CHAPTER 14

2240 Words
Chapter 14: Realization "SYRN, let's go!" "Ha?" gulat na sambit ko when Serryline shake my shoulder, several times. I was... Parang nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog ko at bumalik sa akin ang lahat ng alaala na iyon. That I was with her, my ex-girlfriend. Hindi ko inakala na magkakaroon ako ng girlfriend sa loob lang ng tatlong buwan at ngayon... Naghiwalay kami dahil pakiramdam ko ay hindi ako karapat-dapat para sa kanya. Para sa pagmamahal niya. I want to achieve my goals for her, just to be with her but I realized na masasaktan lang siya kung hindi ko siya palalayain. I can't love her back... But I can't help myself at muli akong bumalik sa araw na iyon. That day, when I choose to break-up with her kahit mabigat sa dibdib ko. *** "CAN I hug you for the last time, Syrn?" she asked me in a soft voice. It's really hard to do this but I need to. I need to let her go... Because I know, siya lang ang mas masasaktan sa aming dalawa. I can't love her... I love my job. I don't want to hurt her. She's important to me, because she's the daughter of my Uncle Hervin. My father's friend and yes, my girlfriend. "Yes," I said and she smiled at me. A genuine smile. Hindi ko ipagdadamot sa kanya ang bagay na ito. To embrace her. Because this will be the last hug. "Thank you, Syrn. Thank you for spending your time with me. I love you, and please, take care of yourself... I'm Heaven Angel, and I will always be your angel. I love you." Pero hindi ko akalain na hahanap-hanapin ko pala ang presensiya niya after that day... *** "SYRN! Come on! We need to go!" muling tawag sa akin ni Serryline. Ang kababata ko and my best friend at the same time. Napangiti ako sa kanya pero bakit pakiramdam ko ay hindi man lang umabot sa mga mata ko ang ngiti kong iyon? Parang may kakaiba sa nararamdaman ko and I can't tell, dahil hindi ko naman alam. Hinila ni Serryline ang braso ko and she seems excited. Katulad ng madalas kong ginagawa after our flight ay wala sa sariling napatingin ako sa lobby, particular na sa isang bench. Napahinto ako. Ngayon lang ang balik ko sa bansa dahil naging abala na ako sa trabaho ko. I took my Saturday free time at hindi na rin ito ang pang-ilan na Sunday na umuwi ako. Hindi ko alam kung ikasasaya ko ba ang makita na wala ng babaeng naghihintay sa akin diyan sa bench na 'yan. Dahil alam kong hindi na siya maghihintay pa nang ilang oras para lang sa akin. O malulungkot? Dahil hindi ko na nakita ang nakangiti niyang mukha at sasalubungin ako nang mahigpit na yakap. Siguro mawawala rin ang kasanayan na ito, ang kasanayan na nakikita ko siya at naghihintay sa akin. Babalik naman sa normal ang buhay ko. When we reached the parking ay pinagbuksan ko ng pintuan ng kotse ko si Serryline. "Thanks!" nakangiting sabi niya, and her I am again, just like what I did to my ex-girlfriend before ay kusang gumalaw ang mga kamay ko para tulungan siya sa pagsuot ng seatbelt niya. I smiled when I saw her angelic face and her beautiful smile, but when I realized na kung sino ang kasama ko ay nawala ang ngiti ko sa labi. I felt a pang in my heart. "W-What was that, S-Syrn? Hindi mo naman ito ginagawa sa akin noon, ah?" nagtatakang tanong niya sa akin at mariin na napapikit ako. She's right, ang pagbuksan ko lang siya ng pintuan ang madalas kong ginagawa. Hindi ang pagsusuot ng seatbelt. "I just want to help you," I reasoned out at umiling siya. Mabilis naman akong umikot sa driver's seat and I fastened my seatbelt. "Did you missed her, Syrn?" she asked me. "I... don't know... M-Maybe yes?" hindi siguradong sagot ko. "Pero babalik naman ito sa normal. I'll be good," dugtong ko and I started to maneuver my car. I took a deep breath. "You're in love with her, Syrn. Admit it," mariin na sabi niya but I shook my head. "Nakasanayan ko lang ang mga bagay na ito because of her. Serryline, I can't love her back. You know that," malamig na sabi ko. Si Serryline, hindi sumagi sa isip ko ang gustuhin ko siya hindi bilang kapatid. I just love her because I treat her like my own little sister. I didn't cross the line para maging girlfriend siya kasi hindi ko naman talaga iyon naisip. Mahal ko siya bilang kaibigan at kapatid. That's it. But Heaven Angel Calle, totoong gusto ko siya. Nagustuhan ko siya hindi rin bilang kapatid. I like her and I was sincere when I asked her to be my girlfriend. Iba ang saya ko when I'm with her. Isang ngiti lang niya ay parang buo na ang araw ko but I can't give her my time dahil sa mga pangarap ko. And I feel like I'm not deserving for her loves. She's too good to be true and she deserves better. Hindi katulad ko na mas inuuna ang sarili at trabaho. I just... Muli akong napabuntong-hininga at kumuyom ang kamao ko. "I've been there, Syrn. Masakit ka nga talagang mahalin dahil masyado kang selfish na tao," Serryline said. Hindi ako nasaktan sa sinabi niyang selfish ako. Because that was true. I'm a selfish person, inaamin ko iyon. "When I confessed my feelings for you ay literal na ni-reject mo ako. But I'll move on dahil naisip ko rin na wala nga akong mapapala sa 'yo kung ikaw lang ang mamahalin ko. And my love for you is not deep, mababaw lang, eh at hindi mo naman ako pinaasa. Hindi mo ako pinaasa sa isang bagay at i-pursue ang nararamdaman ko para sa 'yo. Sinabi mo agad sa akin that you can't love me back. Because you just love me as a sister but not her," her long statement. "She's beautiful, ikaw na ang nagsabi sa akin na hindi sapat ang words na ˋmagandaˊ to describe her beauty. And yes, she's too good to be true. Mararamdaman mo talaga na hindi ka enough para sa kanya. Na nagiging unfair ka sa relasyon niyo. But to be honest, Syrn. Wala naman talagang problema sa relasyon niyo. She loves you and you love her too. Ikaw lang ito ang naging complicated para sa kanya. Minahal mo siya hindi dahil nakita mo ang panlabas na anyo niya. Mahal mo siya dahil unti-unti mo na siyang nakikilala, Syrn," she added. Humigpit lang ang pagkakahawak ko sa manibela ng sasakyan ko dahil sa pinagsasabi niyang mahal ko si Heaven Angel. "Honestly, naiinggit ako sa kanya, Syrn. Naiinggit ako sa kanya dahil sobrang deep ng pagmamahal niya sa 'yo at mahaba rin ang pisi ng pasensiya niya para sa relasyon ninyo na wala palang kasiguraduhan. Mabuting tao iyon, Syrn at ikaw na ang pinakasuwerteng lalaki sa buong mundo. Why? Because she's one of a kind and she's a keeper but you let her go. You let your dreams to ruined your relationship with her na pinipilit niyang nilabanan para lang huwag masira ang pinagsamahan ninyo. At nag-give up siya." THE day on my birthday. After our break-up, I wished that she will come. Inaasahan ko na sasama siya sa parents niya pero hindi. Hindi ko siya nakita. Did I hurt her that much? That's why she choose to avoid me too? Pero kasalanan ko naman ang lahat. "Happy birthday, Syrn," magkasabay na bati sa akin nina Uncle Hervin at Aunt Angelina. Inabot nila sa akin ang regalo nila at nakangiti ko pa itong tinanggap. Sa kabila ng ginawa ako, sa p*******t ko sa nag-iisa nilang anak ay heto. Maayos pa rin ang pakikitungo nila sa akin. Na parang hindi kami nagkaroon ng problema ng anak nila. Na tila ayos lang sa kanila ang masaktan ko si Heaven Angel. At dismayado ako nang sabihin ni Aunt Angelina na hindi nila kasama si Heaven dahil abala raw ito sa trabaho niya. Nagtatrabaho pa siya kahit gabi na? O talagang iniiwasan na niya ako? Naalala ko, na-disappoint ko rin siya noon dahil nakalimutan ko ang araw na inaya ko pala siya ng date at mas inuna ko ang kababata ko dahil sa mga oras na iyon ay nagkasakit si Serryline. I ghosted her, hindi rin naman iyon pumasok sa isip ko na may tao pala ang maghihintay sa akin that day. Kung hindi ko lang siya nakita sa restaurant niya ay baka hindi ko maaalala ang ginawa ko sa kanya. Na pinaasa ko siya. Ganito rin ba ang nararamdaman niya noon sa akin? Bumabalik nga sa akin ang masamang ginawa ko sa kanya at totoo nga talaga ang karma. Hindi totoo na hindi ako naapektuhan sa paghihiwalay namin ni Heaven. Gabi-gabi akong binabangungot dahil paulit-ulit kong nakikita ang pagluha niya. Kung paano siya nasaktan at umiyak nang umiyak sa harapan ko. Kung paano niya sinabi ang lahat ng laman ng puso niya dahil sa ginawa ko. Nararamdaman ko lang ang guilt at parang kakainin pa ako nito. Kaya kahit birthday ko pa noon at maraming bisita ang dumalo sa gabing iyon ay hindi ko na-enjoy at mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko. Dapat kasama ko siya. Dapat nandito rin siya sa birthday ko. Babatiin at bibigyan din ng regalo. Dapat...hindi kami ganito. "Sabi ko sa 'yo na kakarmahin ka. Ano ang feeling na hindi mo siya nakita sa kaarawan mo? Masakit, 'no? Dahil halatang iniiwasan ka na ng tao. Deserve mo 'yan," narinig kong sabi ni Serryline at bigla na lamang sumulpot sa tabi ko. "All of this, nakasanayan ko," mahinang sabi ko. "Nakasanayan ko, nakasanayan ko. Tse! Ang sabihin mo ay miss mo na siya pero hindi mo siya mapupuntahan dahil sa pride mo! Saka duwag ka. Mahal mo naman ang tao pero ginaganito mo lang siya," masungit na sabi niya sa akin at huminga ako nang malalim. "If I really love her ay hindi ko siya sasaktan, Serryline and I just did. Sinaktan ko siya kaya tama lang naman ang ginawa ko. Hindi ako karapat-dapat para sa kanya," paulit-ulit na sabi ko pero hindi ko talaga nagustuhan ang isipin ko na hindi ako deserving para sa kanya. "Oh, hindi mo mahal? Pero bakit may luha ka na riyan?" she mocked me at marahas na hinawakan pa niya ang mukha ko. Halos bumaon ang kuko niya sa pisngi ko dahil sa higpit nang pagkakahawak niya sa akin. Pero sa halip na magreklamo ako ay sunud-sunod ang pagtulo ng mga luha ko. Nagulat siya dahil hindi niya rin ako nakasanayan ang makitang umiiyak at ng dahil pa sa isang babae. "Kung hindi mo siya mahal ay hindi mo siya iiyakan ng ganyan." MY WORK is a big help dahil kahit papaano ay nakakalimutan ko ang break-up namin ng ex-girlfriend ko. Pero hindi sa mga oras na bumabalik ako sa Pilipinas. Kusang humihinto ang mga paa ko kung nararating ko ang lobby, sa bench. "Welcome back, My Captain!" she greeted me with open arms. Mabilis na gumuhit ang ngiti sa labi ko. "Baby..." I whispered and I stepped towards her, yayakapin ko na sana siya pero bigla siyang naglaho nang nasa harapan ko na siya. Parang nakarinig ako ng malakas na bell at tila nawala ako sa sarili ko. Napatingin ako sa paligid. Punong-puno ng tao dahil sa mga pamilya na naghihintay rin sa kamag-anak nila na kauuwi lang mula sa ibang bansa. Maririnig mo ang mga boses nila at masayang-masaya na magkakamustahan, nagyayakapan. Umawang ang labi ko nang matauhan ako at parang may buhay ang mga luha ko, na nag-uunahan na sa pagbagsak. "Damn." "What happened, Syrn?" "I realized one thing, Serryline..." mahinang bulong ko at nagsimula ng bumigat ang paghinga ko. Na unti-unti ko ring nararamdaman ang pagkirot sa puso ko. "A-Ano 'yon?" tanong niya sa akin at halata sa boses niya ang pag-aalala. "I l-love her. I love her, so much, Serryline..." *** I WANT to win her back, handa na ako sa magiging parusa ko para lamang bumalik siya sa buhay ko. May sagot na ako sa sasabihin niya sa akin, na mahal niya ako. But I'm too late... ˋˋ????? ???, ???. ????? ??? ??? ???????? ???? ???? ???? ??. ? ???? ???, ??? ??????, ???? ???? ?? ????????... ?'? ?????? ?????, ??? ? ???? ?????? ?? ???? ?????. ? ???? ???.ˊˊ That's the last time I heard her soft voice, and the other day. Wala ng Heaven Angel ang bumibisita sa akin sa airport, wala na ang babaeng nagdadala ng pagkain para sa akin. Wala na akong nadadatnan na babaeng naghihintay sa lobby after my flight. Even her shadow... I can't trace it... She's nowhere to be found. And I realized something... That girl, she took my heart away from me and I'm afraid... I can't take her back... Realization hits me. I'm in love with her. *** "NAKA-LEAVE po sa trabaho si Chef Angel," ang balita sa akin ng manager ng restaurant niya, ang Heaven's. Kung desperado akong makuha ulit ang loob niya ay dapat inuna ko ang parents niya at nang pinuntahan ko na nga ay ang Mommy niya ang bumungad sa amin. She was crying... "L-Limang buwan na siyang nawawala, Syrn. Itong letters lang ang iniwan niya sa amin at wala na kaming update sa whereabouts niya." Damn, nasaan ka baby?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD