, iyon lang."
"Dahil sa sinabi mo ay parang napipilitan ka rin na pakisamahan ako. Mahal kita kaya ginagawa ko ang lahat para sa 'yo."
"But I want a break-up, sorry."
To be continue...