CHAPTER 15

2403 Words
Chapter 15: Greatest Love "SAAN na po siya nagpunta, Aunt Angelina?" tanong ko at umaasa pa rin ako na sasagutin niya ako, na alam na niya ang whereabouts ng kanyang anak pero tanging pag-iling lang ang isinagot niya sa akin. Tila may bumara sa lalamunan ko at mabilis na nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko. "I-Ito lang ang i-iniwan niya sa amin, hijo," umiiyak pa ring sabi ni Aunt Angelina at nanginginig ang kamay niyang inabot sa akin ang letters. "I'm sorry po, Aunt," nagsisising sabi ko at marahan na niyakap siya na tila mawawala na ang sakit na nararamdaman niya dahil sa pagkawala ng kanyang anak. Humagulgol siya at tinatawag ang pangalan ni Heaven Angel. Where are you, baby? Oh, God... Saan namin siya mahahanap? "Iyong a-anak ko... Miss na miss ko na siya... H-Hindi ako mapanatag sa kalagayan niya, Syrn. P-Pakiramdam ko ay hindi siya maayos ngayon. Kahit sinabi niyang ayos lang siya at babalik din... Pero limang buwan na ang nakalipas..." "K-Kasalanan ko, Aunt. Kasalanan ko po ang lahat," garalgal ang boses na sabi ko at tila naging ulan na rin ang mga luha ko. ???? ???, ???. ????? ?? ???? ????? ?? ??? ????????????? ?? ?? ???? ?? ????????. ?? ?????? ?? ?? ????? ???? ??????? ?? ????? ?????. ?????-?????? ???? ?? ???. ??????? ?? ?? ???? ?? ????? ?????? ?? ???. ???? ???????, ???????. ????! ??? ???'? ????? ??, ??????? ??? ?? ??? ??? ?'?? ?? ????. ??????, ????? ?? ?? ?????? ???-????? ?? ????, ??? ? ???? ??? ?? ?? ????? ?? ???? ??????? ?? ???? ?? ??? ??? ??????-????? ?? ???? ?? ????? ????? ?? ???? ??? ?????? ??????? ??. ???, ???, ?????? ???????? ????. ????? ?? ????? ?? ?? ???? ?? ??? ?? ??? ??? ?????? ????? ???? ????? ???? ?? ?? ??? ?? ???? ????. ???????? ??? ?? ???? ????? ??????? ??? ???? ??????, ?????? ?? ????? ???????? ???? ?? ????? ?? ????? ?? ??? ?? ????. ???? ?? ??? ???? ????. ?? ???? ??????? ??????. ???? ?? ?? ???? ???? ?? ?? ??? ?? ??? ?????? ????? ???????? ???? ?? ????? ?? ??? ???????? ?????? ??????. ???? ?? ??????? ???? ??? ???. ????? ?????? ?? ???????? ????? ?? ?? ???? ?? ??? ??? ???????? ???? ???????? ?????????. ???? ??? ?? ??? ???? ????! ??????????, ?????? ????? ????? Mas lalo lang bumuhos ang mga luha ko dahil sa nabasa kong letters niya. Nasaktan ko siya, naramdaman niya na hindi siya kasali sa priority ko. Nasabi niya na hanggang second option ko lang siya pero hindi iyon totoo. Gusto kong itama iyon sa kanya. Na hindi na siya magiging second option ko lang. Na kahit hindi niya hilingin na sa susunod niyang buhay ay mamahalin ko na siya. Kahit ngayon din ay handa akong ibigay sa kanya ang lahat. Ngayon ay hindi na ako magiging duwag na ipaglaban siya at sasabihin kong mahal na mahal ko siya. Pero hindi ko gusto ang mga nakasulat sa loob dahil kakaiba iyong pakiramdam ko habang binabasa ko iyon. There is something wrong...para siyang nagpapaalam sa amin... *** "WALA pa po ba kayong update sa kanya?" tanong ko sa parents ko nang madatnan ko sila sa living room. Nandito rin ang parents ni Heaven. Sa loob ng limang buwan na iyon ay tinutulungan pala nina Mommy at Dad sina Aunt Angelina at Uncle Hervin sa paghahanap kay Heaven. Kaya naman pala nakikita ko na masyado rin silang abala at hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makapagtanong sa kanila. "W-Wala," malungkot na sagot ni Mommy at inaalo ang umiiyak na si Aunt Angelina. Kung titingnan mo siya ay parang wala na siyang buhay at palagi na lang siyang umiiyak. Si Uncle Hervin naman ay pansin ko ang pagpayat niya at bagsak ang balikat. Humaba na rin ang buhok niya at hindi na niya naaalagaan pa ang sarili niya. "S-Saan po ba puwedeng pumunta si Heaven? M-May alam po ba kayo na lugar na gusto niyang puntahan?" tanong ko sa kanila at sabay silang umiling. "Halos baliktarin na namin ang mundo, Syrn. Hindi namin siya makita. Ilang bansa na ang napuntahan ng mga tauhan namin para lang hanapin ang anak ko. P-Pero bigong-bigo pa rin kami. Ni hindi na namin ma-contact ang cellphone number niya," mahabang sagot ni Uncle Hervin at kitang-kita ko ang pagdausdos ng mga luha niya sa pisngi. "At may pakiramdam ako na hindi okay ang anak ko ngayon... K-Kailangan niya kami..." umiiyak na dugtong na sambit ni Aunt Angelina. Umakyat ako sa kuwarto ko at pinagsusuntok ko ang pader no'n. Damn, saan namin siya mahahanap? Nasaan na ba siya? Please, Lord... Ituro mo naman po sa amin kung nasaan siya... Please, sabihan niyo po sa amin... Pabagsak na umupo ako sa gilid ng kama ko at itinukod ko ang magkabilang siko ko sa tuhod ko. Saka ako napahawak sa aking ulo. Mariin na kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para lamang mapigilan ang paghikbi ko pero hindi ko na napigilan pa. Umiyak ako katulad nang pag-iyak ng babaeng mahal ko... Ang sakit-sakit sa puso... Bakit ngayon lang? Bakit ngayon ko lang na-realize ang lahat? Na mahal ko na pala siya? Na mahal na mahal ko pala si Heaven Angel Calle? Huli nilang nakita si Heaven ay iyong pumunta raw sila sa mansion namin at birthday ko sa mga oras na iyon. Pag-uwi nila raw sa bahay nila ay hindi nila napansin na wala na pala siya roon. Napatingin ako sa isang box na nasa bedside table ko. Ibinigay ito ng kasambahay namin at baka para sa akin daw ito pero ni hindi ko nabuksan at natingnan ang laman no'n. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang laylayan ng suot kong shirt at nilapitan ang box na iyon. Saka ko kinuha at muli akong umupo sa kama. Nakita ito noon sa may garden at mukha raw nahulog nila nang isa-isa nilang dinala sa kuwarto ko ang mga regalo na natanggap ko mula sa mga bisita namin. Nang buksan ko ito ay parang may malaking kamao ang pumipiga sa dibdib ko. Nahihirapan na naman akong huminga at panay kirot na ang puso ko. "N-Nandito siya... Nandito siya noong birthday ko. Baby... I'm so sorry... I'm sorry..." *** LUMIPAS pa ang ilang buwan at malapit nang mag-iisang taon nang mawala si Heaven Angel pero hindi kami sumuko sa paghahanap sa kanya. "Mahahanap niyo rin siya, Syrn. Don't worry. Everything has a reason," Serryline said at umiling lang ako. Gustong-gusto ko na siyang makita. Miss na miss ko na siya. Nasaan na ba kasi siya? "Sige na, mauuna na ako. Pupunta pa ako sa hospital para daanan ang boyfriend kong masyado ring abala sa work niya," paalam sa akin ni Serryline. Nilingon ko siya at nakita ko ang dala-dala niyang paperbag. Alam ko kung ano ang laman no'n. Lunch pack. Sa bagay na 'yan ay naaalala ko lang siya. "Gusto mo bang sumama sa akin? Para makilala mo na ang boyfriend ko." Sa totoo lang ay wala ako sa mood na sumama sa kanya. Pero tila may nag-uudyok sa akin na sumang-ayon sa gusto niya kaya sumama rin ako. Siya ang nagmaneho ng sasakyan ko dahil baka raw maaksidente kami dahil wala raw ako sa sarili. Noong nawala si Heaven Angel ay parang ang hirap nang bumangon sa umaga at parang nawalan na rin ako ng gana para mabuhay. Dahil sa occupied ang isip ko ay hindi ko man lang namalayan na dumating na kami sa hospital na pinagtatrabahuhan ng boyfriend niya. Totoong hindi ko pa nakikilala ang doctor na boyfriend niya. "Si Dr. Johansen Ganier po?" agad na tanong ni Serryline sa isang nurse. "Nasa room 106 po siya, Ma'am," magalang na sagot nito sa kababata ko. "Hindi pa ba break niya?" she asked again. "Mina-monitor lang po ni Dr. Ganier ang pasyente niya." "Puwede ba namin siyang puntahan?" "Kayo po ang bahala, Ma'am." Nagpaalam na si Serryline sa babae at sumunod na rin ako sa kanya. *** HUMINTO kami sa room 106. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang makita ang pintuan na ito. My heart skips a beat at parang ayokong pumasok sa loob. "I'll stay here," sabi ko kay Serryline at akmang tutungo na ako sa isang bench nang pinigilan ni Serryline ang kamay ko. "W-Wait lang, Syrn!" natatarantang sabi niya at salubong ang kilay ko nang tiningnan ko siya. "What?" Bigla siyang namutla. "What's the matter?" "A-Ano... Ano ulit ang full name ng ex-girlfriend mo?" bigla ay tanong niya sa akin. Sa halip na magtanong pa ako ay sinabi ko na lang. "Heaven Angel Calle..." sambit niya sa pangalan ng babaeng mahal ko at nakatingin siya sa pintuan. "H-Hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako or what but I wanna know!" sabi niya at pinihit na pabukas ang pintuan. Umupo na lang ako sa bench at wala pang limang minuto ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nag-angat ako nang tingin. Nag-alala na ako nang makita ang reaksyon niya. Kaya tumayo na rin ako. "Serry... Let's talk. Mali ang iniisip mo, baby." Bigla ring sumulpot ang isang doctor. "Shut up!" sigaw ni Serryline at nanginig pa ang boses niya saka ako mariin na tingnan. "H-Hindi ko alam kung... Good news ba ito o ano pero... Mas pipiliin ko ang bad news. Syrn... Iyong babaeng gusto mong makita..." umiiyak na sabi niya at mas lalo lang akong naguguluhan. "W-What?" "Serry, ako ba ang pinagsasabi mo?" "Iyong babaeng mahal mo ay nasa loob," diretsong sabi niya. "What?" nalilito ko pa ring tanong at sabay pa kaming napatingin sa tatlong taong dumating. Sila iyong staff sa Heaven's... Gulat na gulat sila nang makita kami. "A-Alam niyo na po?" tanong sa akin ng lalaking pinasuyo ko noon sa kanya ang binili kong kape para kay Heaven Angel. "I'm sorry po kung n-nilihim namin ito sa inyo, Sir. Nangako lang po kami kay Chef Angel na wala kaming pagsasabihan tungkol sa sakit niya..." Nagpanting ang tainga ko sa narinig na sakit at sa pangalan na binanggit niya. "What are you talking about?" kinakabahan na tanong ko sa kanila. "Pasensiya na po pero hindi talaga namin intensyon ang ilihim ito. Nasa bucket list po ni Chef Angel..." Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya at sumigaw ako nang may napagtanto na ako... Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan at halos bumagsak ako sa sahig dahil sa nanlalambot kong tuhod. Malakas ang kabog sa dibdib ko nang makita ko ang pangalan sa pintuan. Heaven Angel Calle... Hinawakan ko ang doorknob at mabilis na binuksan iyon para lamang mas nasaktan ako sa nakita ko... "Oh, God... Baby..." I want to see her again, para sabihin ko sa kanya na mahal na mahal ko siya pero hindi ito ang inaasahan kong mangyayari. When I found her. She's fighting between life and death. In short, she's dying... ?? ???????? ???? ?? ?????... Parang may pumapako sa mga paa ko at nahihirapan akong maglakad para lapitan siya. Halos gumapang ako at nang makalapit ako sa kanya ay nawalan ako nang balanse. Napaluhod ako sa sahig. "H-Heaven..." nahihirapang sambit ko sa pangalan niya at hindi ko alam kung may tunog pa ba ang boses ko... Para akong kakapusin ng hininga nang makita ko siyang nakaratay na sa hospital bed at parang ang life support na lang ang bumubuhay sa kanya. Sobrang payat niya at putlang-putla na rin... Nakasuot na lamang siya ngayon ng puting bonnet... At naka-oxygen mask. Para akong mapipipi at hindi makapagsalita nang maayos. Paulit-ulit na gumalaw ang mga labi ko at walang salita ang lumabas doon. Sa huli ay hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay kahit na natatakot akong hawakan siya. Natatakot akong masaktan siya... Dahan-dahan akong gumapang sa hospital bed niya at mahigpit na yumakap sa katawan niya. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya at malakas na humagulgol. "Syrn, b-baka masaktan mo siya..." Narinig kong sabi ni Serryline pero hindi ko binigyan pansin. Gusto ko ulit bigkasin ang pangalan niya pero parang hindi ko kaya. Parang nahihirapan akong bigkasin iyon. Parang may malaking bato ang bumara sa lalamunan ko. Iyong malakas na pag-iyak ko lang ang narinig ko at nakapagsalita lang ako nang may pilit na humihila sa katawan ko. Pinapaalis nila ako sa tabi ng babaeng mahal ko... "P-Please no... N-No... I want to stay with her... Don't, please..." magmamakaawang sabi ko pero masyado silang malakas at wala akong laban ngayon dahil nanghihina ako. Nanghihina ang katawan ko. Sigaw ako nang sigaw at nagpupumiglas... "Let me go! H-Huwag niyo akong ilayo sa kanya, please! Heaven... Heaven Angel! Heaven, gumising ka! Nandito na ako... N-Nandito na ako... Gumising ka!" "Please stop! Mas lalo mo lang pinapahirapan ang pasyente ko!" sigaw sa akin ng doctor at mabilis na umigkas ang kamao niya sa panga ko. Pero parang wala lang iyon sa akin. Mas masakit iyong puso ko kaysa sa natamo kong suntok mula sa kanya. "Don't hurt him, Johnsen!" "Muntik ng atakehin sa puso ang kaibigan mo!" "What are you talking about?" "Hindi mo ba nakita kanina na halos hindi na siya makapagsalita pa? Mas mauuna pang mamatay ang kaibigan mo kaysa sa pasyente ko." "Pakawalan mo na lang siya." Nakahiga lang ako sa sahig at parang ayoko nang bumangon. Sobrang bigat sa dibdib. Sobrang sakit sa puso. Hindi rin tumigil ang mga luha ko. "A-Ano'ng... n-nangyayari?" Parang nabuhayan ako nang marinig ko ang boses niya. Napakahina no'n at parang nahihirapan siya. "Huwag ka nang bumangon. Magpahinga ka na riyan." "P-Pero parang...narinig ko ang...b-boses niya..." "Wala, magpahinga--" "Stop it, Johnsen! Hayaan mo ang kaibigan ko na makita at makausap si Angel! Please...matagal niyang hinintay ito..." "B-Baby, I can't risk my patient's life..." "Please..." "No. Lumabas na lang kayo." "Kung ako ang nasa kalagayan niya ay hahayaan mo rin ba na umalis ka rito nang hindi ako nakakausap?!" "Damn it! No!" "D-Dr. Johnsen... A-Ano po...ba ang nangyayari? At sino... S-Syrn?" Para akong nabigyan nang lakas at mabilis akong nakabangon mula sa sahig. Pero halos magkandarapa pa ako na muli siyang lapitan at nang nagawa ko naman ay muli ko siyang niyakap ng sobrang higpit. "Baby... I'm sorry... I'm so sorry, baby..." "W-What are you...d-doing here, Syrn?" "I love you, Heaven Angel... M-Mahal na mahal kita... Mahal na mahal kita... Please, don't leave me..." paulit-ulit na sabi ko at hindi ako magsasawa na sabihin iyon sa kanya. "Syrn..." "You're my greatest love, baby... You're my greatest love..." umiiyak na sambit ko at narinig ko na ang pag-iyak niya. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD