CHAPTER 12

2160 Words
Chapter 12: Heartbreaks HINDI lang doon natapos ang laban ko dahil pinipilit kong ibalik ang dati. Pinipilit kong inaayos ang nasirang relasyon pero siya na rin naman ang nagsabi na 'tama na, tigil na' at ako lang ang masasaktan sa huli. Na ako lang talaga ang masasaktan dahil ako lang din ang nagmamahal. Ako lang ang mag-isang lumalaban. ???? ????????? ??? ?????? ?? ????? ???????? ?? ˋ???? ??? ????. ????? ????? ?? ?? ??? ????? ?????????. Ngunit paano mo pa magagawang ayusin ang tila salamin na nabasag na ng paulit-ulit? Hindi na, kahit ano pa ang gawin mo. "Sinasabi mo lang ba sa akin na hindi ka sapat o iyong kababata mo lang talaga ang mahal mo?" umiiyak na tanong ko sa kanya. ???????? ??ˊ? ????????? ?? ???? ?? ????? ??ˋ? ??????-???? ?? ????????? ?? ˋ???? ??????????? Hindi niya ako sinagot. Kung ganyan na nanahimik lang siya ay totoo na si Serryline Arneth Ladonio ang isa sa dahilan kung bakit ayaw na niya. "M-Mahal mo na ba siya, Syrn? Kaya ba every time na sinasabi kong mahal kita ay wala akong nakukuhang kasagutan mula sa 'yo?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya. "Ngiti at tanging pagtango lang?" I added. "I'm sorry." Sorry na naman. Iyon na naman ang sinasabi niya sa akin. Guilty na naman siya kasi alam kong wala akong puwang sa puso niya. ?????? ??? ????? ?? ??? ????? ???? ?????????? ????? ????? ?????? ?????? ????? ?????????? ????????? "Mahal mo na nga siya dahil kung hindi. Wala kayong pictures frame sa loob ng kuwarto mo," sabi ko at doon lang siya napatingin sa akin. Bakit namumula ang mga mata mo, Syrn? Bakit umiiyak ka? Dahil nagawa mo na akong saktan ngayon? Dahil pinaasa mo ako na magwo-work itong relasyon na ito? Na halatang napipilitan ka lamang. Nakikita ko rin na pinipili mo siya kaysa sa akin. "S-Sorry pala kung pumasok ako sa loob ng kuwarto mo, ah. Si A-Aunt Serine kasi pinapasok ako sa room mo. M-Magiging kuwarto k-ko rin naman iyon," kuwento ko sa kanya. May kasamang mahihinang tawa kahit na umiiyak pa ako. "Heaven..." "At doon ko nakita kung gaano kahalaga sa 'yo ang kababata mo. Alam mo ba, sa tagal na panahon kong nabubuhay sa mundo? Ay hindi ko naranasan ang makaramdam ng inggit. Dahil parang nasa akin naman ang lahat... Not until nakita at nakilala ko ang best friend mo. My insecurities are eating me, Syrn." "D-Doon ko lang din nalaman ang lahat, na kaya ka ganyan sa akin. Na kaya ganyan ka kabait sa akin noong una dahil nakikita mo sa akin si Serryline. Kaya nahihirapan kang magtrabaho dahil alam mong may isang taong nagtatampo sa 'yo ay para mo na ring na-disappoint ang kababata mo. K-Kaya ka ganoon sa akin, kaya ka nagkagusto sa akin dahil mahal mo siya..." "Malaya ka naman na mahalin mo siya, Syrn." "Naiintindihan ko at sorry k-kung naging makulit na ako sa 'yo. I'm so sorry." Titigil na ako sa pagdadala ng breakfast, lunch and snack niya. Titigil na ako sa paghihintay sa kanya sa airport at iyon ang gagawin ko. Dahil siya na ang nagsabi na ayaw na niya sa relasyong ito. "Can I hug you for the last time, Syrn?" I asked him. Gusto kong mayakap siya. Gusto kong mayakap siya kahit masakit. Dahil ito na ang huli. ????? ?? ???????? ???? ?? ????? ???? ?? ??? ???????? ?? ????? ?????? ????? ????ˊ?? ??????? ???????? ??? ???? ?? ????? ?????? ???????? "Yes," sagot niya at kahit papaano ay natutuwa ang puso ko. ?????? ?? ????? ??????? ?????? ?? ????? ???????, ?? ??????? ?? ???? ????????? ?? ????? ?? ???-???? "M-Mahal lang talaga kita kaya mahirap kang bitawan, Syrn. P-Pero kung hindi na talaga puwede. Kung ayaw mo na talaga ay sige... Hihinto na ako," malungkot sa sabi ko na halos humagulgol ako sa kanya. Mariin na naipikit ko ang mga mata ko at dahil sa mahigpit at mainit na yakap niya sa akin. Ang sakit isipin na ito na ang magiging huling makukulong ako sa mga bisig niya. Huling yakap ay magiging sapat na sa akin. "Thank you, Syrn. Thank you for spending your time with me. I love you, and please, take care of yourself... I'm Heaven Angel, and I will always be your angel. I love you." ??????? ?? ???????? ??????? ???ˊ? ???????? ???? ???????? ?? ???????? ??? ????? ?????? Sobrang sakit pala ang magmahal, 'no? Parang hihimatayin kita. Ang bigat-bigat sa dibdib. Ang bigat-bigat nang paghinga ko. Tila paulit-ulit na sinasaksak ng patalim ang dibdib ko. First love, ganito siya kasakit na ang hirap umahon sa malalim na dagat na punong-puno ng sakit at lungkot. "Mahal ko siya... M-Mahal na mahal ko siya..." paulit-ulit na sambit ko at kahit mahirap ang umalis. Na kahit ayokong bitawan si Syrn ay ginawa ko pa rin. Ni hindi ako lumingon nang naglakad ako palayo sa kanya. Dahil baka hindi ko kaya at muli akong magmamakaawa sa kanya na tanggapin niya ulit ako. Na maiintindihan ko naman siya. Na kaya ko pa rin ang maghintay. Na handa ulit akong maging second option niya lang. Na kaya ko pa ang sakit na ito pero hindi rin. Dahil nakikita kong nahihirapan din siya. Dahil alam kong mas masasaktan niya lamang ako. Mas kakainin lang siya ng guilt niya. Dakilang paasa nga talaga si Syrn Antonio Lavern. Nawala ang dating Syrn na nakilala ko na nag-effort sa akin para lamang suyuin ako at huwag ng magtampo sa kanya. Ang makipagbati sa akin at magdadala ng peace offering. Masakit nga talagang mahalin ang isang katulad niya na kay hirap abutin kahit siya ang kusang bumababa. THE next day ay bumisita sina Aunt Serine at Uncle Antoner. Nagulat pa ako pero personal na sinabi nila sa amin na walang kasal ang matutuloy this year. Na hindi na kami ikakasal ni Syrn. He totally rejected our supposed to be marriage. He told to his parents that's he's not deserving para lang mahalin ko siya. He even told them na mas mahal niya ang trabaho niya. I understand. "I'm sorry, Hervin, Ange," umiiyak na sambit ni Aunt Serine. Naintindihan at tinanggap naman ng parents ko ang naging desisyon ni Syrn. Kasi nakikita nila ay ganoon din ako. Na tanggap ko ang lahat. "I am sorry, Angel..." Yumakap sa akin nang mahigpit si Aunt Serine. Mugtong-mugto iyong mga mata ko dahil sa kaiiyak ko mula pa kagabi. "S-Siguro po ay hindi lang kami ang para sa isa't isa, Aunt Serine. Pero po... M-Mahal na mahal ko talaga ang anak niyo..." ani ko at narinig ko ang impit na pag-iyak ni Mommy. Sina dad at Uncle Antoner ay tahimik lang nagmamasid sa amin, "You can do this, dear. Ikaw talaga ang gusto ko para sa anak ko... Pero... I'm so sorry..." "Makakahanap pa rin po ako, ng l-lalaking kaya akong panindigan, ng lalaki na hindi lang ako ang magiging last priority niya. Na hindi lang siya, mapipilitan na pakisamahan ako, Aunt. But Syrn is my greatest love. Ang hirap po niyang kalimutan... Mahal na mahal ko po talaga siya..." *** "HINDI ka ba sasama sa amin, anak?" tanong sa akin ni Mommy. Birthday ngayon ni Syrn Antonio. Bago umalis ng bahay ang parents ni Syrn ay in-invite pa niya kami na dumalo sa birthday ng anak niya. Kahit hindi na matutuloy ang gusto nila para sa future namin ni Syrn. "Magiging abala po ako mamaya, Mommy. Saka wala na po akong dahilan para pumunta pa," ani ko at nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa maamong mukha ng nanay ko. Para na naman siyang maiiyak. Maiiyak dahil sa sitwasyon ko. "Pero, anak... Kahit para na lang sa Aunt Serine at Uncle Antoner mo." "Masasaktan lang ako kapag nakita ko siya, Mom. Ayoko na po, nagmo-move on na po ako sa kanya." Tumango lang si Mommy at yumakap lang din siya sa akin bago sila nagpaalam na aalis na. Sa huli ay umiiyak na naman ako sa loob ng kuwarto ko pero gusto ko talaga siyang makita. Miss na miss ko na siya agad. Alam kong isang katangahan ang gagawin kong ito. Nagpalit ako ng wrap dress at inayos ko ang sarili ko. Tinungo ang mansion nila. Nasa labas pa lang ako ay maririnig na ang masayang pagdiriwang nila sa birthday ni Syrn. Pumasok ako sa loob at marami ngang tao, siguro iyong mga invited guests nila. Since wala naman masyadong kamag-anak si Syrn. Kahit masakit ang makita siya ay kinaya ko at wala rin naman akong balak na magtagal pa rito. Gusto ko lang siyang batiin pero nagbago ang isip ko nang makita ko siya kasama si Serryline. Sa pool area ginanap ang birthday party niya dahil mas malaki ang space roon pero nadatnan ko sila sa may garden. Magkatabi silang nakaupo sa bench at parang ang seryoso nila. Nag-confess na kaya si Syrn kay Serryline? Ang sakit sa puso ang makitang magkasama silang dalawa. Paulit-ulit na nasasaktan ako. Bumaba ang tingin ko sa regalo ko for him. Napangiti ako nang mapait at pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. "You can do this, Heaven Angel. You'll be fine, after this..." pagkakausap ko sa sarili ko pero nagsunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa hikbing nais din na kumawala. Ayokong marinig nila ang pag-iyak ko. Ayokong makita nila akong ganito. Ayokong kaawaan nila ako. Hulog na hulog talaga ako kay Syrn at parang mahihirapan pa ako na kalimutan siya. Kaya sa huli ay hindi ko sinubukan na lumapit sa kanila lalo na nang makita ko ang pagyakap nila at hindi lang iyon... Hinalikan ni Syrn si Serryline. Halos hindi ko na nga makita ang paligid dahil sa pag-uulap ng mga mata ko. Dahil ito sa mga luha ko. Ang sakit-sakit malaman ang katotohanan na may mahal siyang iba at ikaw ay pinaasa lang. Pero wala na palang mas ikakasakit sa makikitang magkasama sila, na sila lang dalawa at mukhang nagkakamabutihan na rin sila. Nabitawan ko ang regalo ko at patakbong lumabas ng mansion. Hindi ko na kayang makita pa... Hindi ko na kaya... Sa Heaven's ako unang tumungo at doon umiyak nang umiyak na naman hanggang sa nakaramdam na naman ako ng p*******t ng tiyan ko. Hindi ko nakayanan ang sakit na iyon dahil pakiramdam ko ay mamamatay ako. Hindi ko alam... Kaya bago pa ako mawalan nang malay ay tinawag ko ang isa sa empleyado namin. "M-Mervin... Mervin... Azzi... Zamie..." Lahat na yata ng kilala kong empleyado ko ay tinawag ko na. Ang huli kong naalala ay ang pagbagsak ko sa sahig at tuluyan akong kinain ng kadiliman. Nagising na lamang ako na nasa loob na ako ng hospital room. Unang bumungad sa akin ang nag-aalang mukha ni Azzi. "M-Mervin. G-Gising na si C-Chef Angel!" tawag pansin niya kay Mervin at narinig ko pa ang nagmamadaling footsteps nito palapit sa hospital bed ko. "Gising na si chef. Tatawag lang po ako ng doctor!" sabi nito at kahit nagising na nga ay nagmumukha pa siyang natataranta. May pinindot sa bed si Azzi at bahagyang tumaas ang bandang likuran ko kaya parang nakaupo na rin ako. Ramdam ko ang pamimigat ng katawan ko, "What happened, Azzi?" I asked her. "H-Hinimatay po kayo k-kanina... D-Dinala ka po namin sa... h-hospital. A-Ayos lang po b-ba kayo, chef?" tanong niya sa akin. Napahawak ako sa tiyan ko. Grabe iyong sakit kanina. "I'm fine, Azzi," nanghihina pang sambit ko at hindi nagtagal ay pumasok na si Mervin na kasama ang doctora. "You're awake now, thirteen hours ka rin tulog." 13 hours?! Wala sa sariling napatingin ako sa digital clock na malapit lang sa bed at 9AM na ng umaga! Nag-panic agad ako dahil hindi ako umuwi kagabi. Baka nag-aalala na sa akin ang parents ko. "I need to go home," sabi ko at inilingan ako ng doctora. "Sorry kung inunahan ka na namin pero we took your blood sample para masuri namin ang kalagayan mo. At lumabas agad ang result in 10 hours pero kailangan pa rin namin suriin ang katawan mo kung may abnormalities ka pa bang nararamdaman. Aside from nananakit ang tiyan mo. 'Yang mga pasa mo ay nakuha mo 'yan sa sakit na Stomach Cancer. Kailangan mong isalang sa operasyon, as soon as possible bago pa maging stage 4 ang sakit mo." Tila nabingi ako sa mahabang pahayag ng doctor. Ano'ng sakit?! Ano'ng Stomach Cancer?! Wala akong sakit! At bakit nasasabi niya 'yan, eh 10 hours lang ay lumabas na ang resulta ng blood test ko?! Seriously? "Wala akong sakit!" mariin at matigas na tanggi ko. Tinanggal ko ang dextrose sa palapulsuhan ko at mariin na naipikit ko ang mga mata ko dahil sa naramdaman na kirot. "Miss Calle," nag-aalanga pigil sa akin ng doctor. Umiling ako sa kanya at may tumulong luha agad sa mga mata ko. "Chef Angel..." "W-Wala akong sakit... Please, wala... Wala lang 'to..." After that scene, I escape from our house... To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD